Mga tagasunod

Martes, Oktubre 14, 2014

For What It's Worth Book 2 (8)

Chapter 8



Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers and there are scenes that were added to make it more exciting. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

P.S.  As promised, dedicated kay m@sg na nagtatampo sa akin ang chapter na ito. ahaha Salamat po sa mga nagbabasa and nagtatake ng time to leave comments. Thank you :) 

“JD, Chris broke up with me…” Iyak ni G sa kabilang linya. Bigla namang nagsikip ang dibdib ko.
Nawala yung lasing ko sa katawan. Ito na nga ba ang sinasabi ko, ito ang iniiwasan kong mangyari ang masaktan ang bestfriend ko.

“Why? What happened?” Pagtatanong ko sa kanya dahil gusto kong malaman kung sinabi na ni Chris ang lahat. I need to be careful, ayaw ko magkasira kami ni G.

“Since last week he started being cold to me. I dunno why JD, ang sakit sakit kasi mahal ko talaga si Chris. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang” iyak pa ding sagot ni G sa akin.

“Ano daw reason niya?” pagtatanong ko, feeling ko ang sama sama kong best friend.

“Even if the break up was sudden, he’s been honest to me…” umpisa niya pero nagsimula nanaman siyang umiyak. Kinabahan naman ako, sinabi ba ni Chris na ako ang dahilan?

“G, if only nandyan ako to hug you. Ano ba reason niya why he broke up?” Awang awa ako sa bestfriend ko, ngayon lang siya umiyak ng ganito. The last time I saw her cry is when her dad died when we were in second year high school. After nun, she promised she will never cry again but here she is, crying because of me and Chris. Hindi ko naman masabi na alam ko ang reason dahil mas lalong masakit ito sa part niya.

“May mahal na siyang iba JD…” Mas lalo siyang humagulgol, what can I do?

“G… I don’t know what to say. You gave up that easily?” Pagtatanong ko sa kaniya, this is not G. Hindi niya basta sinusukuan ang mga taong mahal niya.

“I begged him to stay but he said he can no longer love me like the way he used to. Ang sakit JD, napakahayop nung taong mahal niya.” Naguiguilty ako, kung kayo ba ang nasa position ko, ano gagawin niyo?

“Maybe may ibang taong nakalaan sa iyo G.” Nag aalangan kong sagot.

“NO! Alam mong si Chris lang ang naging boyfriend ko JD. I won’t give up Chris that easily.” Galit na turan niya sa akin. Masasabi pa kaya niya yan kung malaman niyang ako ang taong mahal ng boyfriend niya?

Natapos ang usapan namin na grabe pa din ang hinagpis ni G. Naaawa ako pero wala naman ako magawa. Uuwi sana ako pero wala ng dumadaang taxi kaya nagpasya akong bumalik sa bahay nila sir Raphy. Pagkabalik ko ay naabutan ko si sir Raphy na nag aayos ng kalat namin.

“Oh JD, saan ka galing?” Tanong sa akin ni sir Raphy.

“I was supposed to go home pero wala na kasi nadaan na taxi kaya I decided na dito nalang ako magpapalipas ng gabi.” Nahihiya kong sambit sa kaniya.

“Ganito talaga dito sa amin pag patak ng 9 PM wala ka ng makikitang taxi o jeep na nadaan. Dito ka na matulog, why don’t you sleep on the spare room sa taas?”

“Sige sir Raphy thank you. Tulungan na muna kita diyan.” Tinulungan ko muna si sir bago ako umakyat. Paakyat na sana ako ng madaanan ko si Nicko sa sahig. Naawa naman ako sa kanya kasi yung itsura niyan nung iniwan ko siya ay ganoon pa din kaya inakay ko na siya paakyat ng kwarto kung saan ako matutulog.

“Ang bigat mo Nicko, umayos ka!” Sabi ko sa kanya pero talagang lasing na ang bata. Wala siyang imik at ramdam kong natulo na ang laway niya sa likuran ko.

“Nicko, huwag mo ako lawayan!” Inis na sambit ko sa kanya.

“Uhmmm…” Ang tanging nasambit ni Nicko sa akin. Sa wakas ay naiakyat ko siya sa taas at inihiga sa sofa sa loob ng kwarto. Nagpasya na akong matulog at dahil sa din siguro sa kalasingan ay hindi ko namalayang lumalim na ang aking tulog.

Pagkagising ko ay may naramdaman akong mabigat sa braso ko. Nakatagilid kasi akong natulog, maliban doon ay naramdaman ko din na parang may tumutusok sa may bandang puwetan ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Nicko na nakayakap sa akin at parang nananadyang binubundol yung harapan niya sa likuran ko.

“Paano to nakapunta dito eh sa sofa ko siya pinahiga?” Tanong ko sa sarili ko. Itinulak ko naman siya para magising siya.

“Aray!” Rinig kong sambit ni Nicko ng maitulak ko siya mula sa kama at tumama ang puwet niya sa sahig. Natawa naman ako sa ginawa ko pero it serves him right.

“Ano ba kasi ginagawa mo? Okay na sana yung nakayakap ka pero your poking me with your argh!” Namumula kong sambit.

“Arte mo naman kuya JD. Nangawit ako sa sofa! Sa tangkad kong ito diyan mo ako pinahiga? Bakit kasi hindi mo nalang ako hiniga dito sa kama and yung poke na sinasabi mo, I can’t help it! Morning wood duh!”

“Ewan ko sa iyo” Tumayo na ako at bumaba at baka gising na ang ibang grupo namin. Tinignan ko naman yung phone ko at panay text ni Jeff. Oo nga pala, I forgot to text him.

“Patay!” Sambit ko, pababa na ako habang tinetext sana si Jeff ng may nag greet sa akin.

“Good Morning..” Hindi ko nakilala yung boses.

“Good Mor…” Nabigla ako, anong ginagawa niya doon?

“Jeff! Ano ginagawa mo dito?” Takang tanong ko sa kanya.

“Hindi ka kasi nag text kung nasaan ka. Buti nakita ko sa status update ni Nicko kung nasaan kayo kaya pumunta na ako dito. Nawala pa nga ako, pagkadating ko eh tulog ka na daw sabi ni sir Raphy kaya nag hintay nalang ako dito.” Mahabang paliwanag niya.

“Sira ka talaga, nakatulog na kasi ako kagabi. Sorry di na kita na text. Asan pala si sir Raphy?” Apologetic kong sabi sa kanya.

“Wala yun, di ba nga kahit na takbuhan mo ako, kahit iwasan mo ako ay susundan kita?” Naalala ko naman yung sinabi niya yun sa pamilya ni Nicko nung nagkita kami sa bahay ng pinsan niya. Oo na, aaminin ko na! KINIKILIG ako pero syempre hindi ko pinahalata.

“Si sir Raphy pala nag jogging, yung ibang ka grupo niyo kakaalis lang. Pakiss nga habang walang tao, namiss kita eh.”

“Sira ulo ka!” Sambit ko sa kanya. Pero sa totoo lang pulang pula na talaga yung pisngi ko. Habang naguusap kami ay biglang sumigaw si Nicko.

“Kuya JD, ang sakit ng pwet ko sa pagkakatulak mo ah!” Sambit ni Nicko habang pababa siya.
“Kasalanan mo yan!”

“Magkatabi kayo?” Kita ko ang pagseselos sa mata ni Jeff. Hindi lang sa mata kundi sa tono ng pagtatanong niya. Nangiti naman ako, nagseselos ang loko!

“Ahh, ehh…” Hindi ko matapos na sabihin sa kanya. Gusto ko makita niya yung hesitation ko sumagot para lalo siya mag selos! Pero bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay inunahan na ako ni Nicko.

“Yup!” Buong pagmamalaki niyang sabi sa pinsan niya.

“What?!” Na eskandalo na sambit ni Jeff sa amin na ikinatawa ng pinsan niya.

“Nicko 3 points!” Sabi ni Nicko na parang nag shoshoot ng bola. Nakita ko naman ang pagsimangot ni Jeff. Ang cute talaga niya mag selos. Teka, cute? Did I just said that? Argh.

“Nicko, dun ka nga!” Pagbabatok ko sa kanya. Tumatawa tawa nalang siyang umalis sa harap namin.

“JD, ano to?” tanong ni Jeff sa akin.

“Teka, pwede chill? And nagseselos ka ba? Hindi ba wala yan sa kasunduan?”  Naniningkit kong tanong ko sa kanya. Umayos naman siya at muling nagtanong.

“JD, same room kayo ng kwarto?” Kalmadong sambit niya na ikinatawa ko.

“Oo, pero hindi kami tabi nung natulog ako. Lasing na yang pinsan mo kaya ipinahiga ko siya sa sofa pero nagulat nalang ako nakayakap na siya sa akin pag gising ko.”

“Hmmmm.”

“Walang nangyari sa amin based sa natatandaan ko?” Pagbibiro ko.

“What?!”

“Joke, wala talaga. Ito napaka malisyoso.” Pagtawa ko sa kanya.

Bigla nanaman nag ring yung phone ko, si G. Hindi ko nanaman alam kung bakit hindi ko ito masagot. Napansin naman ni G na malungkot ang mukha ko.

“Is there something wrong?”

“Wala, sagutin ko lang yung tawag. It’s G.” Tumango naman si Jeff bilang pag sang ayon at lumayo muna ako sa pwesto namin at kinausap si G. Nagbuntong hininga muna ako bago ko ito sinagot.

“Hello, G?”

“JD, hindi ko talaga kayang wala si Chris sa buhay ko. Ayaw na daw talaga niya dahil mahal niya yung putang inang yun. Malaman ko lang kung sino yun papatayin ko siya” Iyak ni G pero mahahalata mo ang galit sa boses niya.

“G, baka naman walang kasalanan yung sinasabi ni Chris na bago niyang mahal.” I am trying to defend myself without her knowing na ako ang tinutukoy niya.

“Kasalanan man niya o hindi, siya ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Chris.”

“G…” Simula ko pero sumabat siya.

“Teka, ako dapat ang kinakampihan mo JD!” Napabuntong hininga naman ako.

“What I am trying to say is, I am giving that person a benefit of the doubt kasi hindi niya madepensahan sarili niya. What if hindi naman niya ginusto yung mga nangyayari? You need to talk face to face kay Chris. Maybe we can work things out.”

“Alam mo tama ka! I need to go to Baguio para ayusin to. Can you do me a favor?”

“Sige, ano ba yun?” Alanganing sagot ko.

“Alamin mo kung sino ang pinalit sa akin ni Chris.” Buo niyang pagkakasabi.

“Bakit pa G?”

“Para alam ko kung sino ang kalaban!” Nanghina naman ako sa gustong manyari ni G. Paano ko aaminin sa kaniyang ako yung mahal ng boyfriend niya?

Lutang ako buong araw kahit ng maihatid na ako ni Jeff from sir Raphy’s house. Tinatanong naman ni Jeff kung okay lang ako pero I just keep on saying YES kahit sa totoo ay hindi naman. Pinauwi ko muna si Jeff dahil kailangan kong mag isip kung ano ang dapat kong gawin. I need to talk to Chris, yun lang ang tanging paraan. I pulled out my phone and texted him.

“Chris, let’s meet up? Coffee shop, 4 PM today.” Text ko sa kanya.

“Sure, see you JD.” Maiksing reply niya.

Kung kinakailangang mag makaawa ako na huwag niyang saktan si G ay gagawin ko. Mahal ko si G as my best friend, she was always there nung panahong lahat ng tao ay tinalikuran ako. Andun siya ng mamatay si Mike, lahat ng panahong puro sakit ang nadadanas ko ay nandoon siya. This is the least I can do. Habang nag iisip ako ng paraan para mapabalik si Chris kay G ay nag text naman muli itong si Jeff.

“JD, dinner later?” Text sa akin ni Jeff.

“Pass muna ako Jeff, I need to meet up with a friend.”

“Sinong friend?” pagtatanong niya.

“HS friend, di mo kilala.” Hindi ko alam bakit ako nagsisinungaling kay Jeff.

“Sama ako?”

“Next time na lang Jeff.”

L” reply niya, nangiti naman ako. Bakit kinikilig ako sa mga ganitong paandar sa akin ni Jeff? Minabuti kong hindi na siya replyan at nagbihis na ako to meet Chris.

Bahala na, I got at the meeting place 15 minutes earlier but to my surprise andun na si Chris.

“JD, buti naman nandito ka na…” Pagtayo niya. Pinigilan ko naman siya at umupo ako sa tapat niya.
“Siguro alam mo na that me and G already broke up, ito yung sinasabi kong patunay na ikaw ang pinipili ko.”

“Chris! It will never happen between us okay? Nandito ako para makiusap na balikan mo si G. Kaibigan mo siya since bata pa kayo, how can you do this to her?”

“Mas magiging unfair kung ipipilit pa namin ang relasyon namin. Hindi ko pwedeng diktahan ang puso ko na si G ang mahalin pero ikaw naman talaga ang mahal ko. Matagal ko nang sinubukan diktahan ito pero sadyang ikaw ang lumalabas na mahal ko.” Hinawakan niya ang kamay ko pero hinugot ko iyon.

“Chris, maawa ka kay G. Akala ko ba mahal mo siya?”

“Narealize kong mas mahal kita nung panahong iniiwasan mo ako JD. Nahihirapan ako sa situation natin, ikaw ang mahal ko pero hindi ko magawa ang bagay na gusto ko dahil ayaw mo.”

“Tang ina naman Chris! Then why did you commit to her kung sasaktan mo din lang siya.”

“Dahil akala ko makakalimutan kita!”

“Akala? Puro ka akala! Pinapalala mo ang situation eh. Paano kung malaman ni G na ako ang dahilan ng sakit na dinaranas niya?”

“JD…” Hindi ko na siya pinatapos at nagsalita ako.

“Please Chris, balikan mo si G. She doesn’t deserve this.” Nakita kong umiling siya tanda na hindi siya sang ayon sa hiling ko.

“Ano ba ang gusto mong gawin ko balikan mo lang ang bestfriend ko?” Frustrated kong tanong.

“Be mine and magpapanggap ako na mahal ko pa din ang best friend mo!” Nabigla ako sa sinabi ni Chris, how can he be this so insensitive. Tumayo ako at sinampal ko siya.

“You’re sick!” Umalis na ako sa coffee shop na yun. Hindi ko na alam ang gagawin ko, paano ko tutulungan ang best friend ko. G texted me na aakyat daw siya sa sem break para magkausap sila ni Chris. Kahit na pilitin ko ang sarili kong magsawalang bahala ay pilit itong gumugulo sa aking isipan na ikinahalata ng mga kaibigan ko lalo na ni Jeff.

“May problema ka ba JD?” Alalang tanong ni Jeff sa akin.

“Wala nga…” Sabi ko pero nagulat ako ng yakapin niya ako. I need that hug!

“Alam ko ayaw mo sabihin sa akin pero let me hug you JD.” Ang sweet talaga ni Jeff, hindi ko alam pero niyakap ko siya ng mahigpit.

“Woaw! That’s a first” pagbibiro niya at agad akong kumalas sa yakapan namin.

“Ito naman, sige na, lets hug lang JD” Hinila niya ako ulit para yakapin ng mahigpit. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Mahal ko na din ata si Jeff? Sino ba naman kasi hindi maiinlove sa kaniya? Hindi niya naman kasi ako sinukuan at hanggang ngayon andito pa siya. Pero hindi, hindi pa ako ready magmahal ulit. Inalis ko sa isip ko yun at kumalas sa yakapan namin.

“Halika na, kain na tayo!” Sabi ko sa kanya.

“Why are you blushing?” Nangingiti niyang tanong sa akin.

“I am not!” Hinampas ko siya na lalo kong ikinapula. Bakit ako namumula? Parang tanga lang, nagsex na kami lahat lahat pero bakit ako namumula?!

“Weh? Talaga lang ha? Baka naman mahal mo na ako JD?”

“ASA! I hate you.” Tumalikod ako sa kanya para itago ang pamumula ng mukha ko.

“I love you!” Sabi niya na ikinalingon ko pero wrong move dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa. Teka parang nangyari na to?

“I said I love you” Paguulit niya.

“I hate y…” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng halikan niya ako bigla. Ramdam ko ang pagmamahal talaga ni Jeff sa bawat halik niya kaya nadala ako at gumanti.

“Ano yung sinasabi mo?” Tanong ni Jeff after that kiss. Hindi ako makasagot.

“Whatever!” ang tanging na-isagot ko.

Nagdaan ang mga araw na naging okay naman kami ni Jeff. Nagiging sweet na siya sa akin pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya mabawalan. In fact natutuwa ako sa mga nangyayari pero ayaw kong lagyan ng label to. We are still FUBU and I want us to be that way. Nawawala kasi ang dinadamdam ko sa mga nangyayari sa amin nila G and Chris pag kasama ko si Jeff, isang mahigpit na yakap lang niya ay okay na ako. Napapansin din ni Nicko ang pagiging malambing namin ni Jeff sa isat isa kaya kinausap ako nito nang nagkita kami sa RPG Lounge.

“Kuya JD…”

“Oh? Nawala ang kulit mo? Anyare?” Nakita ko naman yung lungkot sa mga mata niya kaya minabuti kong maging seryoso.

“Bakit Nicko? May problema ka ba?”

“Kuya, tinatanggap ko na.” Naluluha niyang sambit.

“Huh? Anong ibig mong sabihin?”

“Nakikita ko na mahal mo na si kuya Jeff.” Nabigla ako sa sinabi ni Nicko, am I that obvious already?

“Ano ba pinagsasasabi mo Nicko?” Pinipilit kong maging kalma lang.

“Nakikita ko sa mga titig mo sa kanya at sa tuwing magkasama kayo iba ang saya mo.”
“Nicko…”

“Don’t try to deny it. Alam mo ba kung bakit ko nilalaban ang love ko sa iyo kuya JD? Kasi wala pa akong nakikitang nagpapasaya diyan sa mga mata mo noon. Ang sabi ko, hanggang di ka nagmamahal ay hindi kita isusuko pero sa mga nagdaang araw you seem happier when kuya Jeff is around.”

“I don’t know what to say…”

“You don’t have to say anything, actions speaks louder than words.”

“I am sorry if I am hurting you Nicko, from the beginning sinabihan naman kita na hindi magiging possible ang gusto mo hindi ba?”

“Oo kuya alam ko but I took that risk. Okay na yun kuya, pinapakawalan ko na yung pag ibig ko sa iyo pero tandaan mo na nandito lang ako lagi.” Seryosong sabi niya.

“Can I hug you kuya JD?” Tumango nalang ako bilang pagsang ayon.

“Ehem!” Rinig namin ni Nicko sa labas ng room. Si Jeff pala at natawa kami sa hitsura niya.
“Chill ka lang kuya Jeff!” Pagbibiro niya sa pinsan niya.

“Oh paano kuya JD, mauuna na ako. Basta kuya, hindi masamang magmahal ulit kung ito ang ikakasaya mo, okay?”  bulong niya sa akin.

“Oo na, drama mo boy!” Ginulo ko nalang ang buhok niya at umalis na siya.

“Ano napagusapan niyo?” Naniningkit na tanong sa akin ni Jeff.

“Secret!” Ngiti ko sa kanya.

“Ah, secret pala ah!” Kiniliti niya ako ng kiniliti.

“Tama na Jeff!” pagmamakaawa ko pero hindi pa din siya tumitigil.

“I love you JD!” Sambit niya habang kinikiliti niya ako.

“I love you too!” Sambit ko, hindi ko namalayang nasabi ko sa kanya yun. OMG nakakahiya. Tumigil siya sa pagkiliti sa akin at hinarap niya ako ulit.

“What did you say?” Masayang tanong niya.

“Wala!” Namumula kong sambit.

“Wala daw narinig ko yun.”

“Wala nga!” Tinulak ko siya at umalis na ako sa kinauupuan namin. Kasi naman, defense mechanism ko yun pag huli na ako.

“Teka lang JD!” Habol niya sa akin pero tinabig ko yung kamay niya sa balikat ko.

“Okay okay, hindi ko na tatanungin na sinabi mong mahal mo ako.” Lalo ako namula at sinuntok ko siya sa braso. Tinaas naman niya yung kamay niya tanda ng sumusuko na siya pero tumatawa pa din siya.

“Stop it Jeff!” Pilit kong pagsusungit pero lintik talaga hindi mawala yung pagkapula ng mukha ko.
Habang naghaharutan kami ay parang nakita ko si Chris na nakatingin sa amin pero ng tignan ko ulit ito ay wala naman. Siguro namamalikmata lang ako.

After ilang days, hindi na masyado tumatawag si G sa akin na ikinaluwag ng dibdib ko. Hindi naman sa ayaw ko siyang kausap pero nababawasan yung guilt ko pag di kami nag kakausap. Hindi ko na din masyadong nakakasalubong si Chris. Pag nasa room kami ay civil lang kami sa isa’t isa. Naging mas okay naman kami ni Jeff, hindi na ako iwas sa pagmamahal niya. Siguro nga tama si Nicko, walang masamang magmahal ulit. Minsan ko ng tinalikuran ang tunay na pagmamahal pero handa akong buksan ulit ang panibagong kabanata sa buhay ko. Pagbibigyan ko na ba si Jeff? Yan ang gumugulo sa isip ko ngayon.

“JD, pa shower ah?” Paalam ni Jeff sa akin, kakatapos nanaman ng pagtatalik namin.

“Sige, ikaw na bahala diyan.” Sambit ko. Nagaayos ako ng higaan ng makita ko ang bag ni Jeff. Ang gulo ng bag niya kaya inayos ko ito at nilabas lahat ng laman para maayos ko. Nakita ko na may isang cellphone si Jeff dun.

“Sa kanya ba ito? Hindi naman ito yung ginagamit niya ah?” Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko doon yung cellphone na ginagamit niya. Hindi ko alam kung bakit ko ito tinignan at nakita ko yung palitan ng messages namin?  Nagtaka naman ako kaya ginamit ko yung phone na yun para I miscall yung phone ko. Nang nag riring na yung phone ko ay nakita ko ang

“Mr. Secret Calling…” sa screen ko. Nabitawan ko naman yung phone ko. Jeff fooled me?

“JD, ano ginagawa mo?” Tarantang tanong niya sa akin.

“Ano to? Niloloko mo lang ba ako Jeff? Ikaw yung mystery texter ko and your not telling me?”

“Let me explain JD…”

“Explain? Jeff, sinasabi ko lahat sayo ng sama ng loob ko na hindi ko alam ikaw pala yun? Kaya pala lahat ng secrets ko at kung ano ang nararamdaman ko alam mo! Great Jeff, that is just great!"

“JD, maniwala ka na gustong gusto ko na talaga sabihin sa iyo pero hindi ko magawa. Natakot ako na magalit ka sa akin.”

“Galit na ako Jeff, ginawa mo akong tanga!”

“Wait lang JD…”

“Leave!”

“JD please…”

“Huwag mong hintaying ipagtabuyan kita.” Nagbihis na si Jeff at umalis ng apartment. Naiyak naman ako sa nalaman ko.

Buti nalang hindi pa ako umamin na mahal ko na siya.Manloloko talaga lahat ng mga lalake! I am so stupid of thinking na meron pang pag asa na mahanap ko ang true love ko. Humiga ako sa kama ko out of frustration, may nakapa naman akong isang matigas na bagay sa kama ko. Baka nalaglag ito sa mga gamit ni Jeff nung nilabas ko yung laman non. Kinuha ko ito para sana itapon ng maalala ko yung notebook na yun.

“Looks familiar” Sambit ko at ng binuklat ko ito ay nakita ko yung nakasulat sa frirst page.

Property of JD Marquez

CP#: 09XX-XXXX-XXX

“So si Jeff ang nakapulot? Ito yung hinahanap kong notebook nung first year ako.”  Nakita kong puno ng sulat ang loob ng notebook na yun.

Binuklat ko ito at may mga entries per date yung notebook at binasa ko ito. Halatang si Jeff ang nagsulat nito dahil kilala ko ang penmanship niya.

June 15,2008
Napulot ko ang notebook na ito. Kay JD Marquez  ito at alam ko sa sarili kong attracted ako sa kanya…

Binuklat ko ulit sa mga ilang pages at nabasa ko ang isang entry.

October 4, 2008
Nakapasok si JD sa RPG10 ang saya ko pero na sense ko na malungkot siya…

Lumaktaw ako sa ibang pages at nakita ko ang isang entry na gusto na pala niya umamin.

February 2, 2009
Gusto ko na sana sabihin sa kaniya na ako si Mr. Secret pero natatakot ako L

I checked the last pages of the book and nakita ko yung isang nagpalambot sa puso ko…

September 2, 2010
Libing ngayon ni Mike, mahal na mahal ko si JD kaya nasasaktan akong makita na malungkot siya. Pinapangako ko na ako ang magpapabalik ng ngiti sa mga labi niya…

Parang natunaw lahat ng galit ko kay Jeff at gusto ko mag sorry sa lahat ng masamang nasabi ko. Mali man yung nagawa niya pero kung titignan ko lahat ng mabuti na pinakita niya sa akin, wala tong pagsisinungaling niya na siya si Mr. Secret. I never expected na ganito pala talaga niya ako kamahal. I texted him pero hindi na ito sumasagot. Mukhang galit na ito sa akin. Nang hindi siya mag reply I tried to call him pero out of coverage. Palilipasin ko nalang muna ang sama ng loob niya at pag nagkita kami ay mag sosorry ako.

Lumipas ang ilang araw na hindi nagpaparamdam si Jeff, nalungkot naman ako. Sa tuwing pupuntahan ko siya sa kanila ay lagi itong wala. Nagtanong tanong ako sa mga ka banda niya sa RPG pero wala din daw sila alam. Kasalanan ko naman, mukhang nag give up na siya sa akin. 
Hinihintayin ko nalang na magkita kami, sabi nga ni G sa akin dati mas nakikita mo ang isang tao o bagay kung di mo yun hinahanap. Hinayaan ko nalang na siya ang magpakita sa akin, yun ay kung magpapakita pa siya. Habang nag rereview ako ay nag text naman si Nicko sa akin.

“Kuya JD, sama ka sa Camp John Hay, doon sa may picnic grounds? Birthday ni kuya Kiko eh.” Pagyayaya sa akin ni Nicko, naging close na din kasi kami ni Kiko kasi pinsan din siya ni Jeff.

“Talaga? Ay sige, punta ako. Kailan ba?” Baka kasi nandoon si Jeff at makausap ko siya.

“Bukas kuya JD.”

“Okay sige, what time pala?”

“10 AM”

“Okay” pagpayag ko dahil hapon pa naman ang class ko.

Maaga ako gumising dahil hindi pa ako nakakabili ng regalo. Dumaan muna ako sa center mall at nagtingin ng mga pwedeng regalo kay Kiko. Habang nag lalakad ako ay may kumalabit sa akin.

“JD! Musta ka na? Ikaw ha, hindi ka nagpaparamdam. Namimiss ka na ni tita.” Masayang bati ni Kris. Malaki na ang tiyan niya malapit na din siguro itong manganak.

‘Kris! Kamusta ka na? Malapit na manganak ah?”

“Oo, this month na ang kabuwanan ko, ano ginagawa mo dito?”

“Bumibili ng gift for a friend.” Ngiti ko sa kanya.

“Ah, okay. Anyways kelan ka huling bumisita kay Mike?” Tanong ni Kris. Hindi ko masabi sa kanya na matagal nang hindi dahil iniiwasan kong pumunta dun. Nang wala akong masagot ay biglang lumapit sa amin ang isang lalake. Buti na lang, saved by the bell, pagbibiro ko sa sarili ko.  

“Tara na hon?” Sabi nung lalake. Teka hon?

“Ai, JD. This is Martin, BF ko.” Pagpapakilala niya. Nakipag kamay naman ako.

“Nice meeting you tol.” Sambit ko kay Martin.

“Sige JD, una na kami. It was nice seeing you again.”

“Sige, Ahhh, Kris! Pwede mo ba ako sabihan pag manganganak ka na?” Tanong ko dito na ikinagiti niya.

“Oo naman, dapat lang nandun ka pag inire ko ito.” Ngumiti naman ako at umalis na sila. Nagpromise ako kay Mike na aalagaan ko din ang magiging anak niya kaya I want to be there for his baby.  I decided na bumili nalang ng watch for Kiko, wala na ako maisip eh. Pinabalot ko na ito at nag drive na ako papuntang Camp John Hay. Habang nag dadrive ako ay tumawag naman si Nicko.

“Saan ka na kuya?”

“Malapit na ako.” Maikling sagot ko sa kanya.

“Saan ka na nga?” Pamimilit niya.

“Ito na, nakapasok na ako sa loob. Dito na ako sa may Manor Hotel.” Nagulat naman ako ng binaba nalang niya basta yung cellphone niya.

“Bastos na bata” Nasambit ko nalang.

Habang papalapit ako ay napansin ko ang grupo ng mga tao. Sila lang andun kaya malamang sila Kiko na ito. Pero bakit nakapula sila?

“Valentines ba?” Pagtatanong ko sa sarili ko.

Nang makalapit na ako ay nakita ko si Nicko at ang kuya Kiko niya, andun din si Jonathan yung kuya ni Jeff. Hindi ko kilala yung ibang tao na nandoon kaya lumapit na ako. Nilibot ko naman yung tingin ko pero hindi ko makita si Jeff.

“Hindi niyo naman ako ininform na pula dapat eh naka black ako.” Nahihiya kong sambit. Walang sumagot pero bigla akong nakarinig ng tugtog ng gitara. Hinanap ko kung saan ito galing and it was from Jeff!

Itutuloy…


12 komento:

  1. buti tulog na baby ko at nabasa ko na update mo. thanks author keep it up.. -emo-

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. thank you sa pagbabasa and taking time to leave a comment :)

      Burahin
  2. haay! bkit b napaka-complicated ng pag-ibig?

    macky

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Wala naman kasi madali sa love. naks. ahaha

      Thanks macky for leaving a comment :-)

      Burahin
  3. yahoo. binati ako ni boss jd. thanks. thanks. muahhhh....

    mukhang kaabang-abang nxt chapter. hehehe.

    sya nga pla bukas n flight ko pauwi ng pinas. mukhang mamimisd ko mga update mo. sad. :(

    m@sg

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Thanks m@sg!

      Awts, mababawasan ako ng avid reader. anyways, ingat ka sa byahe :)

      Burahin
  4. Ayos may update kaagad... ano kaya yung mangyayare. Parang hahaba na naman buhok ni jd.hahahaha salamat sa update author. Sana marami ka pang magawang kwento..... good luck... muah muah tsup tsup..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Thank you, I will try to make a fiction love story after nito. Sana nag iwan ka ng name mo :)

      Burahin
  5. what the!
    umamin na si jeff sa family nya??..

    agree ako dun sa nag comment sa taas ko..
    ang haba nga talaga ng buhok ni JD.. hahaha..
    lakas maka babae.. hahaha..

    --anonymus101

    TumugonBurahin
  6. aw. . kaya mo pa bang suklayin buhok mo teh? hehehehe

    ganda ng kwento

    TumugonBurahin