Mga tagasunod

Martes, Oktubre 21, 2014

For What It's Worth Book 2 (17)



Chapter 17



Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers and there are scenes that were added to make it more exciting. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

P.S. Sorry sa delay, I was about to post it na kanina kaya lang intermittent yung internet connection ko. Anyways, thank you talaga sa mga nag leleave ng comments, nakakatuwa. Here is Chapter 17.

PJ’s POV

After I left the Philippines, matagal din ako nakapag adjust to fit in and to forget about JD. Tinanggap ko na kasi na kahit kalian ay hindi na kami magkakabalikan. Masakit na nakahanap siya ng bago at ako ito, miserable! Kasalanan ko naman kasi, akala ko wala nang ibang kayang mahalin si JD kundi ako lang. Masaya naman ako para kay JD kasi seeing him smile again is the best feeling na naramdaman ko after I broke his heart. 

“Sigurado ka na ba na aalis ka without saying goodbye personally to JD? You know JD would feel very bad if he reads your letter na wala ka na.” Tanong sa akin ni G habang nasa NAIA terminal 1 na kami. 

“It’s the best G, mas mahihirapan ako umalis kapag makikita ko siya sa pag alis ko.”

“It’s your decision ingat ka dun ha?”

“Salamat.”

Nagpaalam din yung ibang kasama namin na naghatid sa akin at lubos kong ipinagpapasalamat ang pagsama nila. Nakita ko naman si Anne na umiiyak. Actually, matagal ko ng alam na mahal ako ni Anne pero talagang hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman niya sa akin. 

“Hey, don’t cry. Aalis na ako, paano?” Ngiti ko kay Anne at niyakap naman ako nito. 

“Mahal kita PJ.” Sambit niya na ikinangiti ko. 

“I know at nagpapasalamat ako Anne”

“Hindi mo ako kayang mahalalin kasi si JD pa din?”

“Oo eh, ginayuma kasi ako nun. You will find someone better Anne.” Biro ko sa kanya.

“Ingat ka.” 

Pumasok na ako sa airport to check in and I am wishing my self a goodluck. I will be studying abroad with my ate and alam kong panibagong environment ito sa akin. As much as possible ay hindi ko bubuksan ang social media account na meron ako para hindi ko makita si JD. Ito ang naiisip ko na paraan para mabilis na makapag move on. Nakadating na ako sa San Diego at si ate ang sumalubong sa akin. 

“Welcome lil bro!” yakap ni ate Cherry sa akin.

“Ate, namiss kita!”

“Bolero, halika na. Itotour kita mamaya, umuwi muna tayo at kumain!” tumango naman ako bilang pagsang ayon. 

Naging masaya naman ang first month ko sa US. Kahit busy si ate ay lagi ako nito sinasamahan para kabisaduhin ang mga lugar sa bagong tahanan ko. Konti palang ang mga kaibigan ko, aside sa nahihiya pa ako ay gusto ko Pilipino ang magiging set of friends ko. 

Months passed at nasasanay na ako sa US pero namimiss ko pa din si JD. Ewan ko ba, ang hirap niyang kalimutan. I asked my sister if she can find me a part time job pang alis ng lungkot. 

“What do you need a job for? Pinapadalhan naman tayo nila mama ah?”

“Gusto ko lang maging busy ate.” Pagmamakaawa ko. 

“PJ, pwede naman mamasyal nalang?”
 
“Please ate?” pagmamakaawa ko.

“Okay fine! Pero huwag mo na lang ito mabanggit kila mama okay?”

“Thanks ate.”

Nahanapan ako ni ate ng work sa isang restaurant as a waiter, masaya naman ang naging work ko at mababait ang mga nakakatrabaho ko. Nakakakilala na din ako ng mga bagong kaibigan. Nagstart na ang pasukan and ibang iba ito sa school sa Manila, kinakabahan man ako pero pinilit kong mag fit in at maging busy sa studies ko. I met some Filipino friends sa school and sila ang mga naging kasakasama ko. 

“Hi I am Brent, ito mga tropa ko si KC, Jane, Marco at Philip.”

“Hi I am PJ, buti nalang may mga pinoy dito.” Masayang pakikipag usap ko sa kanila. 

“Masasanay ka din, ganyan din kami nung kakadating lang namin dito.” Ngiti sa akon ni Marco. 

Mabait si Marco and matulungin, he confessed that he likes me pero talagang ang hirap kalimutan ni JD. I asked him kung pwede maging friends nalang kami at pumayag naman siya. Mahigit 1 year na ako dito sa US without any communication with my friends in Manila pero si JD pa din ang nasa puso ko. Isang araw habang nakatambay kami sa park nila Brent ay may nabanggit sila sa aking bago sa internet. 

“Hey guys, may Facebook account na kayo?”

“Facebook? Friendster lang meron ako.” Takang sambit ni Jane.

“You should switch to Facebook, mas maganda, you can post picture na mailalike ng friends mo and at the same time you can chat with them sa facebook account mo mismo.”

“Really? Sige gagawa ako mamaya.” Excited na sambit ni KC.

“Add niyo ako ah?” pahabol pa niya sa amin. 

Kahit ayaw ko sana gumawa ay naintriga ako sa Facebook na sinasabi ni Brent. Pagkauwi ko ay gumawa ako ng account doon at totoo nga ang sabi ni  niya, this is better than Friendster. Natuwa din ako kasi may mga games. Habang ineexplore ko ang facebook account ko ay may nag add sa akin, isang batchmate namin nung highschool. Inaadd ko naman ito pero nagulat nalang ako ng may mga suggested friends na lumabas sa gilid. 

“Giselle Montez? Add as friend” Ngiti ko. 

“Ron Andres? Add as friend” natutuwa talaga ako sa facebook na to hanggang…

“JD Marquez?” Iniisip ko kung iaadd ko siya pero nakita ko yung profile pictue niya. Ang gwapo pa din niya and I miss him badly. Kaya lang naka private ito. I want to see his pics kaya I added him as a friend.

Natulog na ako after ko siya icheck out sa facebook. God I really miss him. Days passed at naging chatmates kami ni G and JD sa facebook. Hindi din kasi lagi online si JD kaya ang lagi kong kausap ay si Giselle. Nakwento niya sa akin ang lahat ng nangyari. 

“How are you PJ?” tanong niya nung minsan sabay kaming online.

“I am good Giselle, kayo diyan kamusta?” umaasa akong magkukwento siya about kay JD. 

“Kami ba ang kinakamusta mo o si JD?”

“Ikaw talaga, siyempre kasama na si JD doon!”

“Sino niloko mo? Ako? O come on PJ! Anyways JD is fine. Hindi mo pa ba siya nakakausap?”

“Nakachat pero hindi kami lagi sabay online tapos days bago mag reply ang isa sa amin.”

“PJ, JD’s been a lot since you left.”

“What do you mean?” nagaalala ako sa balitang yon ni G.

“Mike died” nabigla ako sa balita ni G, hindi pa kasi ito nabanggit ni JD sa chat. 

“I am sorry to hear that, is JD okay?”

“Okay na siya, he changed but he’s back on track thanks to Jeff.”

“Who’s Jeff?” takang tanong ko. 

“He’s like the one giving JD the reason to smile again” From that moment I thought magkakachance na ako kay JD but it seems that may nagpapasaya na sa kanya. 

“Hey are you still there?”

“Yes, uhm G, I have to go.” Pagpapaalam ko sa kanya dahil nawala na ako sa mood. 

“Alright, take care!”

Pinatay ko na ang laptop ko, I feel jelous. I can’t understand why I can’t forget JD, andami naman diyan nagpaparamdam sa akin pero bakit si JD pa din? Bakit itong lintek na puso na ito ang hirap kalimutan si JD?

Weeks passed and nagiging regular chatmate na kami ni JD, I dunno if this is called masochism pero talagang nageenjoy akong makausap siya. Na ikwento niya what happened between him and Mike. I felt bad for Mike since he died not talking to JD. Naikwento din ni JD sa akin yung pagiging wild niya at pakikipag one night stand niya pero he manages to change back to his old self with the help of Jeff. 

“So this Jeff guy is your new love?”

“Oo, when he confessed to me parang ayaw ko na mag ka lovelife again but he’s persistent. Mahal ko na siya PJ.” 

Ang sakit pala marinig na may bago nanamang mahal yung mahal mo. But I am happy that he’s happy. Ganoon naman kapag nagmamahal hindi ba? Basta makita mo siyang masaya eh masaya ka na din. 

One day JD messaged me na nagaway daw sila ni Jeff. Jeff left ng hindi siya pinagpapaliwanag. Parang yung sa amin lang dati? Yung iniwan niya ako ng di niya ako binigyan ng chance na magpaliwanag. 

“Everything will be okay JD.” Pagpapagaan ko ng loob niya.

“Sana nga PJ”

“Ganito nalang, knock knock…” chat ko sa kanya, I want to make him smile kahit sa maliit na bagay lang. 

“Who’s there?” reply niya sa chat ko. 

“JD”

“JD who?”

“JD labis kitang mahal, sumpa man…” natatawa ako sa knock knock ko dahil alam kong corny ito. 

“Corny! Pero kinanta ko ha? Ahaha!”

“It’s a good thing I made you smile”

Ganyan kami magchat, ever since kasi nung umalis si Jeff ay lagi na kami magkachat at sa akin siya nag vevent out ng frustrations niya. Isang araw ay nag chat sa akin si Giselle. 

“PJ, when are you going back here?”

“Hindi ko alam Giselle eh.”

“Busy?”

“Hindi naman.”

“Go home, JD needs you. I know ikaw lang makakapag pagaan ng nararamdaman niya.”

“Eh ikaw? Pwede naman ikaw.” Pagaalangan ko.

“Iba pa din ang guy best friend PJ.”

Napabuntong hininga nanaman ako. Ito nanaman ako sa pagiging masochist ko, nag decide ako magbakasyon sa Pilipinas. 2 years din akong di nakauwi kaya I used that as an excused to my parents para umuwi. I want to go back, mahal ko pa din si JD, kaya ako bumalik ay para makita ulit ang mga ngiti sa labi niya. Pagkauwi ko sa amin ay agad akong sinalubong ni mama. 

“I miss you son”

“I miss you too mom”

“So what really brought you back?”

“I want to see JD”

“Sabi ko na nga ba, mahal mo pa din si JD?”

“Oo mama pero I am not here to win him back, I am here to help him find his happiness”

“Parang ako lang, handa ko igive up lahat para sa ikakasaya ng papa mo”

Ever since I told my mom about my preference, she never judged me but she was very understanding. Nakwento ko sa kanya na si JD ang taong minahal ko at dahilan kung bakit ako umalis ng Pilipinas. Nagpaalam ako na pupunta ako ng Baguio at pumayag naman si mama. Tinawagan ko si Giselle to notify her that I am going to visit JD. 

“Hello?” halatang bagong gising na bati ni Giselle sa akin. 

“Giselle! Wake up”

“PJ? Bakit Smart number to? Your back?”

“Oo! Kahapon lang.”

“Talaga? Asan ka? Kita tayo!”

“I am on my way to Baguio, pupuntahan ko na si JD.”

“Agad agad? Hindi mo na nga siya mahal no?” nagbibiro nitong sabi na ikinatawa ko.
“Ikaw kaya nagsabi that he needs me!”

“Oo na, defensive? Oh siya. Salamat PJ for doing this to JD.”

“Anything for him Giselle.”

Nakadating ako sa Baguio ng mga before lunch at wala si JD sa apartment niya kaya sinabihan ko si Giselle na tawagan si JD na nasa Baguio ako. After ilang hours ay nakita ko na si JD na parating and masaya niya akong niyakap. Ito ang namimiss ko kay JD ang pagiging malambing niya. 

“PJ! Hindi ka man lang tumawag, I miss you!”

“Woaw, easy there, I might get crushed!” Pagbibiro ko sa kanya. 

Naging masaya ang kwentuhan namin, nagkwento ako ng tungkol sa akin at madami akong tanong sa kaniya na sinasagot naman niya. Nagpasama ako sa kanyang mamasyal at bumili ng mga pasalubong bago kami pumunta ng bar. Gusto ko kasi mag unwind, bukas ko nalang sisimulan ang pagtulong sa kanya to win Jeff back. Habang nagkukwentuhan kami sa Mines View Park ay tinanong ako nito about sa pagkakaroon ko ng bagong lovelife.

“Ahhh, wala ka pa bang GF/BF doon?” pagtatanong niya sa akin. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na mahal pa din kita pero pinigilan ko ang sarili ko. 

“Wala pa, 2 years na andon ako eh moving on process ko palang yun sa iyo!” pinisil ko ang ilong niya dahil yun ang ginagawa ko sa kanya noon kapag nakukulitan ako sa kanya. 

After namin doon ay nagdecide na muna kaming umuwi sa apartment niya para ibaba lahat ng nabili namin. He took a shower and nagpahinga muna ako. We decided to go to the bar he’s saying para naman makapag bonding pa kami. I was not expecting that the plan that I was planning will happen tonight. Nakita ko si Jeff, base kasi sa pictures nila sa facebok, I am certain na si Jeff yun. Hinila ko si JD sa dance floor. 

“Akala ko ba ayaw mong sumayaw?” bulong niya sa akin. 

“Hindi ba sabi ko tutulungan kita kay Jeff?” 

“Oo, ano naman kinalaman ng pagsasayaw natin?”

“Look, 3:00 O’clock” nakita kong tumingin ito sa sa direksyon na itinuro ko at nabigla ito. 

I think the plan worked. Sumugod si Jeff at sinuntok ako at gumanti naman ako para mas makatotohanan. Natutuwa ako na nag sasagutan na sila, this is the mark na ito na ang pag uusap na hinihintay ni Jeff. Nang mag walk out si Jeff ay agad kong hinarap si JD.

“Yan na yung time na hinihintay mo.” Ngiti ko sa kanya.

“Paano kung lalo lang siya magalit sa akin dahil sa ginawa natin?” 

“Hindi yan, kita mo naman kung paano siya nag selos at in claim niya na boyfriend ka pa niya right?” 

“Thank you PJ!” masaya kong sambit. 

“Anything for you!” Niyakap ko naman ito ng mahigpit. Kung tatanungin ako ng ibang tao kung gaano ko kamahal ang taong mahal ko, ito ang sagot ko. Handa ako igive up ang nararamdaman ko para sa ikakasiya niya. 

“Nicko, kayo na bahala kay PJ. Kaibigan ko yan!” Rinig kong sigaw ni JD sa isang mas bata sa amin. After nilang mag usap ay humarap siya sa akin ng nakangiti. He looks weird. 

“Hi, I am Nicko. You are?”

“PJ, nice meeting you.”

Naginuman kami ni Nicko, sayaw diyan sayaw dito. Hinayaan ko lang si JD na magkausap sila ni Jeff. I know maganda ang kakalabasan ng pag uusap nila. Nang medyo gabi na ay tinext ko si JD to make sure na magkasama na sila ni Jeff.

“Okay na ba? Hindi ka na bumalik.” Tanong ko sa kanya.

“Okay na PJ, salamat ha? Pauwi na kami sa apartment. Alam mo na?” Masakit pa din kahit tinanggap ko na.

“Ganoon ba? I am glad that natupad ko ang mission ko sa pagpunta dito.”

“Mission?” taking tanong ko. 

“Ang maibalik ang saya sa mga mata mo!” 

“Thank you PJ ah? Saan ka pala matutulog niyan? Gusto mo ba sa apartment ka na din?”

“Hindi na, I will give you privacy. Nakacheck in ako sa manor, bukas nalang tayo magkita.”

“Are you sure you’ll be okay?”

“Yes, I will be.”

Hindi na nagreply si JD kaya hinayaan ko nalang siya. Lumapit naman si Nicko sa akin. 

“Why so sad PJ?” I can’t believe this kid, wala man lang kuya? Ngumiti naman ako sa kanya. 

“Kasi for the second time, sinuko ko nanaman si JD.” Ngumiti naman siya. 

“So you like kuya JD pala?”

“Oo, ako yung ex niya na mahal pa din siya.”

“Welcome to the club” sambit ni Nicko at tinungga yung bote ng beer. 

“You mean?” 

“Oo, mahal ko din si kuya JD.”

Nagtawanan kami dahil kami palang dalawa ay sawi. Naginuman pa kami ni Nicko hanggang sa napansin kong lasing na ito. Hindi ko naman makita yung kasama niya kanina kaya inuwi ko nalang siya sa hotel kung saan ako nagcheck in. Nang makadating kami ay bigla ako nito hinalikan. Hindi ko alam pero siguro ng dahil sa tama ng alak ay gumanti ako. May itsura naman si Nicko kaya hindi na ako nag hesitate na gumanti sa ginagawa niya. 

Nagising nalang ako sa sigaw ni JD sa kwarto ko. 

“Nicko?” rinig kong sambit niya. 

“Nicko?... Oh shit!” Napabangon ako at napansin kong wala akong suot na damit.

“PJ, anong nangyari?” Gulat na tanong ni JD ng makapasok siya sa loob ng kwarto ko. 

Itutuloy…





6 (na) komento:

  1. Patay ka ngayon nicko. Hahaha

    Asongmakulit

    TumugonBurahin
  2. Hahaha. Talaga itong Nicko, promiscuous. Bata pa kasi kaya ma-L, pero he's perceptive. Hindi ko na alam kung saan banda ang manor. Anyways, thanks sa update my young friend.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. YOUNG talaga? Haha Thanks for reading Alfred. Manor Hotel is located inside camp john hay. Few walks nalang siya away from BCC

      Burahin
    2. Oh yeah! I remember now. Nakikita ko yan sa Karaoke machine dito sa bahay. Isa yan sa mga featured pics sa Pinas. Wala pa kasi yan during my time there. Thanks sa info. Maagkano kaya ang rooms nila, I wonder. Thanks sa update. Take care and God Bless you.

      Burahin
    3. Sila ang pinakamahal na hotel sa Baguio if I am not mistaken :)

      Burahin