Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.
P.S. Medyo mabigat po sa akin ng scene na ito. Naalala ko kasi yung time na nangyari to kaya medyo natagalan to come up with this chapter. Naka move on na ako sa eksena na yun ha! Pero naaalala ko lang yung sakit. Thank you po sa pagbabasa ng akda ko. 1 chapter nalang at tapos na tayo. Happy Ending ba? What do you think guys?
Hindi ako makagalaw, iyak lang ako ng iyak. Bakit Mike? Bakit kung kalian tayo na and pinakawalan ko na yung galit sa puso ko? Sabi mo magtiwala lang ako sa iyo. Bakit? Bakit? Lumapit siya para yakapin ako pero isang malakas na suntok ang binigay ko sa kanya.
“Fuck you!” napaupo ako sa kama ko habang umiiyak. “Why is this happening to me?”
“I am really sorry JD.” Pagpapaumanhin niya habang hinhimas ang mukha niya.
“Paano? Ang sabi mo magtiwala ako! Hayop ka!”
“JD, I was drunk, nagiinuman kami ng barkada tapos nagising nalang ako nasa tabi ko na si Kris sa kama.”
“F*ck! Ang sabihin mo, ginusto mo yun! Ilang beses? Ilang beses mo ako ginagago Mike?”
“Maniwala ka, that was only once JD. It was a mistake”
“Mistake? Mike, magkaka anak na kayo! Sa tingin mo how can I live with that knowing na magkakapamilya ka na?”
“Hindi ko siya mahal JD, ikaw ang mahal ko”
“Paano ang bata?” Tanong ko sa kanya. “Kaya mo bang mabuhay ang bata na iyon with a broken family?”
“JD, gagawa ako ng paraan, aayusin ko to!”
“Mike, binigyan na kita ng chance noon pero wala ka pa nagawa, tapos ngayon mas malala na ang situation pero gusto mo pa ding hawakan ko kung anong meron tayo at magtiwala sa iyo? Hindi ko na alam ang gagawin ko.” Frustrated kong sambit.
“Mahal kita JD, hindi ko papakasalan si Kris, pwede ko namang sabihin sa mga magulang niya at magulang ko na lasing kami non”
“At paano kung pilitin ka nilang ipakasal kay Kris, kaya mo bang ipagsigawan sa kanila na hindi mo mahal si Kris dahil ako ang mahal mo. Na lalake ang mahal ng isang Mike Samonte? Na isang kang bisexual?”
Sa pagkakataong yun ay hindi na makapagsalita si Mike. Lalong bumigat ang pakiramdam ko dahil yung sinasabi niyang aayusin niya ay wala talagang kasiguraduhan. Masakit, mas masakit to sa naging situation ko kay PJ noon. Pilit kong hindi iniisip noon na may posibilidad na may mangyari kay Kris at Mike dahil sa tiwala na binigay ko pero ngayon, wala na akong maapuhap na tiwala na pwedeng ibigay sa kanya.
“Ang sakit Mike, ang sakit ng ginawa mo. Ang lupet mo din eh no? Wala pang 24 hours na sinagot kita tapos ganito ang malalaman ko? Ano yun, tinikman mo lang ako ulit? You used me just to feed your lust?”
“Hindi JD, gusto kong maging tayo para may panghawakan ako sa paglaban ko sa pagmamahal natin. Huwag ka sumuko, please”
“Mike mahal kita pero ayaw ko ng magpakatanga. Nagpakatanga na ako sayo nung sinabi mong kayo na ni Kris at ngayon gusto mo ulit ako maging tanga? Aba putang ina naman Mike, ako na ang gagawaran ng KATANGAHAN award sa pinaggagagawa mo sa akin.”
“JD, parang awa mo na” Pakikiusap niya. “Parang awa mo na wag mo akong iwan.” Pagluhod niya sa akin.
“Mike, hindi mo nga magawan ng paraan ang situation natin? Napapagod na ako, kahit na gustuhin kong mahalin ka, wala eh, nasaid na ako.” Pagsuko ko sa kanya.
Umiiyak na kaming dalawa sa pagkakataon na yun, gusto kong ilaban kung ano ang meron kami ni Mike pero paano ko ilalaban ang isang bagay na sa mata ng mapanghusga ay MALI sasabayan pa ng isang walang kamuwang muwang na bata na mawawalan ng ama kung ipipilit namin kung ano ang gusto namin. Tumayo ako, nakapagdesisyon na ako.
“Mike, ayaw ko na. Tigilan na natin to. Hindi ko na kayang ipaglaban ang sinasabi mong pagmamahal.”
“Ganun nalang yun sa’yo JD? Isusuko mo na ako ng ganun nalang? Ganun nalang ba kadali yun?”
“You made it easier for me to let go Mike”. Iyak ko. “Umalis ka na!” Pagtataboy ko sa kanya
.
.
“JD, NO!” paninindigan sa akin ni Mike.
“Ayaw ko na Mike, just go please?” Pagtutulak ko sa kanya sa pintuan. Ito nanaman ako, dumadausdos sa likod ng pinto, favorite break up scene ko to eh. Ewan ko ba. Napakadrama ko. I need to be strong, kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Hahayaan ko na lang muna ito, hindi ko muna ito ikukwento kay Chris at lalo na kay G. Baka sumugod si G dito at talakan si Mike. Nakakahiya, may pamove on move on pa ako kasi may new love life tapos ito ako ngayon, NGA NGA. Nagulat naman ako ng may kumatok sa pinto. Talagang ayaw mo akong tantanan Mike, teka!
“Ano ba? Di ba sabi ko lumayas ka! Ayaw na kitang makita, ilang beses ko ba sasabihin sayo yun ha?” Puno ng galit kong sambulat pagkabukas ko ng pinto. Yung galit ko ay agad napalitan ng hiya. Si aling Becky pala. Shet naman.
“Ano ba problema mong bata ka?” Gulat na tanong ni aling becky sa akin.
“Nako, pasensya na po aling becky, nagpapractice kasi ako ng play” Pagpapalusot ko, nako naman, nakakahiya talaga. Heavy drama na nga eh. Tsk.
“Ikaw talaga, ginulat mo ako. Ito pala yung resibo ng bayad ng mama mo sa renta mo. Idinaan ko lang, sabi kasi ng guard ay nakabalik ka na daw.”
“Salamat po aling becky” Agad ko naman sinara ang pinto. Nakakawalang moment talaga tong si Aling Becky. Napabuntong hininga naman ako sa mga nangyari kanina. Parang kanina lang sarap na sarap pa ako sa ginagawa namin ni Mike and heto ako ngayon umiiyak kasi nakabuntis ang hinayupak. Hindi ko alam kung ano ang dapat isipin at gawin. Nasa ganoon akong pagiisip ng may pinatugtog sa radio. Dahil mahal na mahal kita ni Roselle Nava. Nice! Gandang backround song. Hinayaan ko lang ang sarili kong iiyak ang lahat. Nagawa kong mag move on kay PJ noon bakit hindi kay PJ?
Maaga ako gumising para makapunta sa school at mag enroll. May usapan na kami ni Chris na sabay kami mag eenroll. Supposedly kasabay din namin si Mike, si Mike? Napabuntong hininga ako ng maalala ko siya. Pinipilit kong huwag umiyak. Nagtext muna ako kay Chris na paalis na ako bago ako lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ay ginulat naman ako ni Jeff.
“Jeff? Ano ginagawa mo dito? Aren’t we suppose to meet sa school na?” Gulat kong tanong sa kanya.
“Happy to see me? Aminin mo na kasi JD na namiss mo ako!”
“Kapal! Ikaw ang umamin, kaya gusto mo ako makita eh dahil sa pasalubong at hindi dahil sa akin.”
Natawa naman siya na ikinatawa ko din. Nawawala talaga ang lungkot ko pag nagpapaandar na si Jeff ng jokes niya. Nasa ganon akong pagtawa ng tinanong niya ako “JD, umiyak ka ba? Namamaga mata mo?” Pagaalala niya sa akin. Umiling naman ako bilang sagot. Nagsuot nalang ako ng shades para di halata ang pagkamaga ng mata ko.
“Okay lang ako Jeff, halika na” Yaya ko sa kanya. Pagkadating namin sa school ay naghiwalay na kami ni Jeff ng daan. Magkaiba kasi kami ng course. Agad ko naman nakita si Chris na naghihintay sa akin sa may giant steps.
“Tagal mo naman JD, pasalubong ko?”
“Masiba ka talaga! Oh ayan.” Abot ko sa kanya nang pasalubong niya.
“Bakit ba nakashades ka, makulimlim naman?” Pagtatanong niya.
“Eh bakit naka floral ka? Summer na ba?” Alaska ko naman sa kanya na ikinailing na lang niya.
“Pilosopo! Halika na nga” Pumila na kami sa mahabang linya ng mga estudyante. Nagkwentuhan naman kami ni Chris sa mga nangyari nung sem break. Akala ko ay di na mababanggit ni Chris si Mike pero nabanggit pa din niya. Buti nalang naka shades ako, hindi halata na naluluha nanaman ako.
“Musta na pala kayo ni Mike?”
“Okay naman” ikli kong sagot.
“Kayo na?”
“Nope”
“Eh ano pala?”
“Friends”
“Ah okay” Nasabi nalang ni Chris dahil sa obvious na ayaw ko siya pagusapan. Nakapila kami sa may kuhanan ng schedule ng makita ni Chris si Mike na kasama si Kris. Hayy nakakalito naman Chris/Kris? Pasensya na, bangag ata yung author J
“Di ba si Mike yun? Sino yung kasama niya?” Napapikit naman ako, ang liit talaga ng mundo.
“Bakit sweet sila? I thought MU kayo ni Mike? Naguguluhan na tanong ni Chris sa akin.
“Ui JD” Nakatulala kasi ako kay Mike at Kris, bigla namang hinablot ni Chris ung shades ko exposing my teary eyes na nakatingin kila Mike.
“JD, umamin ka, what happened between you and Mike? Last time I contacted G, she said that everything is going smoothly with you and Mike, bakit ganyan na?”
Wala na akong choice kundi ikwento lahat kay Chris, nakikita ko ang galit niya kay Mike. Gusto na sana niyang sugurin si Mike pero pinigilan ko siya.
“Please no Chris, salamat kasi nakikita ko concern mo and thank you for being a good friend pero hayaan na natin sila”
“Hayaan? That jerk cheated on you. Atleast we can do is give him an uppercut!”
“Ayaw ko ng gulo. Sana wag mo muna ikwento ito kay G, let me be the one to tell her.” Pakikiusap ko kay Chris, wala naman siyang nagawa kundi ang sumangayon. Palabas na kami ng Silang Building nang magkasalubing kaming apat. Nagtense ang katawan ko at hindi ako makagalaw, lalapitan sana ako ni Mike pero pinigilan siya ni Kris. Niyaya na ako ni Chris na umalis doon. Nasa last step na kami ng enrollment ng nagpaalam ako kay Chris na mag CCR muna. Nang matapos ako makapag CR ay lumabas na ako, laking gulat ko ng makita dun si Kris at nagaabang.
“We need to talk, follow me” Utos niya sa akin. Pasalamat siya at di ako pumapatol sa babae dahil kung nagkataon ay nasapak ko na to. Dumiretso kami sa likod ng Saint Bernhard hall at doon nagusap. Humarap siya sa akin ng puno ng galit.
“Layuan mo si Mike JD, hindi ka ba nahihiya, boyfriend ko na siya pero inaahas mo pa?” Maanghang na paratang sa akin ni Kris.
“Iniwan ko na yang boyfriend mo, pero let me remind you ako ang nauna at alam mo yan”
“Bitawan mo na siya, alam kong ikaw pa din ang nasa puso niya JD! Mag kakaanak na kami”
“Pasalamat ka hindi ako nanapak ng babae dahil kung nagkataon may black eye ka na!” Banta ko sa kanya na ikinatakot niya dahil umatras siya mula sa puwesto niya.
“Nung malaman ko na ginamit mo ang pagiging bisexual niya to blockmail him para maging kayo, gustong gusto na kita kalbuhin. Tiniis ko kahit magmukha akong nakikiapid kasi sabi niya mahal niya ako. Pero sadyang talo ng minamahal ang malandi hindi ba? Isaksak mo sa baga mo yang boyfriend mo.” Pagpapatuloy ko sa sinabi niya.
“Walang hiya ka!” Akmang sasampalin niya ako ng pigilan ko ang kamay niya na dumapo sa mukha ko.
“Don’t push your luck Kris, dahil pag ako napikon hindi ako magdadalawang isip na ibaon tong kamao ko diyan sa mukha mo!” At itinulak ko siya palayo.
“Hindi isang bakla na katulad mo ang maglalayo sa amin ni Mike. Kung talagang iniwan mo na siya, ikaw na ang umiwas utang na loob!”
“Hindi ka ba nahihiya Kris, you feel threatened sa isang LALAKE para sa pagmamahal ng lalaking kinababaliwan mo? Siguro you are that unattractive kasi di kanya magawang mahalin. Pitty!”
“Hindi pa tayo tapos!” puno ng pagbabanta niyang sambit sa akin.
“Anywhere anytime ready ako!” Umalis na ako sa lugar kung saan kami naguusap, baka kasi di ako makapagpigil at mahampas ko siya dala kong bag.
“Saan ka ba galing?” Pagaalala ni Chris sa akin.
“Nagusap kami nung babaeng haliparot. She confronted me to stay away from Mike”
“Really? Grabe naman yung babaeng yun, she really is obsessed with Mike isn’t she?”
“Yeah” Walang gana kong sagot. Natapos kami mag enroll ni Mike at nagpasya ako na umuwi. Wala ako gana mag lakwatsa, naalala ko nanaman si Mike. Bakit ba umabot sa ganito? Nagpasya akong tumambay sa favorite kong coffee shop para makapg isip isip. Bigla naman tumawag si ate and nangamusta.
“Are you already enrolled bro?” tanong ni ate sa kabilang line.
“Yes ate, just finished paying up my tuition. Naka tambay ako sa coffee shop ngayon.”
“Hey, are you okay? You sound so down? Is there anything you wanna tell me?” Ang galing talaga ng ate ko, ganyan kami ka close na lahat ay kaya naman malaman sa tono ng lang ng boses namin.
“Ate, Mike cheated on me. Nakabuntis siya, ang sakit ate, kung kalian sinagot ko na siya ganito ang nangyari” Sumbong ko sa ate ko. Sana andito siya so I can hug her.
“JD, that prick doesn’t deserve your love, di mo dapat iniiyakan yan. Your strong right?”
“I know sis, kinakaya ko naman eh. Di ko lang maiwasan masaktan, tao din naman ako”
“Sana andyan ako para sapakin yung Mike na yun.”
“Ate talaga!” Napangiti naman ako at lumabas nanaman pagiging lalake ni ate.
“Joke lang, cheer up na! I’m sorry I have to go. Andito na kasi si Bryan, we are going to watch a movie, pinakamusta ka lang nila mom and dad. I miss you JD, don’t take it much okay? I love you bro.”
“Thanks sis, love you too” Natapos na ang usapan namin pero hindi ko pa din alam kung ano ang dapat maramdaman ko.
Lumipas ang ilang araw and nag start na ang pasukan. May ilang subjects kami ni Mike na classmates kami kaya ang hirap para sa akin ang iwasan siya. Lagi din kami nagkakasalubong sa hallway pero pag nagkakasalubong kami ay lagi nitong kasama si Kris. Talagang binabantayan niya si Mike, nakita ko naman ang pangangayayat ni Mike. Naawa ako sa itsura niya, gusto ko siyang yakapin pero kailangan kong manindigan sa desisyon ko.
Gumagawa akong nang assignment ko ng biglang naring ang phone ko, it’s Mike. Sinagot ko ang cellphone ko, kahit boses lang niya I ay gusting kong marinig.
“JD, its me Mike, please don’t hang up…” Narinig kong boses ni Mike, I miss him L Hindi ako nagsasalita, gusto ko lang mapakinggan ang boses niya.
“I love you boss ko, namimiss na kita” Naririnig kong umiiyak na siya sa kabilang linya na nagdulot sa akin upang umiyak na din.
“Susungkitin mga bituin, para lang makahiling, na sana'y maging akin, puso mo at damdamin, kung pwede lang, kung kaya lang, kung akin ang mundo, ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo...” Pagkanta ni Mike over the phone. Yun yung favorite song ko na lagi kong kinakanta. Parang lahat ng good memories namin ni Mike ay nagflashback sa isip ko.
Our first meet up/First Hug/First Kiss/First Date/First Sex… Lahat naalala ko. Mahal ko si Mike pero wala na akong magagawa para sa amin. Hindi ko na kaya, binaba ko na ang call. Alam mo yung feeling na iyak ka na lang ng iyak kasi gusto mo yung isang bagay pero alam mo na kahit kalian hinding hindi mo na makukuha. Hanggang ala ala ko nalang si Mike. Nagpasya akong matulog para maiwasan ang sakit na nararamdaman ko. Sa aking pagtulog ay may tumawag, unknown number…
“Hello, is this Mr. JD?” Tanong ng babae sa phone.
“Opo, who’s this po?”
“This is Grace from Baguio General Hospital, ikaw kasi yung last na nacontact ng patient, si Mr. Mike Samonte. Can you go here at the hospital? Nabangga kasi yung kotse na sinasakyan niya…”
Para akong sinagasaan din sa narinig ko. Tinapos ko na yung tawag at dali daling pumunta ng hospital.
Para akong sinagasaan din sa narinig ko. Tinapos ko na yung tawag at dali daling pumunta ng hospital.
“Miss, saan yung naaksidente? Mike Samonte?”
“Nasa ER sir, kaano ano kayo ng pasyente?
“Ako yung tinawagan nung Grace na naaksidente siya, kaibigan po niya ako”
“Ganoon po ba? Diretso nalang kayo sa waiting area sa may ER, nandon nap o ang pamilya niya, nagkataon kasi na kilala ng isang nurse si Mr. Samonte kaya natawagan ang pamilya ng pasyente”
Nagdadalawang isip ako kasi andon ang pamilya ni Mike. Hindi ko pa nakikilala ang pamilya ni Mike pero ano sasabihin ko pag tinanong ako kung sino ako? Dahil sa kagustuhan kong makita si Mike ay pumunta pa din ako. Nandoon na ako ng makita ako ni Kris. Agad siyang lumapit at sinampal ako.
“What are you doing here? This is all your fault!” Paninisi sa akin ni Kris. Wala ako magawa kundi ang umiyak.
“Kris iha, maghulos dili ka. Ako si mama ni Mike, sino ka ba hijo?” Pagtatanong sa akin ng mother ni Mike. Halatang galing ito sa matinding pagiiyak. Hindi ako makasagot, ano ba dapat ang isagot ko.
“Bakit hindi ka makasagot? Sige, sabihin mo kung sino ka” nanggagalaiting sagot ni Kris.
“Ma’am… ako po si JD” Kita ko ang gulat sa mata ng mother ni Mike samantalang galit naman sa mata ng ama nito.
“Ikaw ba ang kinababaliwan ng anak ko?” pagsugod sa akin ni father ni Mike.
“Pa, wag!” Pag awat ng mother ni Mike sa father nito. Wala akong magawa kundi umiyak.
“Kilala niyo po ako?” Tanong ko sa mother ni Mike.
“Oo Jd. Kanina bago nangyari ang aksidente ay umamin siya sa sekswalidad niya.Nabigla kami kaya napagbuhatan siya ng kamay ng papa niya. Umamin siya na hindi niya mahal si Kris at may mahal daw siyang iba. Inamin niya na ikaw ang mahal niya at hindi daw niya kayang mawala ka sa buhay niya.” Nabigla ako sa inamin ng mama ni Mike. So umamin siya, nagawa niyang ilantad ang sarili niya para lang hindi matuloy ang kasal nila ni Kris at makabalik sa akin? Patuloy lang ako sa pagiyak.
“Hindi ako pumayag!” Napalingon ako sa direction ng ama niya. “Siya lang ang anak namin at natural na nabigla ako sa sinabi niya. Nasaktan ko siya” Pagiyak ng ama ni Mike. Nakaramdam ako ng awa sa pinagdadaanan ng pamilya nila.
“Hindi ko ho sinasadya na mahalin ang anak niyo” Pagpapaumanhin ko sa kanila. “Nakipaghiwalay po ako sa kanya nang malaman kong buntis si Kris.”
“Pero ikaw pa din ang mahal niya, ano bang meron ka na wala ako?” Hagulgol ni Kris. “Lahat na ginawa ko, pero wala eh!”
“Nang di kami pumayag ng papa niya sa gusto niya ay naglayas siya. Binantaan siya ng papa niya na itatakwil siya pero umalis pa din siya. Ikaw daw ang pinipili niya. Sana hindi nalang kami tumutol, sana hinayaan nalang namin siya.”
Napakabigat ng pakiramdam ko, nagawa akong ipaglaban ni Mike. Mahal talaga niya ako, pero bakit to nangyari? Bakit kay Mike, ito ba ang nakatadhana sa amin? Pumunta ako ng chapel para magdasal.
“Diyos ko, iligtas niyo po si Mike, mahal na mahal ko po siya. Kung pagsubok po to, sana po ay malampasan namin ito. Mamahalin ko po si Mike ng buong buo pag nakaligtas siya. Kahit sariling buhay ko kaya kong ialay.” Nagulat ako ng may tumapik sa likod ko, ang mama at papa ni Mike.
“Pasensya ka na sa reaction ko kanina JD, nabigla lang ako sa mga pangyayari”
“Wala po yun Mr. Samonte, naiintindihan ko po kayo.”
“Tito Art nalang JD, nakikita namin na talagang mahal mo ang anak namin, siguro ay hindi lang kami sanay sa ganito kaya namin nagawang pagbuhatan nang kamay si Mike pero ngayon nagsisisi na ako, mabuhay lang ang anak namin ay papayagan ko na ang relasyon niyo.”
“Pero, paano po si Kris?” Pagtatanong ko.
“Kakausapin ko ang mga magulang ni Kris. Nang magpaliwanag si Mike sa amin kung gaano ka niya kamahal ay nakita namin kung paano ka niya ipaglaban. Sana ay makaligtas ang anak ko” Pagiyak ng mama ni Mike.
“Magiging okay po ang lahat”
Umabot ng mahigit 2 oras ang operation ni Mike, lahat kami ay nagaalala na. Pinauwi muna ni tita si Kris dahil delikado sa kalusugan niya ang magpuyat. Masama pa din ang loob ni Kris sa akin na ipinagsawalang bahala ko nalang muna. Ang importante ay si Mike. Natapos ang operasyon at lumabas na ang doctor.
“Doc, kamusta po ang anak ko?”
“Under coma po ang pasyente, nagkaroon po siya ng matinding pagkabagok sa ulo niya na naging cause ng situasyon niya ngayon. We will observe the patient in the next hours. Sige po, I have to go and check my other patients.”
Nanlambot ako sa narinig ko. Iyak naman ng iyak ang mama at papa ni Mike. This is so sudden, bakit sa amin pa? Inilipat si Mike sa isang private room at agad naman kaming sumunod. Hinayaan ko muna ang magulang ni Mike sa loob hanggang sa pinapasok na nila ako.
“Mike? Boss ko? Lalaban ka ha? Wag ka susuko, ngayon pa tanggap na tayo ng mga magulang mo? Mahal na mahal kita” Iyak ko sa kanya.
Naging mahirap ang sitwasyon ko sa mga nagdaang araw, kailangan ko kasing pumasok at pumunta ng hospital para bantayan si Mike. Lagi pa din ako inaaway ni Kris pero lagi naman ako pinagtatanggol ni tita. Binigyan ako ng karapatan ng mga magulang ni Mike para manatili sa tabi niya.
“Tita, bakit hinahayan niyo siya dito?”
“Kris, mahal siya ng anak namin. Gusto namin ng tito Art mo na pag nagising si Mike ay makita niya dito si JD.” Pagpapaliwanag ni Tita kay Kris.
“I can’t believe this!” Umalis si Kris na nagngingitngit.
Nalaman na din ni Chris, Jeff at iba pa naming kaibigan ang nangyari kay Mike. Nagkwento na din ako kay G ng mga nangyari, nung una ay hindi makapaniwala si G sa mga napagdaanan ko pero pinatotohanan ito ni Chris.
“Kamusta na si Mike?” Tanong ni Chris ng minsang madalaw siya sa hospital.
“Ganun pa din Chris.” Malungkot kong sagot sa kaniya. Nagring naman ang phone ko at agad ko namang sinagot.
“G?” tanong ko kay G na nasa kabilang linya.
“Kamusta na si Mike JD?”
“Ganun pa din G, naiiyak na ako. Hindi pa din siya gumigising”
“Shhhh! Be strong. Magiging okay ang lahat. Andami niyo na napagdaanan, lets all have faith okay?”
Hindi ko na din nagawang mag audition para sa campus dance troupe. Oo pangarap ko ito pero mas impotante si Mike sa akin.
“Sigurado ka na ba na hindi ka na mag aaudition sa campus dance troupe JD?” Tanong sa akin ni sir Raphy.
“Hindi na po, siguro next year nalang po”
“Ikaw ang bahala, sayang to pero ikaw pa din ang masusunod” Ngumiti nalang ako sa kanya at umalis na sa practice grounds ng RPG. Nag quit na din kasi ako dahil hindi ko na magagawang pagsabayin pa. Malungkot akong iisang tabi muna ang mga bagay na gusto kong gawin pero para ito sa taong mahal ko.
“JD, okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Jeff ng minsang kumakain kami ng lunch. Hindi ko na nagawang pigilan ang luha ko sa harap ni Jeff. Kinikimkim ko kasi ang luha ko dahil ayaw ko na makita ako ng ibang umiiyak. Pero hindi ko alam bakit nagawa ko din umiyak sa harap ni Jeff after how many days.
“Anong problema JD?” Nagaalalang tanong niya sa akin.
“Jeff, si Mike, Jeff” Humahagulgol kong sambit sa kaniya.
“Nalulungkot din ako sa dinadanas ni Mike ngayon. Iiyak mo lang yan, normal lang sa iyo yan dahil malapit kang kaibigan ni Mike”
“Mahal ko siya Jeff” Pagamin ko sa kany, Jeff deserve to know the truth, naging mabuting kabigan siya sa akin.
“I know” Napatingin ako sa kanya. “Nakikita ko sa mata mo and nabanggit na to sa akin ni Mike a day before the accident. Lalo ako napaiyak sa sinabi ni Jeff.”
“Everything will be okay JD” Pagpapakalma sa akin ni Jeff. Pinilit kong ayusin ang sarili ko.
Pumasok na kami ni Jeff sa mga susunod na klase namin, kahit na gusting gusto ko na pumunta ng hospital ay hindi ko pa din magawang pabayaan ang pag aaral ko. Ano nalang ang sasabihin ko sa pamilya ko? Minabuti ko na din na hindi na ito sabihin sa ate ko para di siya mag alala. Nasa klase ako pero talagang pagod ako at inaantok. Nakatulog naman ako nang hindi ko namamalayan.
_____________________________________________________________________________
Dreaming…
“Gaano mo ako kamahal?” Sambit ng nakangiting si Mike.
“Mahal na mahal” Sabi ko sa kanya at yumakap ng mahigpit na mahigpit
“Paano kung mawala ako, ano gagawin mo?”
“Saan ka pupunta? Sama ako?” Pagbibiro ko.
“Ikaw talaga puro ka kalokohan. Tandaan mo lang na kahit mawala ako eh mahal na mahal pa din kita.”
“I love you more boss”
_________________________________________________________________________________
Nagising ako nang may tumawag sa akin, si tita. Kinabahan naman ako. Nag excuse muna ako sa prof ko para sagutin ang tawag.
“Hello tita?”
“JD, JD! Si Mike, si Mike!” Iyak na sigaw ni tita sa akin. Bigla nalang bumuhos ang luha sa mata ko. Hindi to pwede?
Nagpaalam naman ako sa professor ko na ikinabahala ng lahat dahil sa umiiyak ako na bumalik ng room. Oo ayaw ko umiyak pero hindi ko na mapigil. Dumiretso ako ng hospital na puno ng pagaalala…
Itutuloy…

Waaaahhh!! Ang ganda naman. Pinilit kong tapusin hanggang dito sa chapter na to. Dahil jan nabitib ako. At nakakaiyak. Kainis! Hehehe.
TumugonBurahinPalagay ko naman magigising pa c mike. Please naman. Wag mo syang patayin. Kung bubuhayin mo sya, please din wag mong gagawing may amnesia sya.
Di ko na mahintay pa ang susunod na update!!!
-hardname-
Thank you -hardname- at nagustuhan mo yung story. Sensya ka na at nabitin ka. Bukas may update na ako for the final chapter. :))
Burahinthat was intense, sana ok naman si mike...
TumugonBurahinnakakabitin nga, haha
arthas
Sorry naman, haha bukas meron na to promise. Proof read nalang ako :) Thank sa pagbabasa and pag leleave ng comment arthas :)
Burahingrabe. npkaintense ng chapter n to. samu’t saring emotion nandito n.
TumugonBurahinfrom break up scene. (baby cry)
to comedy c/o aling becky and epic drama. sa tirada ni jeff. at kay chris and kris (seriously, di ko rin npansin un)
then, drama.
tapos kilig. sa harana in the phone call.
then, heavy drama on hospital.
parang nkasakay sa roller coaster habang binbasa mo to.
m@sg
Hirap na hirap nga din akong i balance yung scenes eh. ahaha Thank you :)
Burahindi ko nbanggit ang scene ni witty jd and bitter chris. hehehe.
Burahinit shows na mgaling ka sa pagsusulat boss jd.
m@sg