Mga tagasunod

Lunes, Oktubre 6, 2014

For what It's Worth Chapter 15 Final Chapter

Chapter 15



Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

P.S. Maraming salamat po sa lahat ng nagbasa ng first ever story na ginawa ko. Kahit alam kong madami pa ako dapat matutunan as a writer ay may mga nakaappreciate ng story na sobang ikinatuwa ko. Salamat sa mga nag addn sa akin sa isang group of writers ng boyxboy which I used as a guide in writing my first story. Sobrang dami nilang tips for new writers like me. This is Chapter 15 Final, Sana po leave kayo ng comments since doon ko ibabase kung susundan ko itong story na to. ENJOY J

“Kamusta ka na boss? Ikaw ha! Hindi ka na nagpaparamdam sa akin?” Masayang bati ko sa kanya habang inaayos ko ang prutas na nabili ko.

“JD! Hindi ka naghihintay, sabi ko hintayin mo na ako eh!” Sigaw ni Jeff sa akin na ikinatawa ko dahil pawis na pawis siya at halatang nagtatatakbo.

“Ayan nanaman yang si Jeff,reklamo ng reklamo. Pagpasenyahan mo na at maingay siya ha?.” Pakikipagusap ko kay Mike.

“Eh ang tagal mo kaya! Paghihintayin ko ba naman tong si Mike?” Sumbat ko sa naiinis na si Jeff.
“Grabe ka talaga!” pagmamaktol ni Jeff sa akin.

“Huwag ka na maarte, tulungan mo nalang ako dito Jeff!”

“Oo na, san ko ba ilalagay tong mga bulaklak?”

“Diyan nalang sa tabi Jeff” Sambit ko kay sa kanya. Hinaplos ko naman ang lapida sa harap ko.

“In Loving Memory of Mike Samonte
June 1990-September 2010”

Sinindihan ko naman ang kandila sa puntod ni Mike. Magdadalawang taon na din nang iwan niya kami.

“May nakalimutan ako JD, balik lang ako sa sasakyan”

“Ulyanin ka talaga, sige antayin kita dito”. Tumingin naman ako sa puntod ni Mike.

“Miss na miss na kita Mike, 2 years na din pala no? Alam mo ba gagraduate na ako? Syempre with flying colors!” Pagmamalaki ko sa kanya. “Alam mo ba si Mike Jr. ang laki na, lagi din pinapahiram sa akin ni Kris at nako kamukhang kamukha mo” Pagiyak ko habang kinakausap siya.

“Pasensya ka na kung matagal na di ako nakadalaw dito ha?” Ngiti ko sa harap ng puntod niya.Bigla namang may dumating na kasabay name ni Jeff na dumalawa kay Mike.

“JD, iho! Kamusta ka na? It’s been what 2 years?” Masayang pakikipag beso sa akin ni Tita.

“Oo nga ho eh, pasensya na po at medyo naging busy lang. Saan po si tito?”

“Andun naghahanap ng parking, nauna na ako dito”

“Ganon po ba?”

“Oo, ang bilis nang panahon no? 2 years na din pala. Siguro kung buhay siya, sabay kayo gagraduate” Naluluhang sambit ni tita.

“Oo nga po eh…” Nakangiti kong sambit kay tita. Pinipigilan ko ang luha ko, pero I know kung nasaan man si Mike ngayon ay masaya na siya.

_________________________________________________________________________________

2 year ago…

Nagising ako nang may tumawag sa akin, si tita. Kinabahan naman ako. Nag excuse muna ako sa prof ko para sagutin ang tawag.

“Hello tita?”

“JD, JD! Si Mike, si Mike!” Iyak na sigaw ni tita sa akin. Bigla nalang bumuhos ang luha sa mata ko. Hindi to pwede?

Nagpaalam naman ako sa professor ko na ikinabahala ng lahat dahil sa umiiyak ako na bumalik ng room. Oo ayaw ko umiyak pero hindi ko na mapigil. Dumiretso ako ng hospital na puno ng pagaalala…

 “Tita?” naluluha kong tawag sa mama ni Mike na umiiyak sa labas ng kwarto ni Mike.

“Wala na siya JD, wala na ang anak ko.” Umiiyak na sambit ni tita sa akin. Dali dali akong pumusok sa kwarto ni Mike. Nakita ko dun si Kris at tito Art na umiiyak.

“Wala na siya iho” Pagyakap sa akin ni tito Art. Sa pagkakataong yun ay di ko na napigilang lumuha. Pumunta ako sa bangkay ni Mike at pilit siyang ginigising.

“Mike. Gising, gumising ka please? Di ba madami tayo plano? Mike, Miiike!!” Pagiyak ko. Niyakap ako ni tita para pakalmahin. Hindi ko na ito kaya.

“Tama na iho, tama na” Pag iyak ni tita. Unti unti naman akong nawalan ng malay. Nagising ako sa isang kwarto sa hospital. Naalala ko na wala na si Mike, muli nanaman akong umiyak. Bakit ganon? Bakit siya kinuha sa akin?

“Iho, gising ka na pala” Pagpasok ni Tita sa loob ng kwarto.

“Nawalan ka ng malay iho, sabi ng doctor over fatigue daw. Ito pala bumili ako ng gamot mo”

“Tita…” Pagiyak ko.

“Tama na iho, tanggapin na natin na wala na si Mike, mahirap man pero wala na tayong magagawa” Muli ako niyakap ni tita.

Dinala ang labi ni Mike sa isang chapel kung saan siya paglalamayan. Hanggang ngayon ay hindi pa din maabsorb ng utak ko. Wala na si Mike, wala na ang boss ko. Para akong buhay na patay sapagkat wala na akong emosyon. Andun lang ako nakaupo at nakatitig sa kabaong ni Mike.Madaming tao ang nakiramay at nakikita ko na madaming nagmamahal sa kaniya. Umakyat ng Baguio si G. upang makiramay. Nang makita ko siya ay di ko na napigilang ilabas sa kanya ang lahat ng sama ng loob ko.

“G, si Mike, iniwan niya na ako” Iyak ko sa kanya.

“Iiyak mo lang yan, normal yan.” Nagkacrack na boses ni G na marahil ay nahahabag sa kalagayan ko.

“Hindi man lang kami nagkaayos bago siya namatay G.”

“Everything happens for a reason”

“Bakit lahat ng mga nakakarelasyon ko iniiwan ako? May mali ba sa akin?”

“Wala, JD. There is nothing wrong with you” Pagyakap sa akin ni G.

“Pero, bakit G? Bakiiit?”

“Isipin mo nalang na hindi nagbibigay ang Diyos ng pagsubok sa tao kung hindi naman niya ito kayang lampasan…”

Niyakap ko ng mahigpit si G at nakita kong lumapit si Chris sa amin. Hinaplos naman niya ang likuran ko bilang pakikiramay. “Everything will be okay JD”  

Ilang araw lang ang paglalamay kay Mike, gusto kasi ng magulang niya na mailibing siya nang mas maaga dahil hindi nila kayang makita ang anak nila sa kabaong. Nagkaraon ng mga taong magsasalita pero di ako nagpaunlak sa hiling ni tita para sa eulogy. Hindi ko kaya, baka umiyak lang ako sa harap. Nagsalita naman si Kris na lubos kong ikinabigla.

“Magandang araw po. Ako po si Kris, ang nanay ng magiging anak ni Mike. Marahil ay iniisip niyo po na ako ang GF ni Mike pero nagkakamali po kayo. Mahal ko siya Oo, pero may mahal po siyang iba.” Tumingin sa akin si Kris na lumuluha.

“Gusto ko lang sabihin na isang napakabait na tao ni Mike, mabuting anak, maasahang kaibigan at mapagmahal na kasintahan. Gusto ko lang mag sorry sa iyo Mike, kung nasan ka man sana ay mapatawad mo ako. Mahal lang kita ng sobra kaya ko nagawa ang mga bagay na nagawa ko na kahit masaktan ko ang taong mahal mo ay isinantabi ko. Akon a ang bahala sa anak natin, ikukwento ko sa kanyang paglaki na ang ama niya ay isang napakabait na to.” Naramdaman ko ang bigat ng loob ni Kris ng mga oras na iyon. Pareho lang kaming nagmamahal kay Mike. Nagpatuloy sa pagsasalita si Kris “Gusto ko din po na mag sorry sa taong nasaktan ko ng sobra. Hindi ko sinasadya, kung alam ko lang ay sana, ay sana…” Humagulgol na si Kris ng oras na yun kaya inakay na siya ni Tita paupo.
 
Naiintindihan ko naman si Kris, nagmahal lang din siya kagaya ko. Ganon naman tayo pag nagmahal di ba? Kahit ano gagawin natin.  Natapos ang eulogy at ihahatid na si Mike sa huling hantungan, hindi ko magawang lumapit. Masakit para sa akin ang nangyayari. Nang mailibing si Mike ay nagpaiwan muna ako sa puntod niya. I want to have a moment with him. Bago pa ako makalapit ay kinausap ako ni Kris.

“JD, I want to personally say sorry to all of what had happened. Nagmahal lang ako sa taong di ako nagawang mahalin. Mahal ka ni Mike, saksi ako don JD. Sa tuwing magkasama kami ay ikaw ang laging iniisip niya. Nang may nangyari sa amin pangalan mo ang sinasambit niya. Masakit para sa akin ang pagkamatay niya JD. Sana mapatawad mo ako sa lahat lahat.”Niyakap ko si Kris tanda ng pinapatawad ko na siya. Naiwan na ako sa puntod ni Mike. Pinauna ko na din kasi si Chris at G,  naiintindihan naman nila ako na I want to have a moment with him for the last time.

“Ang daya mo boss! Nangiiwan ka, akala ko ba walang bibitaw?” Iyak ko sa puntod ni Mike.
“Mahal na mahal na mahal kita. Salamat sa pagbuo sa akin noon nung panahong wasak na wasak ako. Salamat sa pagmamahal, pagaalaga at pagtitiis mo sa akin ha? Paminsan minsan dalawin mo naman ako. Di ako matatakot, sa guwapo mong iyan?” Pagbibiro ko sa kanya.

“I am setting you free boss ko, kung nasaan ka man sana maging masaya ka. Huwag kang magalala sa magiging anak mo, babantayan ko siya.” Nakaramdam naman ako ng malamig na yakap ng hangin. Alam ko galing ito kay Mike, isang sensyales ng pamamaalam. Pagmulat ko ay nagulat ako na si Jeff pala ang nakayakap sa akin.

“Andito lang ako palagi para sa iyo JD”

End of Flashback…
_________________________________________________________________________________

“Ano na pala ang balak mo pagkagraduate mo? Saan ka magtatrabaho?”

“Balak ko pong bumalik sa Manila Tita, my mom knows someone who can help me get a job on a 5 star hotel sa Makati…” Nagkwentuhan muna kami ni tita while waiting for Jeff and tito Art. Mukhang namiss ako ng mama ni Mike.

“Ganon ba? Dalawin mo din ako dito paminsan minsan hijo ah?” Tila nalungkot niyang tono sa sinabi ko. Napamahal na din sa akin si tita, sila ni tito. Nang mawala kasi si Mike ay ako na ang tinuring nilang anak.

“Oo naman tita, andito din si Mike, lagi ko pa din siya dadalawin dito” Nasa ganun kaming paguusap ng dumating si Kris.

“Hi JD, hi tita!” Ngiting bati ni Kris. Naging okay na kami ni Kris after ng mga nangyari. Naging ninong pa ako ng anak nila ni Mike at lagi ko din pinapasyalan si Mikey Jr.

“Oh, Kris, buti at nandito ka. Akin na nga ang apo kong pagkacute cute!” Binuhat naman ni tita si Mikey Jr. at sinayaw sayaw.

Umupo si Kris sa tabi ko at tinignan ang puntod ni Mike. Bigla naman siya nagsalita na ikinalingon ko.

“Must aka na JD? Tagal mo di nagpakita ah? Madami ka na utang sa anak ko.” Biro niya sa akin.
“Medyo busy lang, alam mo na. he he”

“Ikaw talaga, si Jeff? Bakit hindi mo kasama?”

“May naiwan sa sasakyan ang loko.” Nagtawanan kami ni Kris dahil aware din siyang ulyanin nga si Jeff.

“Oh ayan na ang lolo baby…” Pagbababy talk ni tita sa anak ni Mike. Tumayo naman kami ni Kris para salubungin si Tito Art.

“Asan na ang guwapo kong apo?” Masayang masaya si Tito ng makita si Mikey Jr. Malamang ay miss na miss na nila si Mike.

“Musta na Kris at JD? Buti at nagkasabay sabay tayo dito ngayon” Masayang bati ni tito Art sa amin.
“Okay naman po tito, oo nga po eh, namiss ko din kayo ni tita”

“Namiss, eh ang tagal mo ngang di nagpapakita sa amin” Medyo tampong sabi ni tito Art sa akin.

“Halla ka!” Biro ni Kris sa akin.

“Tito talaga, medyo busy lang po. Don’t worry dadalasan kop o ang dumalaw sa susunod” Pagngiti ko sa matanda na sinuklian na din niya ng matamis na ngiti.

Nagkakasiyahan kaming naguusap at nilalaro si baby Mikey Jr. ng dumating si Jeff. Saan ba to galing? Pawis na pawis! Isip ko habang nakatingin sa kaniya sa paglapit.

“Sorry JD, ang layo kasi nung sasakyan, nakakapagod. Hello po tito and tita, hi kris.” Bati niya sa amin. Hinalikan naman niya sa noo si baby Mikey at umupo sa tabi ko.

“Ikaw talaga, parang bata, pawis na pawis ka oh! Gusto mo ng juice?” Alok ko sa kanya habang pinupununasan ang pawis ni Jeff.

“Ehem” Pagubo ni Kris sa amin.

“What?” Magkasabay na sambit namin ni Jeff.

“Ang sweet! Ano yan ha?”  Nagtawanan naman kaming tatlo sa pagkakasabi ni Kris.

Nagkwentuhan pa kami dun ng ilang minuto bago nagpaalam sila Tito at tita na may pupuntahan pa daw sila.

“Mauuna na kami JD ha?” Pagpapaalam sa akin ni tito art. Nakipagbeso naman ako kay tita at umalis na sila. Dumating naman ang boyfriend ni Kris.

“Andyan na hubby ko, paano alis na kami?” Pagpapaalam ni Kris. Nakahanap naman si Kris ng magmamahal sa kaniya na tanggap si Mikey Jr. Masaya naman ako para sa kaniya.

“Sige Kris, si Mikey Jr. ha? Hiramin ko sa weekend”

“Okay lang naman, puntahan mo nalang kami sa bahay ha?”

“Oo, salamat!” Umalis na nga sila ni Kris at naiwan kami ni Jeff sa sementeryo. Nakita ko naman si Jeff na parang kinakausap ang puntod ni Mike.

“Hoy! Ano sinasabi mo kay Mike?” Panggulat ko sa kanya.

“Wala!” Sabi naman niya.

“Weh? Dami alam, halika na, iligpit mo na gamit natin at malapit na magdilim. Lets go na.”

“Oo na” Nagliligpit na kami ni Jeff nang maalala ko yung binalikan niya sa sasakyan.

“Panget, ano ba yung binalikan mo sa sasakyan?” Pagtatanong ko sa kanya.

Unti unti lumingon sa akin si Jeff na nakangiti. Mukhang ewan.

“Oi, naihipan ka ba ng masamang hangin. Itsura mo?” Pagtatanong ko sa kanya pero lumapit lang siya sa akin. Nagulat ako ng bigla itong lumuhod.

“Nagpaalam na ako kay Mike. Siyempre baka multuhin ako pag di ako nagpaalam sa kaniya”
“Ano ba yan Jeff, tumayo ka nga, para kang tanga!”

“JD, my love, will you marry me?” pinakita niya sa akin ang singsing na binalikan niya sa sasakyan. Napatakip naman ako ng bibig ko sa pagkabigla.

“Nakakangawit panget, ano na? Will you marry me?” pagtatanong niya ulit. Hindi pa din ako nagsasalita. Tumayo siya sa pagkakaluhod at akmang aalis na.

“Teka lang, YES!” pigil ko sa kaniya, humarap naman siya at niyakap ako ng mahigpit. Hinalikan ko siya sa harap ng puntod ni Mike.

“AKala ko hindi ka papayag!”

“Masyado ka naman mabilis sumuko, na shock lang ako!”

“Ako mabilis sumuko? Tagal kata kiya niligawan, sumuko ba ako?” Niyakap ko naman siya ulit nang mahigpit.

“Nagpaalam ka ha?” Paninigurado ko kay Jeff.

“Oo nga” sabay halik sa akin ulit.


The End…

Nabitin ba kayo? Hahaha sorry, abangan po ang For What It's Worth Book 2 :)

21 komento:

  1. I like the plot of the story.. Kung baguhan man ang writer nito, pasado na din. Para sa akin, maaring ang konting kulang ay angmga sumusunod: flow ng story, continuity at detalya. Keep it up and Congratulations......
    ----------------------------------------------------------LED--------------------------------------

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat boss sa comment. Opo, I am a first time writer and actually 2 weeks palang tong blog ko. Salamat po at nagustuhan niyo yung story, It is actually based from my own experience. I will do better in writing the Book 2 which is yung nangyari sa 2 years before Mike died. I will use your observations to make the second book better :)

      Burahin
  2. Waaa! Bakit po namatay si Mike? Nakakabitin naman po. How did JD and Jeff ended up together? Please post your book 2! hehe

    - BillyJoe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat at nabitin ka, kasi alam ko babasahin mo yung book 2 ko. ahaha don;'t worry po, I am working on book 2. I would show there how Jeff and JD ended up being together :) Wala ka bang isusuggest for me to make the storry better? :P

      Burahin
  3. Sinong nangyari? Is it me or bitin talaga? Ahaha! I read your gonna make book 2, pakipost please? Ahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. bitin po talaga, this first story will be linked on my second story. Hindi ko siya dineretso since magiging ibang loveteam na ang papasok sa book 2. Sorry po sa pabitin. hehe

      Burahin
  4. cud it be dat jeff is mr secret? d p kc na-reveal khit tpos n ang book 1. malalaman nb namin s book 2? or mananatili p rin cyang mystery texter?

    macky

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Abangan po. haha, basta lahat ng nangyari sa book 1 is connected sa book 2 :) Thanks for reading book 1 macky :)

      Burahin
  5. well..
    nalungkot ako nung namatay si mike..
    akala ko magkaka amnesia lang sya.. tapos makakalimutan nya si JD..

    pero ano ba talaga ung totoong nangyari? na aksidente ba talaga si mike at namatay?? hahaha.. sabi mo kc my iniba ka sa story.. aun.. hehehe..

    keep it up author..
    isa na din to sa susubaybayan ko.. maliban kay joemar...

    anyways, thanks for your semi true to life story..
    atleast hindi ako na bored dito sa office.. hehehe..

    --anonymus101

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat at binasa mo yung book 1. I will make sure that book 2 is better. Gusto mo talaga malaman kung ano nangyari kay Mike? hehe

      Burahin
  6. nkakalungkot...

    alam mong feeling n almost perfect na ung relationship nyo tpos mg eend up lng ng gnito. very sad...


    m@sg

    TumugonBurahin
  7. It only shows na hindi porket almost perfect na eh magiging happy ending na :( Salamat po sa pagbabasa ng book 1 :)

    TumugonBurahin
  8. Good job! I like the fact na fast paced sya siguro at hindi dragging. Siguro kailangan nga ng konting details pa, pero very promsing. Makes me remember may SLU, yung mga scene sa mga building inaalala ko itsura haha. Kung di mo iniba yung timeline I think naabutan pa kita sa school. Haha Anyway, I had the inkling na si Jeff si Mr. Secret from the start. Siguro di ko lang masyadong gusto is yung kasal part, probably because far-fetched yung idea at pa young adults palang sila. Hehe Pero I'm excited to read the next book. I was reading through the comments sa MSOB and I saw you had a blog. Thanks din pala kasi sayo ko nalaman yung ibang blog ng mga mgagaling din na author. Keep it up! Marvs :-)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. **sorry dami typo nagmamadali. Hahaha :-D

      Burahin
    2. Thanks for reading and leaving a comment :)

      Lahat ng nangyari sa book 1 na hindi masyado explained will be explained sa book 2. heheh Thank you for reading the first book, unang story kasi ito ang madami pa ako lapses. :)

      Burahin
  9. Ang ganda ng ending ng story mo boss.....Bittersweet.Sana meron pang susunod na story. God Bless you boss

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Thanks nagustuhan ko yung first book kahit alam ko madami pa lapses yun. hehe! Sana basahin mo pa din yung book 2 :)

      Burahin
  10. I felt every emotions!... such a nice story. good job, Author JD! More stories to come!... :-)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Thanks Justin. I am happy that kahit may mga typo tong first book ko eh nagustuhan mo :)

      Burahin
  11. di ko nman napansin ung mga typo.... =) excited kc ako every chapter... =) =) =)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat naman at nagustuhan mo and natutuwa ako to know na may mga natuwa. ahaha Sana po basahun mo yung thirs story ko na #MyMadeUpBF. On going pa din siya :)

      Burahin