Mga tagasunod

Sabado, Oktubre 11, 2014

For What It's Worth Book 2 (3)

Chapter 3



Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to readers and there are scenes that were added to make it more exciting. Any events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you!

P.S. Thank you po sa mga nagcocomment sa previous chapters. Natutuwa ako sa mga readers na nagustuhan yung story, nakakaoverwhelm din po ang page views per day, sana naman mag leave din ng comments mga silent readers para alam ko kung okay pa ba yung story or not. Kung may napapansin kayo or hindi gusto sa WAY ng pagsusulat ko just let me know. Enjoy Chapter 3 :)

“Magkakilala kayo ng bisita ng anak ko?” Tanong ni tita sa lalake. Nakita ko namang tumango ang lalake sa gulat na makita ako sa bahay ng auntie niya.

“Kilala mo pala si kuya Mark, kuya?  Tropa ko din siya eh” buong pagmamalaking kwento ni Nick okay Jeff.

Namutla naman ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nakakahiya.

“Jeff!”

“Magkakilala kayo ng pinsan ko kuya Mark?” Paglilipat lipat na tingin sa amin ni Nicko, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Daig ko pa ang nag ice bucket challenge.

“Mark?” Takang tanong ni Jeff sa pinsan niya.

“Oo, siya si kuya Mark, akala ko ba kilala mo siya kuya Jeff?” Kibit balikat na tanong ni Nicko at nagsimula na ulit kumain.

“Ahhh, OO! Second name pala niya yung Mark” Pagpapalusot ni Jeff sa pinsan niya. Di ako makatingin sa mga mata ni Jeff. Nahihiya ako. Alam na niya na may nangyari sa akin at sa pinsan niya dahil gumagamit lang naman ako ng ibang pangalan kung may dinadale ako. Alam naman niya kasi na nakikipag one night stand ako at kahit alam niya ay mahal pa din daw niya ako.

“Halika na Jeff, saluhan mo na kami” Umupo naman siya sa harap ko. Para akong nawalan ng dila ng mga oras na yun, ramdam kong nakatingin sa akin si Jeff.

“Ano ba pinagkakaabalahan mo kuya Jeff? Antagal mo na di pumupunta dito.” Casual na tanong ni Nicko.

“May hinahabol kasi akong tao” Sabi niya.

“Ha? Bakit? May nagkakautang sa iyo hijo?”

“Hindi po auntie, hinahabol ko siya kasi gusto ko po mahalin din niya ako” Napatingin naman ako sa kanya.

“Aba’t napakaswerte naman niya. Bakit hindi ka niya mahalin? Sa gwapo mong iyan, abay napakatanga” Sabi ni tita sa kanya.Nasamid naman ako.

“Oh hijo, ito tubig.” Alok sa akin ni tita.

“Salamat po” Pagpapaumanhin ko.

“Ang hina mo naman insan, di mo kayang pasagutin yun!” Alaska ni Kiko.

“Kahit na takbuhan niya ako, kahit iwasan niya ako susundan ko siya” Nakatingin naman siya sa akin dahilan para sipain ko siya sa ilalim ng mesa.

“Aray!” Sambit niya.

“Oh kuya Jeff, anyare?” tanong ni Nicko.

“Wala, may langgan sa paa ko. Tara kain na tayo.” Natapos kaming kumain at nag prisenta akong maghugas ng plato pero tumanggi si tita. Naligo naman si Nicko at inayos ni kiko yung kotse niya sa labas. Naiwan kami ni Jeff sa sala nila.

“JD…” Napalingon naman ako sa kanya. Kita ko yung sakit sa mga mata ni Jeff. Naguiguilty ako, bakit naman kasi ganito kung magbiro ang tadhana.

“Jeff, sorry. I didn’t know na pinsan mo pala si Nicko. Di ko naman siya pinilit eh” Pagdedepensa ko sa sarili ko. I know it’s lame to make excuses pero ayaw kong isipin niya na pinilit ko si Nicko.

“Bakit ka nag sosorry? Hindi naman tayo to begin with” May tumulong luha sa mata niya na agad naman niyang pinunasan. “Alis na ako” pagpapaalam niya at umalis na bigla.

Di ko na siya hinabol dahil na din sa hiya. Nagpaalam na ako kila tita at nagpasalamat sa hospitality nila sa akin. Hinatid naman ako ni Nicko kung saan naka park yung kotse ko.

“Kuya, can I get your number?” Nahihiyang tanong niya.

“Why?” Takang tanong ko sa kanya.

“Para text text tayo…”

“No need for that Nicko. Nagpapasalamat ako sa iyo for last night and sa hospitality ng family mo pero you know how one night stand works right?”

“Pero kuya…” Pamimilit niya.

“Look Nicko, Mark is not even my real name. Bata ka pa, you should take it easy. See you around” Pagpapaalam ko sa kanya habang papasok na ako sa kotse ko.

Naalala ko si Jeff, nasasaktan ko na siya sa ginagawa ko. I looked up my phone and I was planning to call him pero baka galit pa siya sa akin. I will let it pass for now, magpapalamig muna ako ng situation.  While driving eh nagtext sa akin si Chris na nasa coffee shop daw siya and wanted some company. Pumayag naman ako, I need to drink coffee ng kabahan naman ako sa mga pinaggagagawa ko. Nakadating ako sa coffee shop and nakita ko naman dun si Chris na nagbabasa ng libro.

“Hoyy! It’s a good thing you texted me pauwi na sana ako eh…”

“Ang tagal mo naman, wait pauwi ka palang?”

“Sorry na, Yap. wait lang let me order a cup of coffee” Pumunta na ako sa coffee shop and nag order ng kape.

“Miss one caramel macchiato venti.” Kindat kong order ko sa babae sa counter. Halata naman ang pagkakilig niya.

“Dadalhin ko nalang sa table niyo sir…” Malanding turan nung babae sa akin.

“Ah sige miss, can you let go of my hand now?”  ngiti ko sa kanya dahil hindi pa niya binabitawan yung kamay ko ng iabot ko yung bayad ko.

“Ay sorry sir” Namumula niyang sagot. Nailing na lang ako na bumalik sa table namin ni Chris.
“Sooo, what’s up?” Casual na tanong ko sa kanya.

“Ahhh, sabi kasi ni G to check up on you. You told me kakauwi mo lang? Don’t tell me another one night stand?” Nahimigan ko naman ang pagkadismaya sa boses ni Chris.

“Ha? Si G talaga, nagusap lang naman kami kagabi.l I am okay Chris, no need to check up on me you know. And yes, please huwag mo na ikwento kay G?” Ngiti ko sa kanya na ikinatango naman niya.

“Siyempre magkaibigan tayo and girlfriend ko ang best friend mo. You should stop that one night stand thingy, gusto mo ba magkasakit?”

“Thank you Chris. Well, I was thinking to quit but how can I resist those who are irresistible?” Nasa ganun kaming paguusap ng dumating yung babae sa counter sa amin kanina and dinala yung coffee ko.

“Sir, here’s your coffee” Paglapait niya sa akin. Masyadong malapit kaya naman kinuha ni Chris ang attention namin.

“EHEM!” pag ubo ni Chris sa harap namin. “Miss may tao sa counter oh!”

Umayos naman ng tayo yung babae at bago umalis ay may inabot siya sa akin.

“Ano yan?” Tanong ni Chris. Binuksan ko naman papel at natawa ako sa nakalagay na note.

“Fuck me? Call 09XX-XXX-XXXX” pinakita ko naman ito kay Chris.

“Akin na nga yan!” Kinuha niya yung note at nilukot, nagtaka naman ako sa ginawa niya.

“Hoyy! Baka ikaw ang tumawag diyan ah, yari ka kay G” Pagbibiro ko.

“Sira! Huwag mo sabihing papatulan mo yun?”

“Why not?”

“Umayos ka nga JD” pagmamaktol niya. He is acting really weird again.

“KJ mo, para kang nagseselos ah?” Pagbibiro ko. “Sabihin mo lang kung gusto mo ng alam mo na” Pagtawa ko naman sa kanya. Nahalata kong namula siya. Matagal ko ng nahahalata ito kay Chris, sa tuwing ganito usapan namin ay para siyang babaeng namumula. Hindi ko nalang ito pinapansin dahil boyfriend siya ng best friend ko.

“Ulol! Sumbong kita kay G. eh”

“Subukan mo!” nagtawanan naman kami ni Chris. Madami kami napagkwentuhan and yung mga napagkwentuhan namin ay tungkol sa kanila ni G. Mga hinaing niya sa mood swings ni G na ikinatawa ko ng sobra.

“Nakakairita na siya minsan pero di nalang ako nagsasalita kasi mas lalo siya nagpuputak. Iwas stress na lang ako”

“HAHA! Intindihin mo na lang si G, swerte mo nga eh may nagmamahal sayo” Sambit ko. Bigla naman ako tinitigan ni Chris sa mata. Nacoconscious ako sa ginagawa niya kaya umiwas ako ng tingin.

“Hindi mo pa din ba binibigyan ng chance si Jeff?” Nakatingin pa din siya. Kung di lang niya GF si G ay pagiisipan ko na may gusto sa akin si Chris. Obvious naman kasi sa lagkit ng tingin niya. Iwinaksi ko lang yun sa isip ko at umiling.

“Sabi ko naman sayo Chris, ayaw ko na ng sakit sa ulo. Masaya na ako sa kung ano ang buhay ko ngayon.” Napaisip naman ako sa sinabi ko, masaya nga ba ako?

“Alam mo JD…” Pagsisimula ni Chris, ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko na ikinagulat ko at agad ko itong hinugot.

“Sorry” Paumanhin niya sa akin. Halatang napahiya siya sa ginawa ko…

“Anong alam ko?” Pagbibiro ko sa kanya para mabasag yung awkwardness namin.

“Pwede ka naman magmahal ulit kasi eh, hindi naman porket nasaktan ka sa past relationships mo eh titigil ka nang magmahal…”

Ngumiti nalang ako sa sinabi ni Chris, alam ko naman yung sinasabi niya. Andami na kaya nagsabi sa akin nun, si Mike nga binisita pa ako sa panaghinip ko. Napabuntong hininga nalang ako. Nag stay pa kami ng ilang oras sa coffee shop bago kami nagpasyang umuwi.

“May pupuntahan ka pa ba Chris?”

“Wala na JD, uuwi na ako. Magtataxi lang ako kasi coding kotse ko.”

“Gusto mo ba ihatid na kita? Mamaya isumbong mo nanaman ako kay G na hindi kita inofferan ihatid” Pagtawa ko. Lagi ko sinisingit si G sa usapan namin para di makalimutan ni Chris na girlfriend niya ang bestfriend ko. Iba talaga ang nararamdaman ko kay Chris, di naman ako dense.

“HAHA! Sige na, magtataxi nalang ako. Out of the way ang bahay ko, but thanks for the offer though.”

Naghiwalay na kami ni Chris at nagdrive na ako pauwi. Nakadating na ako ng apartment ko at nagpasyang maligo muna. Pagkatapos kong maligo ay nakita kong nag text si Mr. Secret.

“I am feeling sad” Nakalagay sa text. Nagtaka naman ako dahil laging happy lang tong si Mr. Secret.

“Why so sad? What’s wrong?”

“Parang hindi ko na kaya…” Nakakapagtaka, ano kaya problema nito. May naisip naman ako para matulungan siya at para makita ko kung sino siya.

“Alam mo, if you need someone to talk to pwede ako. Sana naman kasi magpakita ka na sa akin…” Hindi na nagreply yung si Mr. Secret, talagang ayaw magpakita sa akin nitong mystery guy ko. 

Hinayaan ko na lang siya at nagbihis na ako. I need to clean my unit, ang dumi na. Inayos ko muna ang mga damit ko sa cabinet and habang nagliligpit ako ng nagkalat na damit ay may nakita akong isang sobre. Ito yung sulat na bigay ni PJ dati.

“Kamusta na kaya to?” Tanong ko sa sarili ko, ang tagal na din kasi niya na hindi nagparamdam sa amin ng tropa. Siguro masaya na to and nakapag move on na siya. Sinubukan kong icheck ang Friendster ko baka may update na siya pero wala. Binuksan ko naman ang FB ko, bago palang ang FB kaya hindi ako masyadong sure kung makikita ko siya doon.

Habang nag babrowse ako ng aking profile ay napansin kong madami ang nag add sa akin sa facebook. “Pierre John?” Binuksan ko ang account at si PJ pala yun. Oo nga pala Pierre John ang totoong pangalan niya nasanay kasi ako sa sa PJ na gamit niyang pangalan. Lalo gumawapo si PJ, I guess he already moved on. Nag message ako sa kanya para mangamusta.

“PJ! Long time no see and talk. How are you na?” Alam ko naman na di online si PJ kaya pinatay ko nalang yung computer ko.  Wala naman ako assignment sa Monday  kaya ito nanaman ako BORED. Nanood naman ako ng TV pampalipas ng oras.

Bigla naman tumunog yung phone ko… “Sir Raphy Calling…” Oh ano kaya problema nito?

“Hello po sir Raphy?”

“JD! Buti naman at di ka pa nagpapalit ng number mo. Musta ka na?” Tanong niya, may kailangan to.

“Okay naman ako sir Raphy. May kailangan ka no?” Pagbibiro ko sa kanya.

“Ah, eh, oo sana eh. Yung isang member ko kasi sa RPG10 nagkasakit. Wala na kami oras magpa audition next week na kasi yung show. Baka pwede ka naman JD. Ngayon lang, promise!” 
Pangungumbinsi ni Sir Raphy sa akin. Matagal na din ako hindi nakakasayaw at baka ito makatulong sa akin para maiwasan ang pagpaparty…

“Hoyy, andyan ka pa ba JD?”

“Oo sir Raphy. Ilang sayaw ba ang kailangan kong matutunan?” 

“For the whole event, you need to memorize 8 dance routines.”

“8? Ang dami naman sir Raphy, you said 1 week nalang di ba? Matagal na ako di nagsasayaw, I dunno if I can do it.”

“Kaya mo yan JD, I saw you dance before, kung kinaya mo noon bakit hindi ngayon?”

Napaisip naman ako, kung gusto kong ibalik yung dating lifestyle ko I will need this to avoid temptation.

“Sige sir Raphy, count me in. Kailan po ba ako magstart sa rehearsals?”

“Okay lang ba kung bukas na? Alam ko Sunday pero we need to teach you the steps ASAP para makasabay ka na sa rehearsals ng group.

“Sige sir Raphy, wala naman po ako gagawin”

Binaba na ni sir Raphy yung call. Ito na, gagawin ko to for me and for the people who love me. Tumawag naman ako kay G para ibalita ito sa kanya.

“G!” Masayang sabi ko sa kanya.

“Woaw, that’s a first, anong meron at parang masaya ka?”

“Sir Raphy from my previous org asked me to rejoin  RPG10 again, pumayag ako, napaisip na din kasi ako sa mga pangaral mo and I think this is the best way for me to go back from JD version 2.0 to JD version 1.0”

“I am very happy for you JD. Salamat naman ant nauntog ka na, kakasawa na kasi yang mga kadramahan mo eh! What made you see light?”

“Let’s say that a very makulit girl persuaded me to change”

“We should thank that makulit na girl” Pagmamalaki niya.

“I know, kaya thank you G. Salamat at kaibigan kita”

“Wala yun ano ka ba. Anyways, di ba may FB ka din JD? Nag add si PJ ah. Did he added you too as a friend?”

“Oo, namiss ko nga yun, tagal na din since he left no? More than a year na… Nagmessage nga ako sa kanya eh, I see that his happier now based on the photos.”

“Bitter?” Nagaalaskang tanong ni G sa akin.

“Of course not, I am happy that he already moved on”

“Sabi mo eh” Pinutol ko na ang tawag ni G, time check 6 PM na. Hay gabi nanaman. Ito nanaman ako sa urge ko to party. I am setting my mind na hindi ako paparty today.

Lalabas na sana ako ng pinto para bumili ng dinner nang makita ko si Jeff sa labas ng pinto ko. Halos mapatalon naman ako sa gulat.

“Ayy kabayo!” Gulat ko ng makita ko si Jeff. Nangingiti naman si Jeff but pinipilit niyang mag poker face.

“Jeff, ano ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba diyan? Lalabas sana ako para bumili ng dinner eh.”
Pinakita naman niya yung supot ng pagkain na hawak niya. Nginitian ko naman siya pero he still uses his poker face. Napabuntong hininga naman ako.

 ”Pasok ka, ilapag mo nalang sa lamesa yung dala mo. Ill just prepare the plates.”

Dumiretso naman siya sa table at inilabas yung dala niya. Kumuha naman ako ng plato at kutsara para makakain na kami. Tahimik pa din si Jeff, naninibago ako sa kanya. I know he still cares for me despite of what happened kanina dahil kung galit siya hindi na sana siya pupunta dito.

“Jeff? Are you still mad at me? Look I am very sorry for what happened. Alam ko nabastos kita sa pakikipag one night stand ko sa pinsan mo at panlilinlang ko sa auntie mo. Hindi ko naman ginusto yun, I was not expecting that to happen Jeff.” Nakayuko kong sabi sa kanya.

“JD, di ko lang kasi maintindihan kung bakit mo ginagawa ang mga bagay na ginagawa mo? Ano ba nakukuha mo don?”

“Jeff, ang thinking ko kasi eh mas mainam na ang panandaliang pagmamahal kesa sa matagalan na alam ko namang it would end sa break up at magkakasakitan lang.”

“JD, mali kasi yang iniisip mo eh. Bakit ba hindi mo nalang ako bigyan ng chance? Tinatanggap ko naman pagtataboy mo sa akin kasi mahal kita. Ever since na nag I Love You ako sayo noon parang nawala na yung JD na minahal ko at gusto ko siyang ibalik.”

“Jeff, I want us to stay as friends dahil alam kong pag magkaibigan tayo walang chance na magkasakitan tayo.”

“Pero JD, nasasaktan na ako” May nakita akong luha na tumulo sa mga mata ni Jeff. Naaawa ako sa kanya, nakikita ko ang sarili ko sa kanya noon.

“I am sorry Jeff…” Wala nang nagsalita sa amin after namin mag usap. Natapos kaming kumain at nag presenta si Jeff na maghugas. Naaawa ako sa kanya, ganito na ba ako katigas na kahit may nasasaktan na ako ay wala ako ginagawa?

Pinapanood ko si Jeff na naghuhugas ng pinggan, bumalik sa akin yung gabing nag confess siya sa akin.
______________________________________________________________________________

Flashback…

“Bakit mo ba ito ginagawa Jeff?” Iyak ko sa kanya…

“Dahil handa ako saluhin lahat ng sakit para sa iyo”

“Bakit?” Naguguluhan kong tanong, oo kaibigan ko siya pero normal ba yun para sa isang kaibigan?

“Dahil Mahal kita noon pa!” Nagulat ako sa pag-amin niya pero sa di ko malamang dahilan ay hinalikan ko siya ngunit mukha ni Mike ang nakikita ko. Handa na ba ako magmahal ulit? Oh magiging rebound ko lang si Jeff?

“JD…” pagsambit ni Jeff sa pangalan ko, nahimasmasan naman ako at nagmulat ako ng mata. Nawala ang imahe ni Mike sa mukha ko kaya ko naitulak si Jeff.

“I,I,I’m sorry” pagpapaumanhin ko sa kanya. Tumakbo ako palabas ng bar at pumara ng taxi. I need to have some fresh air, what have I done?

I found myself walking at burnham park. Ang lamig, naguguluhan ako sa mga nangyayari. I kissed Jeff pero si Mike ang nakikita ko. Umupuo ako sa isang bench facing the lake. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko dun basta all I know is I need to breathe in fresh air. Nasa ganun akong pagiisip ng biglang tumabi si Jeff sa akin. Di na ako nagulat na hahanapin ako nito.

“Can we talk JD? Totoo yung sinabi ko na mahal kita” Huminga ako ng malalim before I faced him.

“Jeff, I am not going to love again.” Maiksing sabi ko sa kanya. Nalungkot ako sa sinabi ko pero ito lang ang paraan ko para hindi masaktan.

“JD, maghihintay ako hanggang kaya mo na akong mahalin, maniwala ka’t sa hindi mahal kita noon pa.”

Napapikit ako sa sinabi ni Jeff, mahal na niya ako noon pa? Pero bakit?

“I can’t love you back Jeff, not anymore. I am sorry…”

“Gaya ng sinabi ko maghihintay ako” Hinawakan niya ang kamay ko at hinayaan ko na lang siya. Sabay naming pinanood ang mga turistang nakasakay sa boat.
_____________________________________________________________________________

“I am really sorry if I am hurting you Jeff” Naibulalas ko pagkatapos kong maalala ang pagtatapat niya. Bigla naman humarap si Jeff sa akin at nakita ko ang mga nangungusap niyang mata. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Siguro ito na lang ang magagawa ko para mabawasan naman ang sakit na nararamdaman niya.

Habang hinahalikan ako ni Jeff ay nararamdaman ko ang pananabik niya. Hinubad niya ang damit ko habang hinahalikan ako pababa sa aking leeg. Unti unti na din akong nag iinit.

“Tama ba tong ginagawa ko kay Jeff?” Pagiisip ko habang nakikipaghalikan ako kay Jeff.

Itutuloy…





6 (na) komento:

  1. Sarap basahin ng ganitong story. Thanks author dagdag bookmark itong blog na to. -emo-

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. At ang sarap basahin ng ganitong mga comments :)

      Thanks for reading and leaving a comment :)

      Burahin
  2. lakas rin magpakilig ni jeff kaso bato n si jd. tsk.tsk.tsk.

    whoah! bilis mong mg update. kudos boss jd.

    m@sg

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hehe, lalambot din yang si JD. lol

      Thanks for reading and leaving a comment :)

      Burahin
  3. Kawawang Jeff. Pero may kasabihan, pag may tyaga, ma nilaga. Salamat sa update.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Thank you Alfred for taking time on leaving a comment :-)

      Burahin