Chapter 12
Authors Note: This
story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of
people involved. Some scenarios are changed to make the story more appealing to
readers and there are scenes that were added to make it more exciting. Any
events or scenarios that resemble are pure coincidence. I am new in writing
stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good
comments are appreciated. Thank you.
“Ayaw ko na Chris, napapagod na
ako sa mga panloloko natin kay G and naguiguilty na ako kapag nakikita ko si
Jeff! Tigilan na natin ito Chris!”
“But I love you JD” Pilit ni
Chris sa akin.
Habang nagtatalo kami ay nagulat
ako ng parang may nabasag na bote sa may pintuan. Si Giselle at Jeff nandoon at
narinig nila ang huling mga sinabi ko at ni Chris.
Kita ko ang sakit sa sa mga mata
ni Jeff at nakita kong umiiyak si Giselle sa may pintuan ko. Tumakbo paalis si
Jeff kung nasaan kami, hahabulin ko sana siya ng hawakan ni Chris ang braso ko.
“JD…” pagtawag niya sa akin.
“Let me go!” Sinapak ko siya
sanhi ng pagkakabitaw niya sa akin.Agad ako tumakbo pero ng makarating ako sa
pinto ay agad akong sinampal ni G. Hindi ko alam kung ano ang mas masakit, yung
sampal niya ba sa akin o yung makitang nasasaktan siya sa mga narinig niya.
“How dare you JD! I trusted you
pero ganito ang ginawa mo, napakawalang hiya mo!”
“G, please. I am so sorry.” Iyak
ko sa kanya.
“Sorry? Ha? Sorry?” Sinampal niya
ako ulit pero kailangan kong habulin si Jeff.
“Saan ka pupunta traydor! Harapin
mo ako!” Sampal niya muli sa akin. Namumula na ang mukha ko sa sobrang lakas ng
sampal ni G pero wala iyon sa akin. Ang gusto ko ngayon ay habulin ang
boyfriend ko.
“I am sorry G, kakausapin kita
mamaya. I just need to catch up with Jeff.” Iniwan ko sila ni Chris sa
apartment ko at dali dali kong sinundan si Jeff. I need to explain to him,
swerte naman at nakita ko agad si Jeff na nasa parking area kung nasaan ang
kotse niya.
“Jeff! Wait lang please!” Hila ko
sa kamay niya. Humarap siya sa akin at kita ko na umiiyak siya. This is the
first time I saw him cry at nasasaktan akong makitang umiiyak siya ng dahil sa
akin.
“Bakit JD? Saan ako nagkulang?
Lahat naman ginawa ko para sumaya ka di ba?”
“Jeff, naipit ako sa sitwasyon,
maniwala ka na mahal na mahal kita. Natakot akong masaktan ka kaya tinago ko.”
Hindi pa ako natatapos ang sinasabi ko pero agad itong sumabat dahilan para di
ko matapos ang paliwanag ko.
“Mahal? Hindi mo alam ang ibig
sabihin nun JD! Siguro tama nga sila, kahit gaano mo kamahal ang isang tao ay
mapapagod at mapapagod ka din!” Puno ng sakit ng sambit. Masakit marinig yung
sa taong mahal mo pero alam kong may kasalanan din ako.
“Jeff, wait lang, let me explain!
Jeff!” Sabi ko habang hinahabol ko ang umaandar niyang sasakyan. Akala ko sa movies
lang yun pero nagawa ko. I used to think na hindi ko gagawin ang humabol sa
umaandar na sasakyan para sa mahal mo pero iba pala kapag ikaw na ang nasa
sitwasyon. Andami ko napapatunayan na pwede pala mangyari, mga bagay na sa
isang iglap ay agad pwedeng maglaho. Napaluhod ako sa may parking area na
umiiyak. Wala akong pakialam sa mga nakakakita sa akin.
Ang sama sama ko, nasaktan ko ang
taong nagmahal at nagtyaga sa akin. Ito na yung kinatatakutan kong mangyari.
Tinawagan ko siya pero pinatay niya yung cellphone niya. Gulong gulo ang isip
ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tumayo ako, kailangan kong harapin
si Giselle, isa din siya sa mga nasaktan ko.
Pagpasok ko ay kita kong umiiyak
pa din si Giselle. Nakita ko naman si Chris at nakaupo sa gilid at agad ko
siyang sinugod at pinaulanan ng suntok.
“Ano, masaya ka na? Masaya ka ng
makita akong miserable? Masaya ka na Chris? Ito ba yung gusto mo?!” Iyak ko
habang sinusuntok ko siya.
“Tama na JD!” Pagmamakaawa ni
Chris sa akin. Nahimasmasan naman ako tumigil hanggang napaupo ako sa sobrang
frustration ko sa nangyari. Sa isang iglap iniwan ako ni Jeff. Sa isang iglap,
nawala yung akala kong happy ending ko.
“JD, I am sorry, gusto ko lang
mahalin mo din ako gaya ng pagmamahal mo kay Jeff kaya nagawa ko itong lahat.”
“Wala nang magagawa yang sorry
mo! Wala na kaya pwede umalis ka na Chris!” puno ng galit kong sambit.
“Pero, JD…”
“Leave! Wala nang rason para
ipagpatuloy pa natin ito. The deal is off!” Wala nang nagawa si Chris kung
hindi umalis na. Nang makaalis siya ay nakita ko naman si Giselle na nakaupo sa
sofa na nakatingin lang sa akin. I need to talk to her and explain everything.
“Giselle…” pagsisimula ko pero
agad siyang sumabat.
“Alam ko na ang lahat lahat JD.
Umamin sa akin si Chris kanina. Bakit mo pa yun ginawa? Sana hindi nalang JD
kasi ang sakit sakit eh.” Naikwento na pala ni Chris, sobrang nahihiya ako sa
nangyari.
“Wala na ako ibang maisip na
paraan G. I was desperate in helping you recover. When Karen gave me the idea I
asked Chris to help us pero he gave me the rule that I need to give myself to
him.”
“You didn’t have to do that JD!
Kaya ko naman eh.”
“When I saw your smile again when
Chris was there at the hospital nasabi ko sa sarili ko how can I take away your
happiness? Alam mong mahal kita G, you are my bestfriend at handa ako gawin
lahat lahat para sa iyo. Ginawa ko yun dahil alam kong gagawin mo din yun pag
ako ang nalagay sa sitwasyon mo.”
“Mas masakit tong nalaman ko JD,
sana sinabi mo nalang ang totoo.”
“I know walang kapatawaran lahat
ng ginawa ko, ginawa ko lang ang mga bagay na to for you G. Lahat kaya kong
isakripisyo para sa iyo. Sana mapatawad mo pa ako dahil mahal kita bestfriend.”
Tatayo na sana ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Lalo ako napaiyak
sa tagpo naming yun.
“Kailan ba ako nagalit sa iyong
hayop ka?!” Iyak na biro ni G sa akin na ikinatawa ko.
“Sorry talaga G. I am really
sorry.”
“No, ako ang dapat mag sorry sa
iyo sa sampal ko sa iyo. Masakit ba?” pagsosorry niya at tinignan ang magkabila
kong pisngi.
“Oo! Lakas mo pa din sumampal!”
natatawa kong sambit sa kanya habang umiiyak.
“Sira, paano naman kasi hayop na
Chris na yun!”
“G, alam ko minahal ka niya pero
talagang iba ang ganda ko.” Biro ko sa kanya.
“Walang hiya ka!” Batok niya sa
akin at nagtawanan kami. Para kaming mga baliw na umiiyak at tumatawa.
“Okay ka na ba G? Nag aalala ako
na baka, alam mo na. Mag suicide ka na ulit?”
“Kaya ko na JD, when I knew how
you did everything for me, I know na mas mahal ko ang kaibigan ko. Tanga lang
ako at masyado ko naittach ang sarili ko kay Chris.”
“Sure ka?” Pagaalala ko sa kanya.
“Oo nga! Nailabas ko na galit ko
kay Chris kanina. Binugbog ko na, wag ka mag alala, iginanti na kita nung
sinabi niya lahat sa akin. I think the reason why I had that suicide attempt is
bigla nalang ako iniwan ni Chris sa era, yung walang closure pero nung inamin
niya lahat ng katarantaduhan niya at least may sagot lahat ng katanungan ko sa
isip ko. Oo masakit pero kakayanin ko na this time JD.”
“Thank you at napatawad mo ako
G.”
“Oo naman, mas mahal ata kita kay
Chris!” Niyakap ko ulit siya, I so love having a bestfriend like her.
“Halika na, kainin na natin dala
namin ni Jeff na pagkain.” Yaya niya na ikinatigil ko naman. Napatingin naman
sa akin si G.
“Sorry, hindi mo ba siya
nakausap?” Umiling ako.
“Magkakaayos din kayo nun. Alam
ko kung gaano ka niya ka mahal JD.”
“Sana nga G, pero teka, paano kayo
nagkasama?”
“Kakaakyat ko lang and I was going
here sana to surprise you pero papasok palang ako nang maabutan ko siya sa
kanto. Bibili daw muna siya ng pagkain kaya sinamahan ko muna siya. Nung
papasok na kami sa apartment mo, may nagsisigawan kaya nagmadali kami kaya
ayun, yung last na paguusap niyo yung narinig namin.”’
“G. Hindi niya ako pinagpaliwanag!
Sabi niya suko na daw siya sa akin.”
“Tutulungan kitang mag explain na
kasalanan lahat ni Chris yun.”
“Salamat G. Ikaw? Mapapatawad mo
pa ba si Chris?” Nakita ko yung simpleng ngiti niya.
“Mahal ko pa din siya JD, kung
hihingi siya ng sorry, handa ako magbigay ng second chances.”
“Ha?! Seryoso ka?”
“Ganun naman kapag nagmamahal di
ba? Oo sinapak at sinampal ko siya kanina pero mahal ko yun at naging kaibigan
ko yun ng matagal. Inamin niyang minahal ka lang talaga niya. Eh ikaw? May chance ba na mapatawad mo pa
siya?”
“Not now G. He made me do things
na hindi ko gusto and binlockmail pa niya ako, I don’t know if I can forgive
him at this time.”
“I understand, Hay! Tama na ang
drama, pagamit muna ng CR, mag reretouch lang ako. Kumalat eye liner ko!” Bumalik
na nga si G. Masaya ako at okay pa din kami pero nalulungkot ako na hindi kami
okay ni Jeff.
After we ate, hindi pa din ako
makamove on sa mga nangyari. I can see that G is still affected of what
happened to him and Chris but she manages to show me a smile to help me feel
better. Ganyan si Giselle, kahit may problema yan ako pa din uunahin niya. I
feel bad for what happened sa relationship niya pero mas na fefeel bad ako of
what happened to me and Jeff.
“JD, huwag ka na sad. I know,
let’s go to Jeffs house.”
“Thank you G, how can you do
that?”
“Do what?” pilit na ngiti niya.
“Yan, you manage to be happy and
inuuna mo pa ako intindihin kesa sa sarili mong problema.”
“JD, as I said, mas mahal kita kay
Chris. Oo nasasaktan ako pero hindi na sa akin ang problema, sa kanya na yun.”
“Sana lang kausapin na ako ni
Jeff, G.”
“Oo yan, tara na.” Hinila niya ako
para pumunta kila Jeff.
Nakadating kami sa bahay nila at
si kuya Jonathan lang ang naabutan ko doon.
“Kuya, uhm, is Jeff there?” Kita
ko ang dismaya sa mata ni kuya Jonathan, I think he already know.
“JD, paano mo nagawa yun kay
Jeff?”
“Kuya, I won’t defend myself from
the things I did to make him feel bad. Gusto ko mag sorry sa iyo kasi nasaktan
ko ang kapatid mo pero maniwala ka kuya Jonathan, I love Jeff.” Nakita kong
umiling siya at umalis sa harap namin ni G.
“Kuya Jonathan, wait lang please.”
Pigil ko sa kanya at huminto siya.
“Hindi ka dapat nag sosorry sa
akin dahil hindi ako ang nasaktan dito.”
“Kaya nga I want to talk to him
kuya. Can you tell me where he is?”
“Wala na siya JD.” Para akong
nalugi sa narinig ko.
“Wait, what do you mean na wala na
siya? Hindi pa tapos ang school year?” Singit ni G sa usapan namin.
“And you are?” takang tanong ni
kuya Jonathan kay G.
“Sorry to be rude, I am
JD’s bestfriend G.” pakikipagkamay nit okay kuya Jonathan.
“Ikaw yung isa din na
niloko ni JD?” Nalungkot naman ako sa sinabi ni kuya Jonathan dahil feeling ko
manloloko talaga ako.
“Yes ako yun pero alam ko
na ang nangyari. You see JD did that for me. Yun yung gusto naming iexplain kay
Jeff kasi yung narinig niya incomplete.” Pagpapaliwanag niya.
“So you mean?”
“Oo, hindi sinasadya yun,
naipit lang ako kuya Jonathan. I did that to save G from misery kapalit nun ang
pagpayag ko sa gusto ni Chris. Ang mali ko lang siguro ay yung hindi ko nasabi
kay Jeff ang nangyari.”
“Kaya we really need to
talk to Jeff.” Sambit ni Giselle.
“I am sorry if I judged
you JD.” Pagpapaumanhin ni kuya sa akin.
“I understand where you
are coming from kuya Jonathan so please help me out? I am begging you.”
“To be honest JD, hindi
ko alam. He just went here crying and told me everything what happened. He
packed his clothes and just got off with his car. Hindi niya sinabi sa akin
where he is going.Sabi niya tapos na daw exams niya and hindi na daw siya
required pumasok so he decided to cool off daw muna. Have you tried texting him?”
“I did kuya pero hindi ko
talaga siya macontact.” Naiiyak kong sambit. Niyakap naman ako ni kuya
Jonathan.
“Everything will be
okay.”
Umalis kami ni Giselle
kiya kuya Jonathan na dismayado ako. Where could Jeff be? Nawawalan ako ng pag
asa na baka nga sinuko na ako ni Jeff, am I meant to be alone? Napansin naman
ni Giselle ang pag iyak ko habang nag dadrive.
“Pull over.” Sabi niya na
ikinataka ko naman.
“Bakit?”
“I will drive, stop
crying. Hahanapin natin siya.”
“Thank you Giselle.”
Halos nalibot nanaman ang
Baguio, lahat ng mga pinupuntahan namin ni Jeff noon ay nilibot nanamin ni
Giselle. I think he left Baguio to cool off, pero saan ko siya hahanapin? Ang
laki ng Pilipinas!
“G, let’s go to Nicko,
Jeff’s cousin.”
“Just show me the way…”
Nakaabot kami sa bahay
nila Nicko and mukhang hindi nasabi sa kanya ni Jeff sa kanya ang nangyari.
“Kuya JD, bakit ka
umiiyak?”
“Nicko, dumaan ba dito si
Jeff?”
“Hindi kuya, may nangyari
ba?”
“Nicko, Jeff left me.
Nasaktan ko siya.”
“Ha? Ano ba nangyari
kuya?”
Kinwento ko kay Nicko ang
nangyari at nabigla siya na may nangyayari pala sa amin ni Chris. Noong una ay
nadisappoint sa akin si Nicko pero naintindihan naman daw niya na ginagaw ako
yun para sa best friend ko.
“Kuya, sana naging open
ka nalang kay Kuya Jeff. Masusolusyunan niyo naman kahit ano kung magkasama
kayo eh.”
”I know pero ang hirap
kasi eh.”
“Mahahanap natin si kuya
Jeff, alam ko kung gaano ka kamahal nun.”
“Tama, cheer up JD.”
Pagpapalakas ng loob sa akin ni Giselle.
Nagdaan ang araw at tapos
na ang sem pero hindi talaga namin mahanap si Jeff. Nicko, Kiko and kuya
Jonathan tried contacting him pero hindi niya sinasagot ang kahit sino sa amin.
Feeling ko isang malaking bahagi ng buhay ko ang nawala nung iniwan ako ni
Jeff. Parang namatayan ako ulit ng boyfriend. Si Chris naman lagi pa din nag
sosorry pero I am to numb to feel anything for him. Kung mapapatawad ko siya
siguro matagal pa. Nagpaalam ako kila mama kung pwede ba ako mag extend muna sa
Baguio at hindi muna bumaba. Umaasa kasi akong magpapakita na si Jeff sa akin.
“Wala pa din ba?” Tanong
ko kay Nicko ng minsang magkita kami.
“Wala pa din kuya,
nagtanong tanong na din kami sa mga classmates niya pero wala talaga kuya JD
eh.”
“Ganoon ba?”
“Huwag ka na malungkot
kuya JD. Kain na lang tayo, halika na!”
Lagi ko din tinitignan
ang profile ni Jeff sa facebook at baka ilagay niya sa status niya kung nasaan
siya pero wala talaga. Lagi ko din nakakausap si PJ sa facebook at naikwento ko
na din sa kanya ang nangyari sa buhay pag ibig ko.
“Ang tanga naman niyang
Jeff na yan. Ako nalang kasi ulit JD?” Pagbibiro niya.
“Sira! Kailan ka ba uuwi
ng Pilipinas.”
“Soon, haha! Busy pa eh.”
“Ganoon ba? Miss ka na
kaya ni Anne.”
“Sira!”
Ganyan kami mag usap ni
PJ sa chat, parang bumalik na yung closeness namin after what happened to us
before. Buti nalang at nandyan siya para pasiyahin ako sa mga banat niya.
Namimiss ko na si Jeff, sana magpakita na siya sa akin.
“JD, umuwi ka na muna dito
sa Manila. Namimiss ka na ng barkada.”
“Giselle, baka kasi umuwi
nan g Baguio si Jeff.”
“Hayy nako JD, it’s been
weeks since nawala yang si Jeff.”
“Pero G…”
“Hindi ba nga sabi ko
sayo dati, mas nagpapakita ang isang tao o bagay kapag hindi mo hinahanap?”
Napabuntong hininga naman ako.
“You know what, tama ka!
Oo na uuwi na ako bukas.”
“Good! Sasabihan ko na
yung iba ha?”
“Oo na!”
Tinawagan ko naman si ate
para sabihan sila mama na uuwi na ako bukas. Naikwento ko na din naman sa
kanila ang pinagdadaanan ko at naiintindihan daw nila ako. Noong una ay natatakot
ako na baka magalit si papa na may boyfriend ako pero talagang tanggap nila
ako.
“Oh napatawag ka JD?”
“Uuwi na ako bukas ate.”
“Nakita mo na si Jeff?”
“Hindi pa din ate eh.”
“Oh, bakit uuwi ka na?
Hindi mo na ba siya hihintayin?”
“Kung magpapakita siya
ate, hihintayin ko na lang yung panahon na yun. I did my part already.”
“Huwag ka na malungkot.
Buti uuwi ka na, dad was about to call you, bora daw tayo next week.”
“Really? I think I need
that vacation. Tell mom and dad I am there tomorrow afternoon.”
“Okay, ingat ka ha?
Remember, huwag na sad!”
Kinabukasan ay bumyahe na
ako, tinext ko nalang si Nicko na balitaan ako kung may makakita na kay Jeff.
Nakadating ako sa bahay bandang hapon na at nakakapanibago na andon sila mama
at papa.
“Mom, dad? Anong meron?
Ang aga niyo.”
“We came here para salubungin
ka.” Niyakap naman ako ni mama at papa na sobrang nakakapagtaka.
“Anong meron?”
“Alam namin na nasasaktan
ka pa din not seeing that guy. You want me to shoot him for hurting you?” Biro
ni papa.
“Pa! ako ang nanakit
hindi siya.”
“Pero hindi mo naman
sinasadya yun di ba? He could’ve atleast listened to you.”
“Papa talaga! Pero
seriously mom, dad at sis thank you”
Masaya pala sa pakiramdam
na nakakapagsabi ka sa buong pamilya mo. Noon masaya na ako na nakakapagshare
ako sa ate ko pero mas masaya pala na pati sa mama at papa ko nakakapag share
ako. Naging sobrang saya ng bakasyon ko kahit na sobrang namimiss ko na si
Jeff. My family went to Boracay and that vacation really helped me relax. Lagi
naman ako naglilibot kasama yung mga friends ko pero kapag nakakakita ako ng
lovers ay sobrang nalulungkot ako.
Malapit na ako bumalik sa
Baguio kasi enrollment na ng may tumawag sa aking unknown number. Natuwa ako,
baka si Jeff na ito.
“Hello?” Excited kong
bati.
“JD! Si Kris ito.” Medyo
nadismaya naman ako.
“Ah, hi, musta ka na?”
“Nanganak na ako!” Yung
pagkadismaya ko ay napalitan ng tuwa sa balita ni Kris sa akin.
Itutuloy…

wala ng mas mahalaga pa sa mapagmahal na pamilya at mabubuting kaibigan.
TumugonBurahinu r one lucky guy jd!!
macky
Tama ka diyan Macky! :)
Burahinwew!
TumugonBurahinteary eye aq sa unang tagpo ah.. hahaha..
babaw talaga ng luha q..
ramdam ko ung part ni JD ah.. hahaha..
nice one author.
bilis ng update mo..
nakakatuwa..
--anonymus101
Thanks anon 101 :)
BurahinSana magkasundo na sila ulit. Thanks sa update Mr JD.
TumugonBurahinYour welcome, thanks for reading :)
Burahin