Mga tagasunod

Sabado, Oktubre 4, 2014

For What It's Worth 10

Chapter 10


Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

P.S. Nagpapasalamat po ako sa mga nagbabasa ng story ko. Nung una masaya na ako sa 2 o 3 na nagbabasa pero dumadami na. Salamat po talaga. I am making my best to make the story better. Ito na po yung chapter 10. 5 more chapters to go and tapos na tong first story ko, sana po patuloy lang sa pagbabasa until the end  :-)

“I don’t like you anymore JD, I think love you ” Hinalikan niya ako ng mapusok. Ramdam ko ang pagmamahal sa akin ni Mike, unti unti na din ako nadadala sa halik na niya. Gumagala na ang kamay ni Mike sa parte ng katawan ko at tuluyan na kong tinablan ng init ng katawan.

Sino ba ako para hindi tablan? Guwapo si Mike to begin with and attracted ako sa kaniya. Pero paano yung kasunduan naming? Paano yung rule ko sa sarili ko? Hindi ko na kayang pigilan pa ang nararamdaman ko at hinalikan ko na din siya. Hinubad ni Mike ang damit ko at ramdam ko ang pagnanasa naming dalawa sa isat isa.

“Your fuck*ng hot boss” Puno ng libog na pagkakasabi ni Mike. Hinalikan niya akong muli hanggang namalayan ko na lang na nasa kama na kami.Sanay na ako sa mga ganong bagay, may experience na ako sa m2m nung kami pa ni PJ pero ramdam ko ang pagkapa ni Mike sa kung ano ang gagawin niya. Sa gitna nang aming mapusok na halikan ay bigla siya tumigil at nabitin naman ako. 

“Boss paano ba?” Natawa naman ako sa kanya.

“Don’t tell me virgin ka pa?” Pagtatanong ko sa kanya na pinamulhan naman niya.

“Okay boss, don’t worry ako bahala!” Pinahiga ko siya sa kama at ako na ang tumabraho sa kanya. (I won’t go into details, wholesome dapat! hahaha) Panay ungol ni Mike sa bawat ginagawa ko sa kanya na ikinatuwa ko naman dahil feeling ko ang galing ko na! Bigla niya ako hinila papunta sa mga labi niya.

“Boss, may napanood ako? Pwede ba natin gawin?” Alam ko na ang ibig sabihin ni Mike, versatile naman ako, I can be top at the same time bottom pero gagawin ba naming yun? Hindi ako sumagot at naramdaman ko nanaman ang paghalik ni Mike sa akin. Ang galing talaga niya magpataas ng libido. Wala na akong nagawa ng ipinwesto niya ako.

“Dahan dahan lang Mike?” puno ng ungol ko naman na nasabi.

“Oo boss, sasaktan ba naman kita?” At tuluyan na kaming nag isa. Ramdam ko ang pagiingat niya sa bawat paggalaw niya. Natapos ang aming pagniniig at nakatulog agad si Mike.

“Virgin nga, nakaisang round lang plakda na” Nasabi ko habang sinusuklay ng daliri ko ang buhok niya. Ramdam kong may nag iba sa akin, mahal ko na ba si Mike? Naguguluhan ako sa naiisip ko. Naalala ko yung sinabi sa akin ni G before…
_________________________________________________________________________________

Flashback…

“What? May nangyari na sa inyo ni PJ?” Pagkagulat niya ng minsang nabanggit ko Na may nangyari sa amin ni PJ. Tumango lang akp biglang pagkumpirma.

“Akala ko ba makikipag sex ka lang sa tao na mahal mo? Kahit mga ex girlfriend mo nga di maka score sa iyo, tapos si PJ? Si PJ na wala pang 2 linggo nang nagaminan kayo na attracted kayo sa isa’t isa may nangyari na agad?”

“Hindi ko alam G, nangyari na lang eh. Alam mo after nun, parang may nag iba sa akin? Nung una oo attracted ako kay PJ pero ngayon mahal ko na ata siya?”

“Ha? Agad agad? Baliw ka na ba JD?”

“Hindi, I know its sudden pero promise, yung feeling ko na parang di ko kayang mawala si PJ sa akin?”

“Don’t confuse sex with love JD!”

“I love him G, and I will fight for what I feel!” Buong paninindigan kong nasambit kay G na ikinailing naman niya.

End of Flashback
_________________________________________________________________________________

“Could it be na mahal na din kita Mike? Kaya ko na ba ulit magmahal?” Pakikipagusap ko sa natutulog na si Mike. Bahagyang nagising si Mike at napansin niyang nakatitig ako sa kaniya.

“Bakit gising ka pa boss? Isang round pa?” Pilyong ngiti sa akin ni Mike.

“Baliw, matulog ka na. Matutulog na din ako, good night Mike.”

“Good Night Boss ko” At muling nakatulog si Mike.

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko pero di ko magawang I-commit ang sarili ko kay Mike hanggang di ko na koclose yung sa amin ni PJ. I’m sure na may nararamdaman na ako kay Mike.
Dumaan pa ang ilang mga araw at nabuo naming ni Mike yung dance steps na kailangan ko to audition sa dance group ng RPG. Naging okay naman kami ni Mike at mas lalo ako naiinlove sa kanya sa pagdaan ng mga araw. Lagi ako kinukulit ni Mike kung pwede daw ba maging kami na kasi ang tagal ko na daw siya binibitin. Simula kasi nung may nangyari sa amin ay di ko na pinagbigyan si Mike ulit. Oo mahal ko na siya pero gusto ko pag ginawa naming yun ulit ay kami na at magiging kami lang pag nakapagusap na kami ulit ni PJ.

“Bakit kasi di mo pa ako sagutin boss?” Pagtatanong niya habang nakatambay kami sa fountain ng school.

“Kasi nga, may isasara pa ako sa nakaraan at gusto ko pag sinagot kita, wala na akong iisipan pa kung hindi ikaw lang po!”

“Ano ba kasi yun? Isara na kasi natin!” Pangungulit niya.

“Boss, about yun sa ex ko. Ang slow mo naman! Hindi ba naikwento ko na sa iyo yung nangyari sa amin? Why I studied here in the first place. Nung umamin ka sa akin parang natututunan ko na siya patawarin and gusto ko isara na yung between me and PJ before I can commit to you Mike”

“Ah, hindi mo nalang kasi sabihin sa akin ng diretso” Pagkamot niya sa kanyang ulo na ikinatawa ko naman. “Pero alam mo JD, nagpapasalamat ako diyan sa PJ na iyan!”

Naguluhan naman ako sa kanya, bakit siya magpapasalamat sa taong nanakit sa akin? “Ha? Bakit naman?”

“Oo nasaktan ka ni PJ boss pero kung di ka ba niya nasaktan pupunta ka at mag aaral dito sa Baguio? Magkakakilala ba tayo? Magiging boss ba kita kung di lahat nangyari yun?” Shet kinilig nanaman ako, sa lahat ng paandar ni Mike dito ako sobrang kinilig. Now I am sure, mahal ko na tong taong to.
“Ano ba yan boss, ang aga aga pinapakilig mo ako!” Kinikilig kong sambit sa kaniya na ikinatawa niya.

Dumating na ang araw ng audition ko do be part of dance group na mag peperform sa biggest event ng campus. Kinakabahan ako, 40 ang lahat ng mag aaudition at 10 lang ang kukunin. May mga mag peperform ng pair at group pero ako napili ko mag perform ng mag isa. Pang 8 ako sa mag peperform kaya kinakabahan ako. Buong RPG org andon para manood. Nakita ko naman si Jeff at agad niya ako in goodluck.

“Good luck JD kaya mo yan!” Pagpapalakas ng loob sa akin Jeff. Ngumiti lang ako bilang papasalamat. Di na kasi ako gaano makapagsalita dahil sa kaba. Palingon lingon naman ako at hinahanap ko si Mike. Bakit ba wala pa siya? “Please be here Mike, I need you” Bulong ko habang nakatingin sa cellphone ko. Nagsimula na ang auditions na lalo ko naman ikinakaba.

“Good afternoon RPG, are you ready?” Sigaw ng emcee ng araw na yun. Nagpalakpakan naman ang lahat. Madaming tao kasi from theater/music/dancing at graphics ang nasa loob ng hall.

“Alright, we all know that today are auditions for our dancers on RPG and whoever impress the judges would be part of RG10 who will perform for an event next week. I know we will have a good time this afternoon and I wish everyone who would participate in this audition GOODLUCK.”

“Let me introduce our judges for today. We have 3 judges that would evaluate the performances of our aspiring RPG10 members here. First off is our music coach from music department Ms. Elaine Silverio. Second on the seat is theater group director Neil Perez and lastly dance group choreographer Raphy Manansala. Let us all give them a round of applause”

Kinakabahan na talaga ako, walang pumapasok sa isip ko kundi nasaan na ba si Mike? I want him to be here. Naiinis ako sa kanya dahil kanina pa siya di nagrereply sa text ko. Palingon lingon ako pero wala talaga. Pang walo pa naman ako so I decided to go outside at hintayin siya sandali. Narinig ko na nagstart na ang unang mag aaudition.

“Oi, bakit andito ka sa labas?” Pagtatanong sa akin ni Jeff.

“Ah, wala lang, nagpapahangin, kinakabahan kasi ako” Pagpapalusot ko. Walang ibang nakakaalam maliban kay Chris ang kung anong meron kami ni Mike.

“Kaya mo yan, kaw pa. Hindi ba pupunta si Mike, JD?” Pagtataong ni Jeff sa akin.
“Hindi ko alam Jeff, di naman nagrereply eh” Malungkot ko na sabi.

“Halika na pasok ka na, baka malampasan pa yung pangalan mo!” Hinila na ako papasok ni Jeff. Habang hinihila niya ako ay nakita ko si Mike. Ang saya ko kasi dumating siya pero yung saya ko ay napalitan ng inis at lungkot. Kasama niya si Kris. Okay lang sana kung simpleng magkasama sila pero I saw Kris kissing Mike at walang pagtanggi dun si Mike. Feeling ko para akong malalagutan ng hininga. Pinilit kong di umiyak. Pumasok na kami ni Jeff ng mapansin niya ang lungkot sa mga mata ko.

“Are you okay?” Pagtatanong sa akin ni Jeff.

“Yes, I am okay Jeff” Pagsisinungaling ko.

“Punta ka na dun, di ba pang 8 ka? Number 5 na yung sasalang oh”

“Okay sige”

Nawawala na ako sa concentration ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat isipin, yung kaba ko kanina parang nawala na kasi sakit at inis kay Mike yung nararamdaman ko. Mauulit nanaman ba yung ginawa ni PJ sa akin kay Mike? Bakit kung kalian ready na ako ulit magmahal, bakit kung kalian ready na ako ulit sumugal? Bakit? Nilalabanan ko ang pagtulo ng luha ko, ngumingiti ako sa mga tao sa paligid ko para ipakitang okay ako na kahit sa totoo ay unti unti akong pinapatay nang nasaksihan ko. Di ko namalayang ako na pala ang susunod.

“Thank you Y2 group for that awesome performance. Now before we proceed I would like to make an announcement. This is just sudden; we will be conducting auditions for band groups in our org so that Direk Niel can choose who will perform for the same event. Nagulat kayo? Kami din, because the organizer of the event notified Direk Niel that the band who was supposed to play backed out. So if you want to be that band that would perform see you tomorrow for your auditions.” Nagkagulo naman ang mga nasa music department dahil di nila inaasahan ang biglaang audition bukas. Wala naman sa akin ang announcement na yun, bumabalik pa din kasi sa akin yung paghahalikan ni Mike at Kris. Pinahid ko ang luha ko, I need to be strong, I won’t let Mike ruin my dream to be part of RPG10.

“Okay, settle down, let us all welcome our next performer. Just a little trivia, this guy was voted as the most charming newbie of RPG in the last RPG fair. Well, cute siya pero can he make it to RPG10? Well let us all welcome Mr. JD Marquez.” Pagpapakilala sa akin at rinig ko ang palakpakan ng mga tao. May mga sumisigaw ng pangalan ko at ang iba ay tumatalon talon pa. Pero bakit di ko magawang ngumiti? Pumunta na ako sa stage, nakita ko sa Jeff na sumenyas ng thumbs up sign at sa bandang tabi niya ay si Mike na puno ng ngiti na pumapalakpak. I bet magkukunwari to na parang walang nangyari. Ganun naman talaga db? Nahuli mo na pero kaya pa din nila panindigan na ikaw lang. Paano ba nila nagagawa yun? Tinignan ko lang si Mike ng blanko na ikinataka niya. Nagsimula nang tumugtog ang Low ni Florida at lalong nagpalakpakan ang mga tao. Hindi ako makagalaw.

“No! I won’t let Mike ruin my dreams” Pagkakausap ko sa sarili ko. Andaling sabihin pero ang hirap gumalaw. Nang papasaok na ang intro ay pinilit kong igalaw ang mga binti ko. Nagawa ko naman. I started dancing the steps na tinuro ni Mike. Lalo nagpalakpakan ang mga tao and ramdam ko ang suporta nila sa akin. Kinalimutan ko muna yung nakita ko at inalala yung mga panahon na pinapractice naming ni Mike and sayaw na to. Masaya kami ng mga araw na yun kaya yung ang ginamit kong drive para itawid ang audition na to. Natapos ang dance piece ko sa isang pamatay na tumbling na ilang araw kong pinractice para maperfect. Lalo naghiyawan ang mga tao. Nakita ko si Mike pumapalakpak at parang automatic na bumalik yung galit at sakit na naramdaman ko sa kanya.

“Wow! That was intense, personally, not being biased kasi cute siya, he can make it to RPG10. Tama ba ako?” Lalo naghiyawan mga tao. Despite the pain I am feeling masaya ako kasi naitawid ko yung audition ko and hopefully makapasok ako.

“Okay, settle down. Let us hear the 3 judges who look very satisfied. Let start of with Miss Ellaine.”

“JD, one word, WOW!” Natuwa naman ako sa papuri ni music coach.

“That was short but very good comment. How about RPG’s director himself, Direk Niel!”

“Hindi lang pala mukha ang puhunan, napatunayan mo sa akin na may talent ka. You executed every step perfectly. Bakit di ka nag theater? You will be a great asset and panghila ng crowd! Good Job JD”

“Thank you po Direk” Hingal na pagpapasalamat ko.

“May balak mamirata direk?” Pagbibiro ng emcee. “ And now let us all hear it from our master choreographer Raphy Manansala!” Sa lahat ng judge kay Sir Raphy ako kinakabahan. Alam ko kasi kaya niya basahin ang galaw ko, marahil sa iba ay okay ang performance ko pero nakikita ko na alam niyang may pinagdadaanan ako.

“Before I give out my comment, I just wanna ask you JD, may pinagdadaanan ka ba?” Natahimik ang buong crowd at sa akin lang nakatingin. Grabe ka sir Raphy ang tanging nasabi ko sa utak ko. Hindi ko na namalayang may tumulong luha na agad ko namang pinunasan, ngumiti lang ako sa lahat. Kita ko ang pagaalala ni Jeff lalo na si Mike. Kung alam lang ni Mike na siya ang sanhi ng luha ko.

“Okay it figures. Well, we will set that aside kasi napull off mo ang audition mo. You are a total package, with your looks kahit siguro magpandanggo sa ilaw ka diyan madali mo mapeplease ang crowd. Just one comment sayo JD, if you are dancing, dance it with your heart and not in your mind. But over all performance, good job and good luck.”

Masaya ako sa comments ng judges and I do hope na makapasok ako. Nakita ko si Mike na lumapit pero agad ako umiwas at dumiretso sa pwesto kung nasan ang ibang nag aaudition. Pinagbabawal kasi ang pagpasok ng iba dun lalo na kung di sila parte ng audition. Nagtext si Mike at tinanong kung ano problema pero di ko sinasagot at pag tumatawag siya ay agad ko itong pinapatay. Nilingon ko siya at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Malungkot nga ba siya or nagtataka? Ewan! Dumating na ang announcement ng pasok sa RPG10. Lahat kabado at isa na ako dun. Sana naman pasok na ako, nasaktan na nga ako ulit dahil kay Mike di pa ako makakapasok, aba double whammy na yan. Napabuntong hininga nalang ako,

“Who’s ready to meet the RPG10?” Pa suspense na sambit ng emcee naming. Lahat nagpalakpakan hanggang sa sinimulan na nila ang mga pasok. Isa isa nang tinatawag ang mga nakapasok.

“You made it, Rowie!” Pumunta na si Rowie sa pwesto ng mga nakapasok, dalawa na lang ang kulang. 4 na ang pasok parehas sa lalake at babae. Dapat ako ang makapasok.

“Ano hula niyo lalake o babae?”

“Tama kayo, it’s a boy!” Kinabahan ako, dapat ako na ang matawag dahil kung hindi ay wala na ako pag asa makapasok.

“You are in… James!” Nagpalakpakan ang iba at ang iba ay hindi makapaniwala na hindi ako nakapasok sa grupo.  Nalungkot naman ako sa naging desisyon ng judges pero tinanggap ko na lang. Akmang aalis na ako ng bigla ulit nagsalit ang emcee.

“Well this is a surprise, care to explain this Raphy before I announce the last member of RPG10?” Marami ang nagbulungbulungan sa sinabi ni Emcee kaya ikinalingon ko naman ito.

“Originally, we need 5 guys and 5 gals to complete my RPG10 pero dahil sa choreo ko we need more guys than girls. Complete na ang set ng girls, 4 lang sila while the guys instead of 5, I will need 6.”
Nabuhayan naman ako ng loob na sana ako na yon.

“Okay, thank you for the explanation Raphy, now are you ready guys to know who would complete the set of our RPG10?”

“Congratulations, you are in… JD MARQUEZ” nagkagulo ang mga tao at kahit mga judge ay napatayo at pumalakpak. I can’t believe it, I am in. Kahit paano ay napawi yung sakit na nararamdaman ko, pumunta ako sa 9 na iba pang nakapasok sa RPG10 at nagtatatalon sa tuwa.

“Alright settle down, I know madami ang natuwa at pasok ang ating charming newbie. Congratulations guys, you are now part of RPG10 who would perform next week. Our resident choreographer Raphy Manansala would be teaching you the steps that you will have to perform. Inuulit ko lang sa mga banda na magaaudition tomorrow, the auditions would be here at 3:00 PM bukas. Again congratulations RPG10!”

Natapos ang audition ng masaya ako, nilapitan ako ni Jeff and kinongratulate.

“Congrats JD, galing ah! Lakas makahatak ng crowd!” Yakap sa akin ni Jeff, nagulat ako pero agad akong kumalas sa yakapan naming at nagpasalamat.

“Thank you Jeff!” Ngiti ko sa kanya. Bigla naman may humila sa akin palayo kay Jeff na ikinagulat naming dalawa. Akmang lalapit si Jeff nang sinenyasan ko siya na okay lang. Tumango naman siya bilang tugon. Hinarap ko si Mike.

“Hindi mo ako papansinin tapos malalaman ko na nakikipaglandian ka kay Jeff. Ano to JD? Pinaglololoko mo ba ako?” Puno ng galit na sintemyento ni Mike. Ako pa talaga ang sinabihan niya non? Aalis na sana ako ng bigla niya ako hinila.

“Hindi pa tayo tapos mag usap, huwag kang bastos!” Pero sa lakas ng pagkakahila niya ay nasubsob ako sa sahig. Nainis naman ako lalo kay Mike.

“I.. I’m sorry JD. Hindi ko sinasadya.” Tutulungan na sana niya ako ng pinigilan ko siya.
“Don’t” Maikling sambit ko sa kanya. Matalas ko siyang tinitigan para malaman niyang nagagalit ako sa kanya.

“Ano bang problema natin JD?” Pagtatanong niya. Sa totoo lang inaantay ko na umamin siya. Gusto ko makitang magsosorry siya sa nagawa niya. Gusto ko yung pagkakaiba nila ni PJ, pero tinanggi niya ang kasalanan niya.

“Tinatanong mo ako kung ano ang problema ko?” Nagcacrack na ang boses ko pero pinipilit kong hindi umiyak.

“Kaya nga tinatanong kita JD? Huwag ganito, nahihirapan ako?” Pakikipagusap niya.

Tatakas nanaman ba ako? Pero mas masakit malaman ang katotohanan. Ayaw ko ng maulit yung nangyari sa amin ni PJ noon. Hindi ako tatakbo ngayon, haharapin ko to. Umaasa pa din naman ako na maayos naming to,

“Magusap tayo, pero wag dito” Puno ng awtoridad kong utos sa kanya.

“Sige, saan mo gusto magusap?”

“Halika sa likod ng Perfecto Building. Doon tayo sa may mga bench doon.”

Naglakad na ako at sumunod naman siya, maswerte naman na wala gaanong tao. Umupo kami sa dulo para walang makarinig sa amin.

“Bakit?” Panimula ko. Gusto ko siya mismo makaalam ng katarantaduhan niya.

“Ano? Hindi kita maintidihan” Pagtatanong niya.

“Si Kris, ano kayo ni Kris? I saw you kissing sa labas bago nag start ang audition ko” Naibulalas ko.
Namutla naman si Mike at hindi nakapagsalita. Gusto ko mag explain siya pero bakit yumuko lang siya at hindi nagsalita. Di ko na napigilan ang sarili kong umiyak.

“Bakit Mike? Bakit mo to ginawa sa akin? Bakit kung kalian handa na ako magmahal ulit? Bakit kung kalian nawala yung takot ko tsaka mo to ginawa?” Pagtatanong ko sa kanya. Para akong tanga, sabi ko hindi ako iiyak pero ito ako humahagulgol. Hindi naman kami in the first place pero may understanding na kami. Naiintindihan niyo naman ako hindi ba? Mahal ko na siya eh. Wala pa ding sagot si Mike at nakayuko pa din. Ito na ang kinatatakutan ko, natatakot ako masaktan at eto nanaman itong sakit na to. Kung kay PJ nun, narinig ko lang eh halos mamatay na ako, mas masakit pala yung ikaw mismo ang nakakita, no words can explain how I am feeling right now.

“Sumagot ka naman please?” Pakiusap ko kay Mike.

“I’m sorry JD pero Girlfriend ko na si Kris.” Nakayukong sambit niya.

Itutuloy….





10 komento:

  1. Mga Tugon
    1. thanks sa comment. Sana po keep on reading until the end of the first story :)

      Burahin
    2. definitely. i will keep on reading not only til d end of this but ur succeeding stories as well. thank you for sharing ur talent wid us.

      Burahin
    3. Naks, nakakataba naman ng puso ang comment mo boss. Salamat po :)

      Burahin
    4. i rili appreciate dat ur taking time to acknowledge ur reader's comment and reaction.

      btw, call me macky

      Burahin
    5. I'am a reader myself before I started making my own story. Natutuwa kasi ako when the author acknowledge me sa comments. Natutuwa ako. hehe! Nice meeting you macky :)

      Burahin
  2. ayos na sana, love nga naman oh

    - arthas

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat po sa comment, mahirap po talagang makaachieve ng perfect relationship sa mga BI/Gay/Lesbian. Base lang sa experience ah, pero di ako nawalan ng pag asa makahanap ng true love :)

      Burahin