Chapter 8
Disclaimer: This is
my first fiction story as a writer. Any events, names, scenarios or
similarities to any written works are purely coincidental. This story is for
mature audience and this story may contain gay sex. If you find this offensive
please do not proceed on reading. Please leave a comment, negative or positive
feedbacks are well appreciated. Do not copy this story without
my permission.
Authors Note: Hi Guys,
namiss ko kayo at mag update. Well, nakapag relax naman na ako sa SG and
Malaysia at dahil doon, alam ko na yung next story ko after #MyMadeUpBF.
Salamat sa pagsupport at pagbabasa. Sana magcomment din kayo mga silent
readers. Sa mga madalas magcomment na sina Alfred; m@sg; Anon101; -hardname-;
macky; 969; Tiungoo; EurArch at -b-. Yung hindi ko nabanggit, sabihan mo ako.
Sorry :D SALAMAT sa inyo. Anyways, here
is a back to back to back
Chapter. ENJOY.
KRISTOFF JAMES
ARGUELLES POV:
“Ano ba kinagagalit mo Kit?” biglang tanog ni Daryll sa
akin. Ano nga ba ang ikinagagalit ko?
“Ano yun ha?!” bigla kong tanong, wala ako ibang maisip na
dahilan. Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit sila nagyayakapan ng ex niya.
“Nag uusap lang kami ni Joshua, I told him na wala ng chance
yung sa amin and I am giving him a chance na mapatawad ko siya.” Paliwanag
niya, pero hindi eh!
“Don’t lie to me! Bakit kayo nagyayakapan ha?!” Sa wakas ay
natanong ko din. Please tell me the truth Daryll.
“Kit, teka nga! Ano ba TALAGA ang kinagagalit mo?” muli
niyang tanong sa akin. Is he that dense?!
“Dahil ako ang boyfriend mo hindi ba?” frustrated kong
sambit.
“Oo, made up BF. Hindi totoo! Kunwari lang! Bakit ba
sineseryoso mo ito?” Masakit na sabihin niyang kunwa-kunawarian lang ang sa
amin dahil para sa akin, for the past months, alam kong iba na ang nararamdaman
ko sa kaniya.
“Dahil mahal na kita at NAGSESELOS akong makita ka kasama
niya!” Oo, nagseselos ako kasi MAHAL ko siya. Normal lang naman ang
nararamdaman ko hindi ba?
“Ki-Kit! Hindi ba sabi mo sa akin na may mahal kang iba na
gusto mong balikan?” Bigla ko naman naala si Nathalie, mahal ko pa ba siya?
Pero alam ko mahal ko na din si Daryll, nung una oo nalilito ako dahil sa bago
itong nararamdaman ko pero nagmamahal lang naman ako eh.
“Hindi ko alam Daryll, basta alam ko SELOS ang naramdaman ko
nung nakita kita na kayakap si Joshua.” Diretsong sambit ko dito.
“Sigurado ka ba diyan Kit? Baka naguguluhan ka lang?”
pagtatanong niya, alam kong sinisigurado lang ni Daryll ang nararamdaman ko
pero bakit hindi ko na alam kung ano ang dapat maramdaman?
“Hindi ko alam!” frustrated kong sambit. Naguguluhan ako!
Alam ko mahal ko na si Daryll pero hindi ko naman masabi kung hindi ko na mahal
si Nathalie. Umalis ako sa kinatatayuan namin, I need to think, I need to know
what I really want and who to be with!
“Kit!” rinig kong pagtawag sa akin ni Daryll pero hindi ko
ito pinansin at dumiretso ako sa pagtakbo palayo ng lugar na iyon.
Natagpuan ko nalang na napadpad ako sa park na pinagdalhan
sa akin ni Daryll noong unang beses kami lumabas at gumala. Yung park kung saan
ko na diskubre kung sino ba talaga si Daryll at yung park na nagturo sa akin
magmahal na hindi tinitignan ang sekswalidad ng isang tao. Nung umamin si
Daryll sa akin tungkol sa pagkatao niya ay alam kong may nararamdaman na ako sa
kaniya.
Umupo ako sa isang bench kung saan walang tao. Gusto ko mag
isip, gusto ko malaman kung mahal ko ba si Daryll o si Nathalie. Ayaw kong
pumasok sa isang bagay na hindi ko alam ang kakalabasan. Oo takot ako! Sino
bang hindi takot masaktan at makasakit? Tumatawag naman si Daryll sa akin pero
hindi ko ito sinasagot. Alam kong nag-aalala yun sa akin pero gusto ko muna mapag
isa.
“Hayop na lalakeng yun, nakipagbreak sa akin sa phone kuya!
Okay lang sana kung personal eh pero kuya grabe siya. Ang sakit pala, I was
preparing for break up, tanggap ko na eh! Pero one time big time naman ginawa
nang PJ na yan!” Iyak ng isang lalake sa kabilang bench kaya napatingin ako sa
kanya. Mukhang mas matanda ito sa akin at may itsura siya pero wagas kung
umiyak.
“Yun na nga kuya, tatanggapin ko naman eh pero bakit ganun?
After ng mga pinagdaanan namin ganun nalang? Hayop siya. Wala man lang binigay
na magandang dahilan!” Pagpapatuloy niyang sentimiento sa kausap niya. Hindi ko
naman maiwasang hindi makinig kasi parang problema sa pag-ibig. Iniwan daw siya
ng lalake. Teka, lalake?! Ibig sabihin kaparehas namin siya ni Daryll? Wait,
bakla na ba ako? Bakla ba ang tawag sa katulad ko? Nagkakagusto pa naman ako sa
babae eh! Hay EWAN!
“Hello?! Hello?! Shit Lowbat!” inis na sambit niya at nadako
ang tingin niya sa akin.
“Oh? Ngayon ka lang nakakita ng lalakeng umiiyak kasi iniwan
ng taong mahal niya?!” sarcastic niyang sambit.
“Sorry po, I did not mean to eavesdrop.” Paghingi ko ng
tawad. Kita ko naman na nagbago ang expression ng mukha niya mula sa inis
papalit sa lungkot.
“Sorry din kung napagtaasan kita ng boses. Just having a
very bad day. Heart problems, ang hirap ma inlove!”
“Parehas lang po tayo.” Pilit na ngiti ko sa kanya.
“Mukha ka pang bata ah, ilang taon ka na ba?” nagtataka
niyang tanong.
“15 po, 4th year high school na.”
“Huwag ka muna magpapakatanga sa pa-ibig na iyan. Ganyang
taon din ako nagmahal noon pero wala, nasaktan lang ako. Sa pangalawang
pagkakataon na nagmahal ako ulit, ito nasaktan nanaman ako. Ewan ko ba, ang
ilap ng happy ending sa akin. Nawawalan na ako ng pag asang maging masaya.”
Nakita ko naman na umiiyak nanaman siya. Siguro ganun niya kamahal yung taong
yun.
“Panyo po…” inabot ko yung panyo ko sa kanya na tinanggap
naman niya.
“Salamat!” pilit na ngiti nito sa akin.
“Gusto mo bang pagusapan?” Alok ko sa kaniya, baka in a way
makatulong ako sa kanya. Sabi nga nila, mas magandang ilabas ang sama ng loob
sa total stranger. Hindi naman ito nagdalawang isip at nagkwento na siya agad.
“Yung boyfriend ko kasi, mali ex na pala, naka base siya
America. I was ready for a breakup kasi ang alam ko magkikita pa kami before he
flies back pero he broke up with me sa phone. Ang sakit lang kasi I felt taken
for granted.”
“Ramdam kita, when Nathalie broke up with me before, I felt
the same way…”
“Masakit hindi ba? Alam ko din na hindi niya ako tuluyang
minahal. Mahal pa din niya yung ex niya na niligawan ko dati bago ko siya
nakilala.” Nacurious naman ako sa kwento niya kaya patuloy lang ako nakinig.
“Paanong ex ng niligawan mo dati?” interesado kong tanong.
“Yung niligawan ko kasi dati nagkataon na BF na ng pinsan ko
ngayon. Tinanggap ko yun kasi gusto ko makita siyang masaya at dahil mahal ko
ang pinsan ko kaya nagpaubaya ako. Hanggang sa nakilala ko si PJ na ex nung
dating niligawan ko. Naging kami ni PJ pero ramdam ko na mahal pa niya yung ex
niya. Tinanggap ko naman lahat yun pero talagang hindi lang nag work yung sa
amin. Nagpakatanga nanaman ako sa maling tao.” Umiiling nitong sambit.
“I know what you feel.”
“Ikaw, ano naman kwento mo?” pagtatanong niya. Siguro
kailangan ko ng mapaglalabasan at baka mabigyan niya ako ng payo.
“Naguguluhan ako kung sino ba ang taong mahal ko.”
“Pakinggan mo ang puso mo at hindi ang utak mo. Tignan mo
kung sino ang mas matimbang.” Advice sa akin ng taong kausap ko. Napangiti
naman ako sa sinabi niya.
“Salamat po…”
“Salamat din! Basta
tandaan mo yung sinabi ko sa iyo okay? Walang masama sa pagmamahal basta alam
mo kung saan ka sasaya at wala kang masasaktang iba, go fight lang.”
“Opo kuya, salamat po sa advice and sana maayos ko na tong
pinoproblema ko. Magiging okay din po kayo at makakahanap ng taong mamahalin mo
at mamahalin kayo.”
“Nicko?” rinig ko na tumawag sa kausap ko. Napalingon naman
ako sa lalaking yun.
“Kuya JD!” lumapit naman dito si kuya at niyakap ang kausap.
“Jeff told me na nagkausap kayo so I rushed here. Everything
will be okay Nicko, would you like me to call PJ?”
“Huwag na kuya JD, ayaw ko na mapakatanga. Magiging okay din
ako.” Nakita ko naman na ngumiti ito ng pilit at nadako ang tingin sa akin.
“Sino yang kasama mo?”
“Ah kuya JD, ahh.” Tila nagiisip nitong sambit. Tumingin
naman ito bigla sa akin.
“Ano na nga ulit pangalan mo?” nahihiya niyang turan. Oo nga
pala, hindi pa kami nagkakakilala.
“Kristoff James, Kit nalang po.” Inilahad ko naman yung
kamay ko na tinanggap niya.
“Nice meeting you. Nicko pala, Nicko Perez. Ito naman yung
kuya JD ko.” Tinignan ko naman yung kasama niya.
“Nice meeting you Kit. Salamat sa pag sama dito sa kaibigan
ko. Im JD Marquez.” Ngiti sa akin nung JD.
“Wala po yun.”
“Mauuna na kami Kit ha? Nicko, yung car nakapark dun, tara
na?”
“Sige kuya. Kit, salamat sa pakikinig ha? Mag iingat ka and
see you around?”
“Sige po, kayo din po ingat kayo.”
Kita ko na umalis na sila sa park kung nasaan kami. Again, I
was left alone. Inisip ko namang mabuti yung sinabi ni kuya Nicko, sino na nga
ba ang mas matimbang kay Daryll at Nathalie para sa akin? Habang nakatulala ako
sa kawalan ay biglang tumunog ang phone ko.
“Hello pare?” pagsagot ko ng masiguro kong hindi ito si
Daryll.
“Kit tol! I have good news to you.”
“Talaga? I think I need one.”
“Break na si Nathalie at yung pinalit niya sayo. Nathalie
found out that Philip is cheating on him.”
“Talaga?” walang gana kong sambit.
“Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba yun naman ang gusto
mo? You wanted to be with her again?”
“Pagod lang ako tol. Can I call you back?” binaba ko naman
ang phone ko at muling bumalik sa pagkakatulala. Naisip ko naman kung saan ba
nagsimula ang lahat ng ito? Kinuha ko ang wallet ko at nakita ang singsing na
minsang dapat sa taong pinakamamahal ko na magiging simbolo ng forever namin.
____________________________________________________________________________________
Flashback…
“Happy monthsary love!” bati ko sa babaeng pinakamamahal ko
ng makadating ako sa restaurant. Lumapit ako para halikan siya pero iniiwas
niya ang mukha niya.
“Sorry na. Alam ko late nanaman ako, what do you wanna
order?” ngiti ko sa kanya. Nalate lang naman ako dahil pinick up ko pa yung
singsing na pinapersonalized ko sa subic.
“I-it’s not that Kit…” malungkot niyang turan. Nagtaka naman
ako pero iniwaksi ko ito sa isip ko, baka kasi nagtatampo nanaman siya sa akin.
Ayaw niya kasi ng laging nalalate. TAMA! Yun ang dahilan.
“Huwag ka na magtampo love. Ito oh!” kinuha ko mula sa bulsa
ko yung singsing.
“I was late kasi kinuha ko pa ito sa pinagawan ko. Happy
monthsary love!” sambit ko habang nakaluhod na ibinibigay ito sa kanya. Nakita
ko naman na nakatingin lang ito sa singsing na hawak ko at kinuha niya ito.
“Do you love it?” masayang tanong ko sa kanya.
“Ki-kit…” yung lang ang tanging nasambit niya. Siguro hindi
siya makapagsalita sa sobrang saya! Kinuha ko muli ang singsing at hinawakan
ang kamay niya. Isusuot ko na sana yung singsing ng hugutin niya ang kamay niya
mula sa pagkakahawak ko.
“I-I can’t accept that Kit.” Maiksing sambit niya na labis
na nagpahinto ng mundo ko. Pero pinilit kong maging positive.
“Ba-bakit love? Ayaw mo ba nung design? Gusto mo papalitan
ko? Sabihin mo lang…”
“No Kit, I want a break up.” Diretsong sambit nito. Parang
bigla ako nahirapang huminga.
“Ba-bad joke love ha! Order na tayo, a-ano ba gu-gusto mo?”
pinipilit kong hindi maiyak. Bumalik ako sa upuan ko at tinignan ang menu.
“Kit, I am not joking. I-Im sorry, I fell out of love. Wala
sa iyo ang problema na sa akin.” Sa pagkakataong yun ay parang tumigil ang
oras. Tang inang dahilan yan, malamang sa akin ang problema dahil hindi naman
siya makikipagbreak sa akin kung walang problema.
“Ba-bakit Nathalie? What did I do wrong?” sa pagkakataong
ito ay hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. I don’t care sa mga
nakakakita, nasasaktan ako! Sila pa ba ang iintindihin ko?
“I love Philip…” Three words that made my heart stop. Si
Philip, yung bestfriend niya? All this time pag magkasama sila eh may
nangyayari na pala?
“Minahal mo ba ako Nathalie?” natanong ko matapos niyang
sabihin yun.
“Oo Kit, minahal kita.”
“Sinungaling!” sambit ko.
“Kit, sa maniwala ka at hindi minahal kita.”
“Bestfriend mo si Philip simula bata pa kayo, imposibleng
bigla ka nalang na inlove sa kaniya. Kaya pala sa tuwing kasama natin siya you
act sweet sa akin! Pilit kong hindi iniintindi yun. Pinagseselos mo lang ba
siya? Did you just used me?”
“No Kit. Please don’t think that way.”
“Then what?”
“I just don’t love you anymore.”
“Nathalie please!” hawak ko sa kamay niya pero agad naman
niya itong hinugot.
“Huwag mo ako iwan Love. Please? Hindi ko kaya, mahal na
mahal kita.” Pagsusumamo ko. Kaya ko kalimutan yung sinabi niya.
“Kit, I am really sorry, Mahal ko si Philip.” Tumayo siya
mula sa pagkakaupo sa table namin. Sinapo ko ang ulo ko, anong mali sa akin?
“Hindi, hindi ko kayang mawala si Nathalie!” Tumayo ako sa
pagkakaupo ko at hinabol ang kakalabas palang na si Nathalie.
Nang makalabas ako ay nakita ko si Nathalie na sumakay sa
isang kotse. Hinabol ko ito, pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala ako
pakialam.
“Nathalie! Sandali please!” sinisigaw ko habang hinahabol
ang sasakyan na sinakyan niya. Nang mapagod ako ay huminto ako at nagsimulang
humagulgol.
“Tol!” sambit ng mga katropa ko na nagaabang sa labas ng
restaurant. Nakita pala nila yung ginawa ko, nakakahiya pero ano magagawa ko?
Mahal ko si Nathalie at kahit pa magmukha akong tanga eh wala na ako pakialam.
“I-iniwan na ako ni Nathalie. Mahal daw niya yung Philip na
yun. Sakit pare! Tang ina nila, niloko nila ako!”
“Tol, tumayo ka diyan. Huwag ka dito, pinagtitinginan na
tayo. Tara, dun tayo sa kotse ni Vince.” Inakay naman nila ako papunta ng kotse
ng isang tropa ko.
Nang makadating kami sa parking lot ay hindi ako tumigil sa
kakahagulgul ko. Natutuwa naman ako sa mga katropa ko dahil hindi nila ako
pinagtatawanan at nakikisimpatya sila.
“Gusto mo ba upakan natin yang Philip na yan?” suhestyon ng
isang katropa ko.
“Gago! Gusto mo ba na lalo mainis si Nathalie kay Kit?”
batok ni vince dito.
“Babawiin ko si Nathalie!” buong loob kong sambit.
“Tol, wouldn’t it be best to move on?”
“Hindi, mahal ko si Nathalie at alam kong mahal pa niya
ako.”
“Alam mo shot nalang tayo sa bahay, wala parents ko.
Kailangan mo yan.”
Dumiretso kami sa bahay ng kaibigan ko at doon ko ibinuhos
lahat ng sama ng loob ko. Ipinapangako ko na babawiin ko si Nathalie no matter
what! Nagpasya akong umuwi ng bahay namin kahit lasing ako, hindi ko inisip ang
magiging reaction ng mga magulang ko.
“Are you drunk?” tanong ni papa sa akin ng makapasok ako sa
bahay.
“Isn’t it obvious pa?” pabalang kong sagot. Hindi ko alam
kung paano ko nagawa yun dahil lahat kami sa bahay ay takot kay papa.
“Bastos ka ah! Ano ba yang pinaggagagawa mo sa buhay mo?”
“Let me be pa, paminsan minsan lang to!” nakita ko naman na
parang nagdilim ang paningin ni papa at sinuntok ako. Dumating naman si mama
para awatin ito.
“Arnulfo! Ano ba yang ginagawa mo?” sambit ni mama habang
pinapatayo ako sa pagkakatumba ko.
“Eh yan eh, bastos na bata!” galit na sambit ni papa.
“Arnulfo, mag usap nga tayo. Sige na Kit, umakyat ka na sa
kwarto mo.”
“Kaya lumalaking ganyan yan kasi kinukunsinte mo!” rinig
kong sambit ni papa kay mama pero wala akong pakialam.
Alam ko mali ang ginawa
ko at kahit magsisi ako ay nagawa ko na. Umakyat na ako sa kwarto ko at kinuha
ang cellphone ko. Tatawagan ko si Nathalie, lagi ko naman ginagawa yun eh.
“Hello?”
“Sino ka? Anong kailangan mo sa girlfriend ko?” rinig kong
sambit nung tao sa kabilang linya.
“Girlfriend? Ah, ikaw pala yung mang aagaw!”
“Tigilan mo na ang girlfriend ko Kit.”
“Gago ka pala eh, ikaw ang nakisawsaw sa amin ni Nathalie
tapos ako ang lalayo?”
“Gago ka din, iniwan ka na niya kaya tigilan mo siya!”
binaba naman niya ang telepono na lalo kong ikinainis.
Lumipas ang mga araw at linggo na lagi ko sinusubukang
lapitan si Nathalie pero ayaw niya. Kahit nagmumukha na akong tanga eh wala ako
pakialam. Si Nathalie ang buhay ko at kung mawala siya ay parang pinatay na din
ako.
“Nathalie…” tawag ko sa kanya ng minsang hinintay ko siya sa
labas ng gate.
“Kit, please. Tama na, wala na talaga tayong magagawa sa
atin. Mahal ko si Philip.”
“Sinasabi mo lang yan, pero alam ko mahal mo pa din ako.”
Pilit ko sa kanya pero umiwas lang ito.
“Nathalie please!” pagmamakaawa ko sa kaniya.
“Kit, ano ba!”
“Hoy, sabing tigilan mo ang girlfriend ko!” sulpot ni Philip
at inambahan ako ng suntok. Hindi naman ako nagpatalo, siguro dahil sa lahat ng
naipong galit sa akin ay nagawa kong paulanan siya ng suntok.
“Gago ka, ikaw ang dahilan!” sinuntok ko siya ng sinuntok at
tila nagdilim ang paningin ko.
“Kit, tama na!” awat sa akin ni Nathalie pero parang wala
akong naririnig. Naramdaman ko naman ang paghila sa akin para mailayo kay
Philip.
“Tol, Kit! Tama na yan!” hila sa akin ni Vince at doon lang
ako nahimasmasan. Kita ko si Philip na duguan sa kalsada at nababalutan ng dugo
ang mga kamao ko. Tinignan ko naman si Nathalie at iyak lang ito ng iyak.
Sinapo ko ang ulo ko at tumakbo papunta CR.
“Ano ba itong nangyayari sa akin? Ako ba ito?” pagkausap ko
sa sarili ko sa harap ng salamin.
Naghilamos ako, pilit kong tinatanggal ang dugo sa mukha ko
at sa mga kamay ko. Baka sakaling matanggal ng tubig ang dumi na nagawa ko.
“Minahal ko lang naman si Nathalie ah? Masama na ba yun?”
Pagiisip ko ng lumabas ako ng CR. Umuwi ako sa bahay na tila lutang at
nawawala.
“Kit, ano ba nangyayari sa iyo?” tanong sa akin ni papa.
“Wala po…”
“Nakatanggap ako ng tawag mula sa school mo and you’re failing
your grades. Hindi ka daw gumagawa ng assignments and you’re not participating
in activities.” Mahabang sermon ni papa pero parang wala akong naririnig.
“Kinakausap kita Kit, umayos ka naman. Mag 4th
year ka na, graduating ka na and ngayon ka pa nagkakaganyan?” Hindi pa din ako
sumasagot, wala sa sermon ni papa ang isip ko. Nakay Nathalie.
“Halla, umakyat ka doon sa kwarto mo, you are grounded!”
banta sa akin ni papa pero tumango lang ako at umakyat sa kwarto ko.
Hindi na ako interesado sa pag aaral ko, siguro nga masyado
ko minahal si Nathalie at sa kanya lang umikot ang mundo ko. Nakalimutan kong
magtira ng pagmamahal sa sarili ko kaya hindi ko magawang mag move on.
Kinabukasan ay pinatawag ako sa principals office. Pagkapasok ko ay nakita ko
si Nathalie at Philip na nakaupo sa harap ng principal namin. Huminga muna ako
ng malalim bago lumapit.
“You’re here Mr. Arguelles!” masungit na sambit ni Mrs.
Katapang.
“Yes ma’am?” walang emosyong sambit ko.
“I received a report that you did this to Mr. Bonifacio. Si
Nathalie Cruz ang witness and pinatutuhanan niya lahat ng iyon. You know that
violence is not tolerated in this school.” Hindi naman ako sumagot at tumitig
lang ng blanko sa kanila.
“Aren’t you gonna defend yourself?”
“No ma’am.”
“That’s very arrogant of you Mr. Arrguelles. In that case,
papatawag ko ang parents mo. Stay here!” wala na ako pakialam. Kita ko naman na
masama ang tingin sa akin ni Philip while Nathalie can’t even look at me on the
eyes. Halata ang pagkakabugbog ko kay Philip. May benda siya sa ulo at puno ng
pasa ang mukha.
“Good morning Mr. Arguelles, this is Principal Katapang.
This is about your son…” rinig kong pakikipag usap ng principal namin sa papa
ko.
“Yes sir, we hope you can come here now. Alright Mr.
Arguelles, see you.” Binaba nito ang phone at humarap sa akin.
“Papunta na ang dad mo ganun din ang mga magulang ni Philip.
We will settle this. Hindi ka ba nahihiya sa papa mo? Your family is one of the
respected clan here in Zambales.” Hindi naman ako sumagot at umupo lang.
Nakatingin lang ako kay Nathalie, umaasa na susulyap siya sa akin pero hindi
iyon nangyari.
“Pasok!” rinig kong sigaw ni Mrs. Katapang ng may kumatok sa
pintuan. It is my dad.
“Good morning, I am Mr. Arguelles.” Magalang na bati ni papa
sa principal namin.
“Nice meeting you sir!” pakikipagkamay ng principal namin.
Tinitigan naman ako ni papa ng masama. Not too long after my dad arrived ay
dumating naman ang parents ni Philip.
“Mr. Bonifacio.” Rinig kong pagharap ni daddy dito. Mukhang
magkakilala sila.
“Sir, kayo po pala. Kamusta po?” parang nahihiya na sambit
ni Mr. Bonfiacio. Huhulaan ko, isa ito sa malaking supplier ng isang business
namin na kailangan si papa or isang taong may malaking utang sa papa ko.
“I believe that our sons got into a fight.” Kita ko naman
ang pagkabigla sa mukha ng daddy ni Philip.
“That is why I summoned you because we need to talk this out.”
Singit ni Mrs. Katapang.
Nagusap sila tungkol sa nangyari at kita ko kung gaano ka
disappointed ang papa ko sa nalaman niya. I was not this kid until I felt
broken. Medyo na konsensya ako dahil kita ko sa mukha ni papa ang hiya sa mga
kausap.
“Kit, I want you to say sorry to Philip.” May awtoridad
nitong utos. Hindi na ako tumanggi dahil mas lalong lalaki ang galit ni papa sa
akin.
“Sorry…” walang emosyong sambit ko.
“What sunctions are you gonna give my son? Maiintindihan
ko.”
“Well, if this is with regard the offense that he made,
suspension ito ng 1 week…” pag eexplain ni Mrs. Katapang.
“I don’t think it’s necessary.” Sambit ni Mr. Bonifacio na
ikinabigla ng lahat ng tao sa kwartong iyon.
“Are you sure Mr. Bonifacio?” nagtatakang tanong ni papa.
“Yes, nakapagsorry naman na ang anak mo. I mean, hindi naman
grabe.”
“Daddy!” rinig kong reklamo ni Philip pero umiling lang ito
sa anak niya.
“Well in that case, suspension is not necessary.” Kita ko
naman ang pagbuntong hininga ng principal namin.
“Okay, you three kids, you may go out. I will just talk to
your parents. Kit, you are not suspended. Go back to your class.” Nang
makalabas kami ay nagpasaring naman si Philip sa akin.
“Iba na talaga ang mayaman at makapangyarihan!”
“Nagtataka nga ako sa iyo kasi alam mo pala pero kinanti mo
ako!”
“Gago ka ah!”
“Philip, tama na. Let’s go!” hila ni Nathalie sa kanya.
“Babawiin kita Nathalie!” Sigaw ko dito pero hindi man lang
ito lumingon.
Nang makauwi ako ay samut saring sermon nanaman ang
natanggap ko kay papa. Galit na galit ito sa akin. Since patapos na ang school
year ay nagpasya itong ililipat daw ako ng school.
“You are moving to Manila!” utos ni papa sa akin.
“Pa!” reklamo ko dahil ayaw kong iwan si Nathalie.
“Arnulfo, sigurado ka ba?”
“Para magtino!”
“Sino kasama niya doon?”
“Si Dennis, yung bestfriend ko! Ka edad niya yung isang anak
nito, si Daryll.”
“Pa, baka naman po pwedeng dito na lang ako. Aayusin ko na
po ang pag aaral ko.” Pakikiusap ko, handa ako lunukin ang pride ko huwag lang
ako umalis dito.
“No, my decision is final!”
Natapos ang school year at wala na nga akong magawa kundi
ang magtrasfer sa Manila. Nakakainis kasi paano ko mababawi si Nathalie kung
malayo ako? Hindi ko pa kabisado ang Manila, kahit na makapag isip ako ng
paraan para maiwasan ang paglipat ay kilala ko si papa. Ang salita niya ang
BATAS.
“Paano ba yan tol? Sa Manila ka na talaga?” sambit ni Vince
ng minsang nakatambay kami sa kanila.
“Oo eh, wala na akong magagawa. Pakibantayan si Nathalie mga
tol…” paghahabilin ko kay
“Oo naman, babalitaan ka nalang namin.”
“Babalik ako!” Ang huling nasambot ko bago ko nilisan ang
Zambales.
Dumating ang araw na kailangan ko na lumuwas ng Manila.
Sinamahan naman ako ni papa at hindi na sumama si mama dahil walang maiiwan sa
hacienda. Ang original na plano ay doon ako kay ninong Dennis pero nahiya ako
kaya kumuha si papa ng apartment malapit sa bahay nila. Sabi ni papa ay kasing
edad ko lang daw yung anak ni ninong kaya ito daw ang inaasahan ni papa na
sasama sama sa akin.
“Magpapakabait ka Kit.” Sambit nito habang nasa biyahe kami.
“Pa, baka naman pwede huwag na lang po?” nagbabakasakali ako
na pwede pa nitong iatras. First time ko din kasing mahihiwalay sa kanila.
“Kit, I am not doing this to punish you. I am doing this para
matuto ka. 15 ka na pero para ka pa ding bata. You know me and your mom loves
you so much kaya mahirap din sa akin ang mahiwalay ka pero I think this is the
best. Different environment might do you good.” Hindi na ako sumagot at
tumingin nalang sa bintana. Hindi naman ako galit kay papa dahil in the first
place, ako ang may gawa nito.
Nang makadating kami sa apartment ni papa ay bumili naman
kami ng gamit sa mall. Habang nakapila si papa sa counter ay nagpaalam akong
pupunta sa stall ng freego para tumingin ng damit. Mahilig kasi akong tumingin
tingin kahit hindi naman ako bibili. Nang wala akong makita na magandang damit
ay nagpasya akong bumalik sa pwesto ni papa. Nagulat nalang ako ng may nakita
akong lalake sa likod ko. Nakatingin ito sa phone niya at nagsasalita mag isa,
he looks weird kaya umalis na ako. Baka snatcher or something.
“Anak, may bibilhin ka pa ba?” tanong ni papa ng makabalik
ako.
“Walang bago pa, tara na?”
“Oh sige, gabi na. Bukas na tayo pumunta kila Dennis para
makilala mo sila at yung mga anak niya.”
Umuwi na kami para makapagpahinga na ako. Hindi ako excited
sa new school ko. Aside from new adjustment nanaman eh kailangan ko mag strive
para makabalik kay Nathalie. Sabi kasi ni papa, papayagan niya ako makabalik
provided that I can get 95 and above sa lahat ng subjects ko. Gagawin ko ang
lahat para makabalik ako ng Zambales. Bago ako natulog ay tinext ko si
Nathalie, alam ko naman na hindi siya mag rereply pero gusto kong malaman niya
na babalik ako para sa kanya.
“Hi Nathalie, namimiss na kita. Nandito na ako sa Zambales,
babalik ako diyan para sa iyo. Promise ko yun!” Text ko sa kanya. Nakatingin
lang ako sa cellphone ko umaasa na makakatanggap ako ng reply pero as usual
bigo ako. Nakatulog na ako habang umaasa sa reply.
Kinaumagahan ay ginising ako ni papa para pumasok. Naiinis
naman ako dahil 6:00 am palang. Nasanay kasi ako sa dati kong school na
nalalate ng gising dahil malapit lang naman ang school ko sa bahay namin.
“Pa, ang aga pa!” reklamo ko.
“Kit, hindi ito Zambales, Manila na ito. Kailangan mong
maaga lagi gumising. Halla magbihis ka na. Alam mo na papunta sa school mo. May
pupuntahan pa kami ng driver. I need to go sa Makati para sa isang business
meeting. Mamayang gabi kila Dennis tayo magdidinner.”
“Pa, hindi mo man lang ba ako ihahatid?” tanong ko dito.
Hindi sa natatakot ako pero ako? Magjejeep? Magtataxi?
“Hindi na. Sige na, training mo na yan. Huwag ka magpapalate
sa school mo okay?”
“Opo pa.” Sumusuko kong sambit.
Nang nakaligo’t nakabihis na ako ay tinignan ko ang orasan
at natagalan nanaman ako. Matagal kasi ako gumayak. Ewan ko ba, nasanay kasi
ako sa amin na slow paced ang lahat.
“Shit, 7:00 am na!” sambit ko ng makita ko ang oras. Agad
naman akong tumakbo sa labas hanggang makadating ako sa kanto.
“Magtataxi nalang ako.” Sambit ko habang nagaabang ng taxi
na dadaan.
Lumipas ang 10 minutes at walang taxi. Narinig ko naman yung
katabi ko na nagaabang na mahirap daw kumuha ng taxi sa lugar namin. Wala naman
akong choice kung hindi ang mag jeep nalang kaysa naman malate ako. Sa wakas
may jeep na dumaan, unahan mga tao kaya nakisiksik na ako. Ganito pala sa
Manila. Nang nasa pila na ako ay napansin ko naman yung lalake sa harap ko na
nagsasalita mag isa.
“Weird” sambit ko sa sarili ko. Umusad ang pila pero hindi
pa din gumagalaw yung lalake sa harapan ko.
“Excuse, hindi ka ba sasakay?” tanong ko dito ng hindi pa
din ito gumagalaw.
“Ha?” parang wala sa sarili nitong sambit na ikinainis ko
naman.
“Kung hindi ka sasakay, mauna na ako ha?” sambit ko at agad
na nilampasan siya sa pila. Ang weird talaga niya dahil nakatingin lang siya sa
akin ng makasakay ako. Sa wakas ay umalis na yung jeep.
“Teka lang po manong! TEKA!!!” rinig kong sambit nung lalake
na hinabol pa yung jeep. Natawa naman ako sa kanya. Isinukbit ko yung headset
ko at tinitigan siya habang hinahabol yung jeep. Para naman namukhaan ko siya.
“Teka, siya yung weird sa mall kahapon!” He’s good looking
pero he’s weird!
Nang makadating ako sa school ko na bago ay para namang
nakakita ng artista yung mga bagong schoolmates ko. Hindi naman sa
pagmamayabang pero may histura naman ako, sanay na ako sa ganito. Ewan ko ba
kung bakit baliw na baliw ako kay Nathalie kung tutuusin eh madali ako
makakakuha ng babae.
“Good Morning po, tansfeeree po ako?”
“Ah, ikaw si Kristoff James?” tanong ng babae sa registrars.
“Opo”
“Good, punta ka muna sa quadrangle for flag ceremony then
ipage ko nalang name mo after okay? Naibilin ka na kasi ni Mr. Arguelles,
tumawag siya kanina”
“Sige po ma’am.”
Dumiretso na ako sa quadrangle. Maganda ang school nila,
walang sinabi ang school ko sa probinsya at halatang mayayaman ang mga nag
aaral dito. Naalala ko naman yung sinasabi ni papa na anak ng bestfriend niya.
Dito daw nag aaral eh, saan kaya siya? Sana mabait yun para may kakilala na
ako. Pumunta muna ako sa gilid para mapag isa pero sinundan ako nung mga girls
at pa girl kanina na parang pinainom ng isang basong suka sa sobrang pagkakilig
nila.
“Hi, ano pangalan mo?”
“Ang cute mo naman.”
“May girlfriend ka na ba? Pwede ako nalang?”
Yan mga tanong nila na paulit ulit kong sinasagot. Yung
ibang tanong nila ay nginingitian ko nalang para hindi naman ako masabihan ng
bastos. Bago magsimula yung flag ceremony ay nakita ko yung lalake kahapon sa
mall at kanina sa pila ng jeep. Para itong galing sa pagtakbo dahil sa itsura
niya. Lumapit naman ako dito, gusto kong magsorry. Nakita ko itong nakatingin
sa akin pero nag iwas ito ng tingin.
“Hey, I know you!” sambit ko ng makalapit ako pero nagsungit
na ito. Mukhang nabadtrip sa akin kanina sa sakayan ng jeep. Natawa naman ako
sa kanya, ang cute niyang magalit kaya inasar ko pa ito lalo.
“Ganyan ba ka hospitable ang mga students dito?” tanong ko
dito para lalo siyang asarin.
“Excuse me?” mataray niyang sambit.
“I do know you, ikaw yung naiwan ng jeep!” natatawang sambit
ko para lalo siya mainis.
“Bwisit!” bulong nito pero rinig ko iyon.
“May sinasabi ka?” tanong ko dito sa natatawa
“Wala, sabi ko kung ganyan din ang tao sa harap ko, I think
hindi na dapat maging hospitable.”
“Feisty!” sambit ko na ikinalingon niya.
“What do you need?”
“Para kasing namumukhaan kita kaya kita nilapitan. Just made
sure na ikaw nga yung tatanga tangang naiwan ng jeep kanina.” Sambit ko. Hindi
ko na siya hinintay na sumagot at umalis na ako. Alam kong sumasabog na yun sa
galit sa akin. Ang sungit naman kasi niya, BAHALA siya.
Nang matapos ang flag ceremony ay hinintay ko muna ang pag
page sa akin dahil hindi ko naman alam kung saan ang room ko.
“Paging Kristoff Arguelles, please go to the principals
office.” Rinig ko kaya nagtanong tanong ako kung saan ang principals office.
Nang makadating ako sa principals office ay iniabot na sa akin ang schedule ko
at dumating ang homeroom adviser ko.
“Welcome to Brenton High and I wish you will enjoy our
school.” Bati ng principal namin at ngumiti lang ako.
Nang makadating kami sa room ko ay inilibot ko ang paningin
ko, madami ang tila kinikilig at kita ko ang pagtango ng mga lalake na
classmate ko sa room bilang pagbati. Nakita ko naman yung lalake kanina sa
quadrangle na nakita ko sa mall kahapon at kanina sa sakayan ng jeep. Lumaki
naman ang ngiti ko dahil alam ko magiging kaibigan ko siya. Kahit masungit
siya, nafeel ko eh.
“Sorry class I am late, galing pa kasi ako ng pricipals
office eh.” Bati ng adviser namin.
“You have a new classmate, come here hijo.” Lumapit naman
ako at pumunta sa harapan.
“Good morning guys, I am Kit and I am from Zambales.”
Pagpapakilala ko sa harapan.
“Ah, hijo, give us your full name, from what school, age and
your hobbies.”
“Sorry po Miss, I am Kristoff James Arguelles, I am from
Saint Augustine School in Zambales. I am into sports, I actually I play
basketball. Kasama din ako sa banda and I am actually the vocalist.”
Pagpapakilala ko base sa format na binigay ng adviser namin. Nakita ko naman na
napalingon na yung lalake.
“Thank you hijo, take your seat beside Mr. Villaflor.”
Sambit ng homeroom adviser namin. Nakita ko na nakaturo ito sa bakanteng upuan
sa tabi nung lalake kanina. Lalo naman lumaki ang ngiti ko, ewan ko ba,
natutuwa ako na nakikita ko siya.
“What?!” Sigaw nung lalake na ikinagulat ng lahat.
“Yes Mr. Villaflor? Is there any problem?” Tanong ng adviser
namin.
“No-nothing Miss. Sorry po.” sambit nito at umupo ulit.
“Okay, Mr. Arguelles, go to your seat and class, I just need
to get something sa faculty room. Just stay here okay?” Pagpapaalam ng adviser
namin.
“Hey! Classmate pala tayo, I am Kit and what is your name?”
pakikipagusap ko sa kanya at umasa akong hindi na ito galit sa akin. Hindi
naman ito sumagot o tuningin man lang.
“Galit ka pa ba dahil kanina? Look, I am sorry sa nasabi ko
sa quadrangle. Ang sungit mo kasi, can we start over?” Pagpapakumbaba ko,
seryoso ako, I wanna befriend him.
“Whatever.”
“Ang sungit!” nasabi ko nalang.
Dumaan ang oras at hindi talaga ako nito kinakausap. Well,
kasalanan ko naman pero ang sensitive naman niya masyado. Nakinig nalang ako sa
teachers namin at nagsulat. Kailangan ko seryosohin ang studies ko para
makabalik na ako ng zambales. Matapos ang first half ay salamat lunch break na.
Kita ko naman na lumabas na lahat ng classmates ko maliban kay Mr. Sungit.
“Chelsea, asan ka?” rinig kong pagtatanong nito sa kausap sa
cellphone. Nakikinig lang ako sa kanya at ng matapos siya makipag usap ay
nakita ako nito sa likod niya.
“Yes?” sarcastic kong tanong.
“Mukhang wala ka kasabay mag recess?” nahihiya kong sambit.
“Obviously!?”
“Ang sungit mo talaga, look, wala din ako kasabay, I dunno
anyone else here except you though hindi ko alam first name mo. Pwede ba
makisabay sa iyo?”
Hindi naman ito sumagot at tinignan lang ako. Dumaan lang
ito sa harap ko at lumabas ng room. Napahiya ako doon ah.
“Kung ayaw niya eh di huwag!” naiinis kong sambit at lumabas
na ng kwarto.
Itutuloy…

Sarap basahin ang POVs. Thanks sa update.I hope you enjoyed your holiday. Take Care.
TumugonBurahinThanks for reading and leaving a comment :)
Burahingaling nag update na
TumugonBurahinbasa mode
-b-
Thanks for reading and leaving a comment :)
BurahinWoaw! Back to back to back! Thanks boss JD! :-)
TumugonBurahin969
Thanks for reading and leaving a comment :)
Burahin