Chapter 3 Kristoff James is REAL!
Disclaimer: This is my first fiction story as a writer. Any events, names, scenarios or similarities to any written works are purely coincidental. This story is for mature audience and this story may contain gay sex. If you find this offensive please do not proceed on reading. Please leave a comment, negative or positive feedbacks are well appreciated. Do not copy this story without my permission.
Authors Note: Natutuwa
naman ako sa mga nagustuhan yung plot ng story. Medyo boring tong chapter na
ito, part pa din ng character build up, sana mag leave naman kayo ng comment
diyan. Haha! Sorry din sa late update, busy lang talaga :D Enjoy reading...
“Ah, hijo, give us your full name, from what school, age and
your hobbies.”
“Sorry po Miss, I am Kristoff James Arguelles and I am from
Saint Augustine School in Zambales. I am into sports and actually I play
basketball. Kasama din ako sa banda and I am the vocalist.”
Sa pagkakataong yung ay napatangin ako at napatulala. Tama
ba lahat ng narinig ko? Napatingin naman ako kay Chelsea at nakanganga itong
napatingin sa akin.
“Totoo si Kristoff James?” bulong ko sa sarili ko habang
tinitignan yung lalake.
Ano to? Parang nakakapagtaka naman na totoo yung imaginary
guy namin ni Chelsea. I was not expecting this, oo he is cute and every detail
that we imagined him to be is exact based on his description pero isang ugali
ang wala siya, being NICE.
“Thank you hijo, take your seat beside Mr. Villaflor.”
Sambit ng homeroom adviser namin. Napatayo naman ako sa pagkabigla.
“What?!” naeskandalong sigaw ko na ikinatingin ng lahat at
ng teacher namin. Nakita ko naman na nakangisi nanaman si KJ. From now on KJ na
ang itatawag ko sa kanya.
“Yes Mr. Villaflor? Is there any problem?” Nakatingin lang
sila at naghihintay ng sagot.
“No-nothing Miss. Sorry po.” Umupo nalang ako at tumahimik. Nakakainis
takaga.
“Okay, Mr. Arguelles, go to your seat and class, I just need
to get something sa faculty room. Just stay here okay?” Narinig ko naman ang
bulungan ng mga classmate kong babae habang papalapit sa upuan si KJ sa upuan
ko. Hindi ko siya tinitignan, naiinis pa din ako.
“Hey! Classmate pala tayo, I am Kit and what is your name?”
pakikipagusap niya sa akin pero hindi ko siya nililingon. Hinugot ko ang phone
ko and kunwaring nagtetext.
“Galit ka pa ba dahil kanina? Look, I am sorry sa nasabi ko
sa quadrangle. Ang sungit mo kasi, can we start over?” Napatingin naman ako sa
kanya pero bago ako mahumaling sa kagwapuhan niya ay nagsalita na ako. Ma pride
kaya akong tao.
“Whatever.”
“Ang sungit!” sabi nito.
Hindi na ako nito kinulit hanggang makabalik na yung teacher
namin. Hindi talaga ako mapakali sa upuan ko, I feel uncomfortable to be beside
him. Napapansin din yun ng mga teachers ko because I look very distracted.
“Daryll? Are you okay?” Tanong sa akin ni Ms. Enriquez ng
tinawag niya ako pero hindi ako agad tumayo.
“Yes Miss I am okay.” Pagsisinungaling ko, kita ko naman ang
ngisi ni KJ sa akin na tila nangaasar at alam niyang siya ang dahilan ng
pagkabalisa ko.
Buti na lang at dumating na ang lunch break at kailangan ko
makalanghap ng sariwang hangin. I need to shake this off, aside kasi sa inis,
nadidistract din ako sa looks niya. Sino bang hindi? He looks like a demi God! Pagtayo
ko ay agad kong hinanap si Chelsea pero wala na siya sa upuan niya.
“Asan na yun?” pagtatanong ko habang inililibot ko ang
paningin ko. Hinugot ko yung cellphone sa bulsa ko at tinawagan siya.
“Chelsea, asan ka?” pagtatanong ko dito.
“Sorry friend, si ma’am kasi nagmamadali. Kailangan daw niya
ng assistance sa faculty. Kasama ko si Amy at Karen, may pinapagawa kasi si
ma’am.” Napabuntong hininga naman ako.
“Lunch break na ah?”
“Si Ms. Enriquez nalang daw bahala sa lunch namin eh…”
“Ganun ba? okay sige…” binababa ko na yung phone ko at tumalikod
pero nakita ko naman si KJ na nakatingin sa akin.
“Yes?” sarcastic kong tanong.
“Mukhang wala ka kasabay mag lunch?”
“Obviously!?”
“Ang sungit mo talaga, look, wala din ako kasabay, I dunno
anyone else here except you though hindi ko alam first name mo. Pwede ba
makisabay sa iyo?” nahihiya nitong turan. Ang cute niya in fairness. Pero ma
PRIDE ako! Tinignan ko lang siya at linampasan palabas ng room.
Alam ko ang harsh ng ginawa ko pero harsh din siya kanina,
bawi bawi lang yan. Pababa na ako ng building ng makita ko yung mga nambubully
sa akin sa ibang section. Nakakaasar, ito nanaman sila. Since 2nd
year ako binubully na nila ako dahil lagi daw ako nagmamagaling etc. Wala na si
Joshua na laging nagtatanggol sa akin laban sa kanila, bahala na. Tumuloy ako
sa paglalakad para makapunta sa canteen.
“Hoy mga pare, andito pala si Mr. Geek eh!” pagsigaw nang
isang lalake habang papalapit ako. I don’t really find being geek offensive,
utak ampaw lang talaga sila.
“Ops, teka lang. Nagmamadali ka naman, asan yung body guard
mo?” pagtatanong ng isa.
“May nakikita ka bang kasama ko?” sambit ko sa kanila.
“Ahhh, matapang na siya mga tol!”
“Can you move aside?” masungit kong turing.
“Nag eenglish ka pa ah. Tignan natin magagawa mo pretty
boy!”
“Hawakan niyo mga tol.” Sigaw ng isa.
“Hoy, bitiwan niyo nga ako!” sambit ko sa kanila. Ayaw kong
pumatol dahil tiyak talo ako sa dami nila.
“Wala ka pala eh, tara dalhin natin to sa likod.”
“Shit, let go of me you douche!”
“Douche’in mo yang mukha mo! Dito sa school na ito, dapat
kilala mo ang kinatatakutan mo.”
Dinala ako sa likod na bahagi ng school, walang tao dun,
aminado ako na natatakot ako sa possible nilang gawin sa akin. Hindi naman ako
lampa, I just don’t engage my self sa isang away na alam kong wala akong pag
asa manalo. Nang makadating kami sa tambayan DAW nila ay itinulak nila ako
sanhi ng pagkakabagsak ko sa lupa.
“Ay, nadumihan si pretty boy mga tol!” pagtawa nila sa
pagkabagsak ko sa lupa.
“Fuck you!” sambit ko ang pinakita ang middle finger ko.
“Sipain mo tol!” Sinipa ako ng isa at ramdam ko ang sakit ng
sipa niya sa sikmura ko. Kinapa naman ng isang kasama nila ang bulsa ko at
kinuha yung cellphone ko.
“Ayos to ah, latest model ng iphone, pwes akin na to.”
Sambit ng isa. Matagal kong pinagipunan yun, sa pagkakataong ito ay hindi ko na
napigilan ang sarili ko at lumaban ako. Ewan ko ba, kantiin niyo na ang lahat ng
gamit ko huwag lang ang IPHONE ko. Alam ko mababaw pero sa isang tulad ko na
pinaghihirapan ang ganung mga bagay ay hindi ako basta basta papatalo.
“Give that back!” Sinipa ko ang isang humahawak sa akin para
mabitawan ako at sinikmuraan ko yung may hawak ng cellphone ko. Kinuha ko yung
phone ko at binulsa ito. Kita ko ang pagkabigla nila sa ginawa ko.
“Don’t you have better things to do than to bully?” maangas
kong sambit.
“Lumalaban ka pala” tumatango tangong sambit ng leader nila.
“Oo bakit? May angal ka?!”
“Tignan natin kung kaya mo kaming lahat. Babasagin namin
yang pretty boy face mo!”
Sumugod sila at sinuntok ako, pinilit ko lumaban pero hindi
ko sila kinaya lahat. Nawalan ako ng pambalanse sanhi ng muling pagkabagsak ko
sa lupa. Sipa doon, sipa dito, namimilipit na ako sa sakit pero wala ako magawa.
“Jo-josh…” sambit ko habang pinagtutulungan ako. Si Joshua
kasi lagi ang tumutulong sa akin. I know it is unfair for me to call out for
him sa kabila ng mga pampapahiya ko pero siya ang unang naisip ko.
Nawawalan na ako ng paningin ng may makita akong sumaklolo
sa akin. Malabo na ang paningin ko kaya hindi ko maaninag kung sino siya. Naaninag
ko pa kung paano niya sinugod yung mga nambugbog sa akin.
“Okay ka lang ba?” pakikipagusap niya sa akin ng tumakbo na
yung mga nambugbog sa akin. Sa pagkakataong yun ay nawalan na ako ng
malay. Nagising nalang ako sa school
clinic.
“Hello po tito? Opo, si Chelsea po ito yung kaibigan po ni
Daryll. Tito si Daryll po kasi nasa school clinic… Opo, nabugbog po kasi siya
eh sa likod ng school po eh. Sige po tito, hintayin namin kayo dito. Salamat
po…” rinig kong sambit ni Chelsea na tila may kausap sa cellphone.
“Chelsea…” tawag ko sa kaibigan ko kahit nahihirapan akong
kumilos.
“Hoy, friend! Ano bang nangyari sa iyo?”
“Sino nagdala sa akin dito?” tanong ko habang pinipilit
umupo.
“Teka teka, huwag ka muna gumalaw…”
“Sino nagdala sa akin dito best?”
“Hindi ko alam, pinatawag nalang ako bigla sa clinic tapos
nakita ko andito ka na. Hindi naman daw kilala nung school nurse yung nagdala
sa iyo kasi umalis din daw agad. Bago lang kasi yung school nurse eh.”
“Ganoon ba?” pinipilit kong namang alalahanin yung mukha
pero talagang malabo na ang paningin ko ng sinaklolohan niya ako.
“Pahinga ka muna friend, tinawagan ko na si tito para
sunduin ka. Kailangan ko na din bumalik sa room para sa next subject natin.
Okay lang ba na iwan na muna kita dito?”
“Oo naman, I can manage. Salamat Chelsea.”
Pinilit ko matulog ulit dahil talagang kumikirot mga sugat
ko at ramdam ko pa yung sapak at sipa sa akin nung mga panget na bully kanina.
Habang nagpapaantok ay pilit ko naman inisip kung sino talaga yung nag ligtas
sa akin. Magpapasalamat ako sa kaniya at kahit ano gagawin ko to repay that
debt. Nakatulog naman ako habang hinihintay si daddy na sunduin ako.
“Okay ka lang ba?” Sambit nang lalake sa panaghinip ko.
“Sino ka ba?” pagtatanong ko sa kanya dahil malabo pa din
yung mukha niya.
“Makikilala mo din ako soon” at bigla siya tumalikod.
“Sandali!” hablot ko sa braso niya.
“Utoy…” rinig kong tawag sa akin.
“Utoy?” sambit ko sa sarili ko. Bigla naman akong dumilat at
si papa pala ang hinahawakan ko sa braso. Kita ko ang pag aalala sa mukha niya.
“Okay ka lang ba anak?” pagtatanong niya sa akin. Tumango
lang ako bilang pagsagot.
“Nurse, iuuwi ko na yung anak ko. Excused na ba siya sa classes
niya this afternoon?” pagtatanong ni daddy sa school nurse namin.
“Yes po sir, nasabihan na po ang afternoon subjects ni
Daryll. Pagpahingahin niyo na po muna siya. Wala naman po siyang bali o kahit
anong malalang sugat. Nabugbog lang po talaga yung katawan niya.”
“Salamat.” Lumingon naman si daddy sa akin.
“Kaya mo ba tumayo Daryll?” tumango naman ako.
“Halika na…” pag alalay niya hanggang makatayo ako.
“Sige po dy.”
Kinaya ko naman ang maglakad, masakit yung mga nabugbog sa
akin pero bearable naman. Naglakad na kami ni daddy papuntang parking lot.
Pinagtitinginan naman ako ng mga estudyanteng nakakasalubong namin sa hallway.
Kita ko ang pagaalala sa mga mata nila. Nakasalubong naman namin si Ms.
Enriquez sa hallway.
“Daryll, are you okay?” Gusto ko sanang sabihin na do I look
okay pero ayaw ko naman maging bastos lalo pa’t andito si daddy baka batukan
ako.
“I am okay Ma’am.”
“Hi, I am Daryll’s father. I am Dennis” pakikipagkamay ni
daddy kay Ms. Enriquez.
“I am Daryll’s Physics teacher. I am Ms. Enriequez but you
can call me Wendy.” Pagtanggap ni Ms. Enriquez sa kamay ni daddy. Napansin ko
naman na parang matagal na ang pakikipagkamay ni daddy sa teacher ko.
“Ehem!” pagubo ko. Kita ko naman na agad nagbitiw ng kamay
si daddy at Ms. Enriquez.
“Uhm, sige Wendy, alis na kami. Kailangan na magpahinga ng
anak ko.”
“Ahh, sige Dennis. Uhm-Ahh Daryll, you take a good rest.
Bibigyan nalang kita ng special quizzes pagbalik mo.” Ngumiti nalang ako dahil
parang biglang bumait siya sa akin.
“Sige Wendy.”
Nang makadating kami sa parking lot ay kinausap ko naman si
daddy.
“Dy, gusto mo ba ang teacher ko?”
“Ano bang sinasabi mong bata ka?”
“The way you look at her para mo siyang hinuhubadan.”
“Hoy, bastos kang bata ka. Huwag mo ilihis ang usapan.
Maguusap tayo diyan sa gulong pinasok mo. Pasalamat ka at hindi kita
mababatukan ngayon!” Napabuntong hininga naman ako.
“Sabi mo dy eh.”
Ng makadating kami sa bahay ni papa ay agad niya akong
kinausap. Kumpara sa dati niyang approach sa akin kapag pinapagalitan niya ako
ay iba ngayon. I dunno what made him calm talking to me pero mas gusto ko na
ito kaysa sa pagalitan niya ako.
“Bakit ka ba nakikipag away?”
“Dy, pinagtulungan ako, syempre lalaban ako nagkataon lang
kasi na madami sila.”
“Dapat umiwas ka na lang.”
“Sinubukan ko naman daddy eh pero sila kasi yung nauna.”
“Gusto mo ba ireport natin yang mga nambugbog sa iyo?
Sasamahan kita sa school niyo.”
“Huwag na dy, gulo lang kasi yan. Besides may tumulong sa
akin eh hindi ko lang nakilala.”
“Ganoon ba? Ikaw ang bahala. Basta ito ang tatandaan mo,
walang magandang naidudulot ang pakikipag away. Maliwanag ba yung utoy?”
“Opo dy…” Tila sumusukong sambit ko. Ayaw ko na makipagtalo
kay daddy.
“Paano yan, hindi ka na papasok bukas?”
“Dy, okay lang ako. Konting pahinga lang ito and papasok ako
bukas. Ayaw ko na may mamiss na subjects.”
“Ikaw bahala…” Ganyan si daddy, basta nagdesisyon kami ni
kuya basta sa tingin niya ay kaya naming panindigan ang desisyon namin ay hindi
siya tumututol.
Naguusap kami ni papa ng biglang dumating si kuya at nagulat
ito sa nakita niya. I was expecting him to laugh at me pero iba ang nangyari.
“Anong nangyari sa iyo Daryll?” nagaalala niyang tanong.
Natuwa naman ako sa concern ni kuya sa akin.
“Okay lang ako kuya napaaway lang.”
“Dapat nag iingat ka. Mag gym ka kasi gaya ko para di ka
nabubugbog.” Biro niya habang finiflex yung muscles niya.
“Tama na yan, ikaw imbis na pangaralan mo yang kapatid mo eh
tuturuan mo pa makipag away. Nagpagawa ako kay manang ng meryenda. Sakto dating
mo, kain na.”
Pagkatapos namin kumain ng meryenda ay pinaakyat na ako nila
papa para makapagpahinga. Sinilip ko naman ang phone ko at kita ko ang madaming
text and miscall ng mga classmate ko at nangangamusta. Gustuhin ko naman silang
replayan ay masakit pa din ang katawan ko kaya hinayaan ko na muna ito at
natulog na muna ako.
“Daryll, gising ka na. Pinapababa ka ng daddy mo, kain nan g
dinner at may bisita kayo.” Pagising sa akin ni manang. Gabi na pala.
“Sige po manang…”
Tumayo na ako at ramdam ko ang kirot ng katawan at pasa sa
mukha ko. Pumunta muna ako sa banyo para maghilamos at magpalit ng damit.
Nagsuot na ako ng sando at shorts, hindi man kasing maskulado ni kuya ang
katawan ko pero lean ako. Wala kang makikitaan ng taba sa akin. Bumaba na ako
para saluhan sila daddy at bisita niya.
“Sino kaya yun?” pagiisip ko habang naglalakad pababa ng
hagdan.
“Oh ito na pala yung bunso ko.” Rinig kong sambit ni papa sa
kasama niya.
“Ito na ba yung bunso mo? Maliit pa siya noon ngayon ito
poging pogi na ah.”
“Kanino pa ba magmamana?” pagmamalaki ni daddy sa kausap
niya.
“Oh Daryll, bless ka sa ninong mo. Siya yung bestfriend na
sinasabi ko na yung anak eh mag aaral sa school mo.”
“Magandang gabi ninong.”
“Maganda gabi din hijo.”
“Anong nangyari sa iyo? May pas aka oh.”
“Napaaway yan kanina.”
“Dapat hindi ka nakikipag away hijo, para kang anak ko!
Lapitin ng away.”
“Opo ninong…” nahihiya kong sambit sa kanya.
“Tawagin mo na yung anak ko hijo, nasa terrace niyo
nagpapahangin kasama ng kuya mo.”
“Sige po ninong…”
“Habang naglalakad ako ay naririnig ko naman ang kwentuhan
nila kuya. Nang makalapit ako ay literal akong napanganga.”
“Daryll? Okay ka lang ba?” tanong ni kuya sa akin dahil tila
natigilan ako sa kinatatayuan ko.
“IKAW?!” sabay naming sambit ni KJ sa isa’t isa.
“Magkakilala kayo?” palipa’t lipat na tingin ni kuya sa amin
ni KJ.
“Siya yung bwisit sa school!”
“At ikaw yung masungit?!”
“Teka teka, easy lang!” pag awat ni kuya.
“Ano nangyayari dito?” tanong ni daddy sa amin.
“Eh ito eh, magkakilala na pala sila dy. Nagkainitan ata sa
school.”
“Ano ba nangyari?” pagtatanong ni ninong.
“Siya po kasi ninong, walang modo!”
“Pa, yan kasi naknakan ng sungit!”
“Ops, teka! Hindi ako natutuwa na magkaaway kayo. Nasa
iisang school lang kayo and mag best friend kami ng ninong mo. Magbati kayo
diyan.” Pakikipagusap sa akin ni daddy.
“Tama, James, ayusin mo yan. Sila ang magbabantay sa iyo
while nandito ka sa Manila kaya ayusin mo ang pakikisama. Tandaan mo, kapag
hindi ka tumino matatagalan bago kita ibalik sa atin.”
Sabay kaming nagbuntong hininga ni KJ. Kilala ko si daddy
kapag may sinabi siya dapat namin sundin, kahit si kuya takot kay daddy.
Tinignan ko naman si KJ at kaparehas ko ay nakasimangot din ito.
“Diyan muna kayo. Mag ayos kayo pwede ba?”
“Opo dy…” sukong sambit ko.
Lumipas ang ilang minuto at nandoon pa din kami ni KJ at
walang umiimik sa amin. Aba, hindi ako ang unang papansin sa kaniya,
magmatigasan kami. Narinig ko naman ang pagkalam ng sikmura niya na ikinangiti
ko. Mukhang gutom na siya, amoy pa man din namin yung luto ni manang mula sa
terrace ng bahay namin.
“Look Daryll, I am really sorry sa nangyari this morning. I
was a douche, there I said it! Can we just start over again? Our dad’s are
bestfriends for pete’s sake.” Sa pagkakataong yun ay nangiti ako kasi alam ko
na ako ang panalo.
“What’s funny?” takang tanong nito sa akin.
“Wala, ang bilis mo kasing sumuko dahil sa gutom. FINE!
Sorry din sa pagsusungit ko, ikaw naman kasi eh.”
“I was just having a bad morning noong nagkita tayo. Siguro
naman naikwento na ng daddy mo na dinala ako dito out of my will right?”
“Yep, my dad also asked me na maging tour guide mo dito pero
something happened kanina kaya hindi kita nahanap. Kung alam ko lang na ikaw
pala yun I should’ve atleast treated you nicer.”
“Balita nga sa school yung nangyari sa iyo. Are you okay?”
“Close lang tayo? But thanks though. Okay lang ako,
napagtulungan lang ng mga bullies.”
“Nakaya mo mag isa?”
“May tumulong sa akin pero hindi ko naaninag yung mukha eh.
Alam mo laki ng pasasalamat ko dun sa taong yun dahil mukhang balak akong
patayin nung mga bwisit na yun.”
“Anong balak mo sa mga bumugbog sa iyo?”
“Ipapasadiyos ko nalang sila. Basta wag nila ako ulit
pagtutulungan dahil isusumbong ko na sila sa guidance.”
“Alam mo okay ka naman pala kapag hindi ka masungit eh.”
“At okay ka din naman pala kapag hindi ka bwisit!” Nagtawanan
naman kaming dalawa. It is as if my anger towards him melted. Parang nawala
yung barrier sa pagitan namin.
“Kristoff James Arguelles ba talaga ang pangalan mo?” lakas
loob kong tanong.
“Oo, since birth, bakit?” ngiti niya sa akin.
“Wa-wala lang..” pagsagot ko. Nakakahiya naman kung sasabihin
kong siya yung Made Up BF ko.
“Okay, sabi mo eh.” Sambit niya habang inaayos yung buhok
niya. Napansin ko naman na parang may sugat siya sa kamay niya.
“Anong nangyari diyan?”
“Ah, ano, sumabit.” Ngiti niya. Nagkibit balikat nalang ako.
“Paano? Friends na tayo ha?” pakikipagkamay niya sa akin.
Tinitigan ko lang yung kamay niya bago ko yun tinanggap.
Parang may kuryenteng dumaloy sa kamay ko ng maglapit ang kamay namin. Agad ko
naman ito hinugot para hindi niya mahalata ang panlalamig ng kamay ko dahil sa
kaba.
“Friends” ngiti ko sa kanya.
“Ayaw mo ba dito sa Manila? Okay naman dito ah?”
“Hindi naman sa ayaw ko, may gusto ako balikan doon.” Sabi
nito na nakatingin sa malayo at nagbuntong hininga siya.
“Sayang naman may GF na siya” bulong ko sa sarili ko.
“Ano yun?”
“Wala, ampanget mo magdrama!”
“HAHA! Yabang mo din eh.” Nagtawanan naman kami na para bang
magkaibigan na talaga kami.
“Mukhang okay na kayo ah? Tara na kain na tayo.” Yaya sa
amin ni daddy na ikinangiti ni KJ.
“Gutom na yan daddy. Walang choice kundi mag sorry sa akin.”
Pagbibiro ko na ikinakamot ng ulo ni KJ.
“Tama na yan, halina’t kumain na.”
Habag kumakain kami ay nagkukwentuhan naman kami sa mesa.
Ang daming kwento ni daddy at ninong sa pagkakaibigan nila nung bata pa sila. Nakakatuwa
dahil up until now they manage to stay as bestfriends.
“Alam niyo bang lagi kayong magkalaro ni Daryll nung bata pa
kayo James?”
“Talaga po?” nagtataka kong tanong.
“Oo nung mga 5 years old palang kayo lagi kasi kami
bumubisita dito kaya lang ng lumaki yung lupain namin eh madalang na kami
nakakabisita sa inyo.”
“So, childhood friends na pala kami noon palang? Does that
explains yung gaan ng loob ko sa kanya despite yung asar ko sa kanya? GULO ko,
HAHA”
Itutuloy…

love it. mdyo nakakainip nga lang ang update. hehe. sinanay mo kc kmi sa daily posting eh.
TumugonBurahinseriously, galing mo tlga. very good story-teller.
macky
Sorry naman, super busy lang talaga ahaha! Ill make sure to post as frequent as I can :) Thanks Macky :-)
BurahinThanks sa update. Take care.
TumugonBurahinY.W. Alfred. Thanks for reading :)
Burahinnext! hahahaha,,
TumugonBurahinmakapag demand e nu.. hahaha,..
--anon101
HAHA! Thanks for reading anon 101. Sana may insight! lol
BurahinHoly cow! Author the best ka talaga. Update na agad. Hahahha demanding.
TumugonBurahinTiunggo
Thank you. Chapter 4 posted :-)
Burahinlagi ko chinicheck blog mo kung may update n. thanks sa chapter 3. talagang kaabang-abang ang kwento.
TumugonBurahinm@sg
Thanks for reading m@sg :)
Burahin