Mga tagasunod

Martes, Nobyembre 18, 2014

#MyMadeUpBF Chapter 11 - The Feeling is Mutual



Chapter 11



Disclaimer: This is my first fiction story as a writer. Any events, names, scenarios or similarities to any written works are purely coincidental. This story is for mature audience and this story may contain gay sex. If you find this offensive please do not proceed on reading. Please leave a comment, negative or positive feedbacks are well appreciated. Do not copy this story without 
my permission.

Authors Note: Hi Guys, sorry super late posting ha? Medyo busy na ako, ewan ko ba expected ko December pa ako busy. Anyways, tatapusin natin to bago mag December. HAHAHA! Next posting ko back to back ulit. Ito muna, salamat sa mga nag aabang ng story. Enjoy Chapter 11 :)



Back to Daryll Villaflor’s POV

“Ano ba kinagagalit mo Kit?” naguguluhan kong sambit.

“Ano yun ha?!”

“Nag uusap lang kami ni Joshua, I told him na wala ng chance yung sa amin and I am giving him a chance na mapatawad ko siya.”

“Don’t lie to me! Bakit kayo nagyayakapan ha?!”

“Kit, teka nga! Ano ba TALAGA ang kinagagalit mo?”

“Dahil ako ang boyfriend mo hindi ba?”

“Oo, made up BF. Hindi totoo! Kunwari lang! Bakit ba sineseryoso mo ito?”

“Dahil mahal na kita at NAGSESELOS akong makita ka kasama niya!”

“Ki-Kit! Hindi ba sabi mo sa akin na may mahal kang iba na gusto mong balikan?” Gusto ko man maging masaya sa sinabi ni Kit ay naalala ko yung taong gusto niyang balikan. 

“Hindi ko alam Daryll, basta alam ko SELOS ang naramdaman ko nung nakita kita na kayakap si Joshua.” Diretsong sambit niya. Nagseselos siya? 

“Sigurado ka ba diyan Kit? Baka naguguluhan ka lang?” Siguro iisipin ng marami na pakipot ako pero gusto ko lang masigurado. Mahirap umasa at masaktan.

“Hindi ko alam!” frustrated niyang sambit. Tama nga ako, confused pa siya. Baka naguguluhan lang siya kasi ako lagi ang kasama niya. Kailangan namin mag usap at maayos ito pero tumakbo ito palayo sa akin.

“Kit!” sigaw ko rito pero hindi ako nito pinansin.

Kung siya naguguluhan lalo naman ako, parang pinapangarap ko lang na magustuhan niya ako pero ito at umamin siya pero hindi ko naman magawang tanggapin iyon. Nagsisimula na akong humakbang para sundan siya ng hawakan ni Joshua ang braso ko. 

“Daryll wait…” sambit niya pero hindi ako humarap sa kanya, kailangan kong sundan si Kit.

“Joshua not now…” sambit ko at pilit inaalis ang kamay niya sa braso ko.

“Narinig ko usapan niyo.” Napahinto naman ako sa pagpupumiglas, napaharap ako sa kanya. Narinig niya?

“Wha-what are you talking about?” pilit kong pagdedeny sa kanya.

“That you and Kit are not true lovers.”

“Ano ka ba Joshua, nagkamali ka lang ng dinig.”

“Hindi ako bingi Daryll, why can’t you just be honest with me?”

“Joshua…”

“Ganun na ba kalaki ang galit mo sa akin para kahit ano gagawin mo maalis mo lang ako sa buhay mo? Siguro nga kasalanan ko ang lahat nang ito pero can you atleast be fair with me?” malungkot na tanong niya sa akin. Napaangat naman ako ng tingin at nakita ko si Joshua na malungkot na nakatitig sa akin. Tinamaan naman ako guilt sa sinabi niya, may galit man ako sa kanya pero siguro naman wala tayong karapatan saktan ang isang tao para lang makaganti.

“Joshua, I am sorry. I was not thinking when I did that. Hindi ka kasi ganoon kadaling kausapin na talagang wala na akong nararamdaman para sa iyo. Siguro noon may konti pa but when I met Kit, parang nawala nalang bigla yung galit at konting pagmamahal ko sa iyo.”

“Pero Daryll, narinig kong wala kayong relasyon. Pwede ba maging honest ka?”

“Oo, totoo, totoong walang kami. Pero Joshua minahal ko na si Kit kahit na ayaw ko mang aminin.” Kita ko ang sakit sa mga mata niya ng sabihin ko yun. 

“Pero mahal kita Daryll.”

“Salamat sa pagmamahal pero Joshua baka hindi ako ang tao para sa iyo.” Muli kong nakita ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya, pinunasan naman niya ito at muling nagsalita. 

“Hanggat suot ko ito, hindi ako titigil sa pag asang mabibigyan tayo ulit ng pangalawang pagkakataon.” Pinakita niya muli ang kwintas na binigay ko at tumalikod na. Kita ko ang pag alis niya mula sa kinatatayuan namin, I felt guilt pero sa tingin ko ay tama naman ang aking ginawa.
Binunot ko ang cellphone ko at tinawagan si Kit pero hindi nito sinasagot ang phone niya. 
Napabuntong hininga naman ako at nagtanong tanong kung may nakakita kay Kit. 

“Nakita niyo ba si Kristoff James?” tanong ko sa mga babaeng laging nakabuntot kay Kit. 

“Ayy, hindi eh. After niya lumabas ng guidance office I never seen him na.” sambit ng isa.

“Oo nga, ako din eh.” Pagkokompirma ng isa pa niyang kasama. 

“Oh, sige salamat!” pagpapaalam ko at muli ako bumalik ng classroom baka andun na siya. Pagpasok ko ng room ay bigo naman akong makita siya kaya nilapitan ko si Chelsea na kausap ang ibang kasamahan niya sa pep squad.

“Ano Daryll? Alam mo na ba ang totoo?” sambit niya ng makalapit ako. Tumango naman ako bilang tugon.

“Naguguluhan daw siya.”

“Alam ko, yung din ang sinabi niya sa akin eh.” tugon ni Chelsea na ikinataka ko.

“Alam mo?”

“Oo, Kinausap ko siya regarding his feelings for you kasi obvious kaya siya. Ewan ko ba at bakit ikaw lang ata ang hindi nakahalata?”

“Kasi alam ko na may gusto siyang balikan. Kaya nga siya nagpapatulong sa akin para makabalik sa kanila.”

“Hindi ba pwedeng mahalin ka niya?” pagtatanong sa akin ni Chelsea.

“Posible pero parang imposibleng iwan niya yung taong mahal niya para sa akin. Tignan mo nga, he is very confused right now. Ngayon, paano ko magagawang maging masaya sa pag amin niya na siya mismo hindi niya masabing ako na lang ang mahal niya?”

“Ang dami mong salita Daryll. Hindi ba pwedeng masaya lang? Hindi ba pwedeng mahal mo siya at mahal ka niya, TAPOS!”

“Hindi, dahil mahirap masaktan. Paano kung hindi niya ako mapanindigan? Paano kung makita niya ulit yung taong sinasabi niyang mahal niya at bigla niya lang akong bitawan? Ayaw ko ng masaktan kasi I feel like CRAP kapag nangyayari yun!” Nakita ko naman na napaisip itong si Chelsea sa sinabi ko.

“Sabi nga nila, hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nasasaktan.”

“Gaga! Nasasabi mo yan dahil NBSB ka pa. Nako sinasabi ko sa iyo, pag nasaktan ka, kakainin mo din yang sinasabi mo.” 

“Eh ikaw, kaya mo bang mawala si Kit sa buhay mo?” muling pagtatanong niya na ikinaisip ko ng husto.

“Mawala agad? Pwede naman kaming friends ah?”

“Daryll, kahit anong gawin ninyo, umamin na siya sa iyo. KAHIT na sabihin mong napag usapan niyong maging friends nalang kayo, hindi na kayo babalik sa dati.”

“Anong ibig mong sabihin?”

“Every moment will be very awkward for him kapag magkasama kayo.”

“Hindi naman siguro…”

“Teka nga, ikaw matanong kita. Kaya mo bang makita si Kit na masayang kapiling ng iba?” muling pagtatanong ni Chelsea. Mukhang pinapalabas niya ang totoong nararamdamdaman ko. Siymepre HINDI ko kaya. Magseselos at magseselos ako, hindi kaya ako manhid!

“Ano, napaisip ka? Ganito yan eh. Mahal ka na ni Kit, ang gagawin mo nalang, tuluyang mawala yung taong mahal niya sa sistema niya. Madali lang yan eh, pabor sa iyo ang panahon dahil kayo ang magkasama.” Tama tong si Chelsea, break naman na si Kit dun sa taong gusto niyang balikan. 

“Alam mo, for a NBSB girl you do know a lot.” Papuri ko kay Chelsea.

“Oo naman! Ako pa ba?” nagtawanan naman kaming dalawa.

“I like to give it a try. Kung masaktan man ako atleast sinubukan ko hindi ba?”

“That’s the spirit! SUSUPORTAHAN kita diyan friend.”

“Pero hindi ko makita si Kit…” malungkot kong tugon.

“Natext mo na ba or natawagan?”

“Oo, hindi naman ako sinasagot. Pinapatayan pa ako, feeling ko talagang naguguluhan siya eh. Nag aalala na nga ako eh.”

“Wow! Nag aalala? Boyfriend ka friend?”

“Sira! Samahan mo na nga lang ako! Uwian naman na!”

“Oo na, halika na, gamitin na natin yung sasakyan ko. Andun na si manong Gerry, saan ba tayo unang pupunta?”

“Baka nasa coffee shop? Sa mall na lagi naming pinupuntahan.”

“Kaloka, bayadan mo tong gas ng sasakyan ko ha?!”

“Grabe ka talaga, ang yaman yaman mo!”

“Joke lang. Halika na!” hila niya sa akin papunta sa sasakyan niya s aparking area.

Umalis kami sa school at pumunta sa mall. Habang nasa sasakyan kami ay lagi ko pa din tinetext si Kit pero wala talaga itong reply. Nang makadating kami sa mall ay agad kaming pumunta sa coffee shop. Pumunta kami sa dulong parte kung saan kami umuupo pero bigo akong makita siya doon.

“Wala, saan pa?” tanong sa akin ni Chelsea.

“Alam ko na, yung park malapit dito.” Sambit ko sa kanya. 

“Kung saan kayo nag aminan ni Joshua?” ngiti nito na ikinairap ko naman. 

“Oo doon nga!” hinila ko siya pabalik ng car park ng may mabangga kaming, GWAPO! 

“Sorry…” pagpapaumanhin ng taong nakabangga namin. Halos mapanganga naman itong si Chelsea ng makaharap yung lalake. 

“Sorry din po…” pagpapaumanhin ko.
 
“Okay lang yun kuyang pogi! Pwede makipagkilala?” natawa naman ako sa paandar ni Chelsea. Para paraan lang eh.

“Ah, sure! Ako nga pala si…”

Kriiiiinnngggg! Tunog ng cellphone ni  kuyang pogi dahilan para hindi matuloy ang pagpapakilala niya. 

“Wait lang ha? Sorry, I just need to answer this.”

“Sure pogi!” ngiti ni Chelsea dito. Binatukan ko naman siya.

“Aray ko naman friend!” dinilaan ko naman siya na ikinairap niya. 

“Oo na nga panget, pupuntahan ko na yang pinsan mo. Akala ko naman kasi okay na siya. Saan daw ba siya?” rinig kong pakikipag usap nung cute na guys sa phone.

“Okay okay, papunta na. Love you panget!” binaba niya yung phone. May GF na si kuyang pogi. Nilingon ko naman si Chelsea at tila binagsakan naman siya ng langit at lupa. 

“Sorry about that, I am JD pala, JD Marquez!”

“Nice meeting you po. I am Daryll and this is my friend Chelsea.”

“Sige ha? Mauuna na ako, kailangan ko lang puntahan yung kaibigan ko.” Umalis naman ito bigla.

“Ano ba yan, akala ko this is it na!” pagmamaktol ni Chelsea.

“Sira, may GF na oh. Pero malay natin BF ang meron siya.” Natatawa kong sambit kay Chelsea. 

“Uyy, huwag naman sana friend. Ano to, lahat ng gwapo eh gwapo na din ang hanap? KALOKA!”
“HAHAHA! Halika na friend!”

Nagdadrive na yung driver ni Chelsea papunta ng park ng biglang magring yung phone ni Chelsea. Ano ba yan, call center ata mga taong kasalamuha ko. 

“Ma? Opo, nandito pa po ako galing po kasi ako ng mall. Okay sige po…”

“Bakit daw?” Usisa ko naman kay Chelsea ng matapos yung tawag niya.

“Pinapauwi na ako ni mommy, may family dinner daw kami sa hotel namin sa Ortigas pero samahan na muna kita sa park.”  

“Nako, hindi na. Manong itabi niyo na po. Lalakad nalang ako.”

“Ano ka ba, okay lang. Madilim na sa parte diyan oh!”

“Okay lang, kailangan ka ng mommy mo. Malayo ang Ortigas traffic pa, okay lang talaga ako.”

“Sure ka?”

“Oo, thanks!”

Bumaba na ako ng kotse ni Chelsea at nagsimula na akong maglakad. Oo nga, madilim nga sa part na ito. 7 PM na pala! Habang naglalakad naman ako ay may naaninag akong grupo na naglalakad palapit sa akin, hindi ko naman ito inintindi at dirediretso lang na naglakad.

“Teka, si Mr. Valedictorian pala to eh!” sambit nung isa. Bigla naman akong kinabahan, sila yung nambugbog sa akin sa campus. Binilisan ko naman ang lakad ko para makaiwas sa kanila.

“Oppssss! Alam mo may atraso ka pa eh!” habol nila sa akin.

“Atraso? Kayo na nga ang nambugbog, ako pa ang may atraso?”

“Maangas ka pa din ah. Hindi ka pa ba natuto?”

“Baka gusto niyong isumbong ko kayo sa school?” banta ko sa kanila.

“Kung gusto mo sana kaming isumbong ginawa mo na sana. Iniwasan namin ang resbakan ka at nung tarandatadong tumulong sa iyo dahil school premises yun. Ngayong nasa labas tayo, walang makakakita!”

“Ano ba kasalanan ko sa inyo?”

“Wala, nakakairita ka kasi. Masyado kang pa cute!” isang sapak sa pisngi ang naramdaman ko. Pinilit ko naman tumakbo pero nahawakan ako ng isa.

“Tatakbo ka pa ha? Ito ang sa iyo!” isang suntok sa sikmura ko naman ang sumunod kong naramdaman.

“Pwede ba pakawalan niyo nalang ako?” pakiusap ko sa kanila.

“Aba! Hindi, hindi ka makakaalis dito hanggang hindi ka nalulumpo!” sisipain na sana ako ng isa kaya pumikit na ako. 

“HOOOY!” rinig naming sigaw mula sa hindi kalayuan dahilan para hindi matuloy ang sipa sa akin.

“Sino ka? Huwag ka makialam dito!”

“Hindi mo ako kilala?” Nakilala ko naman yung lalaki ng makalapit ito sa amin. 

“Joshua Vasquez? Sakto, matagal na kitang gustong resbakan eh! Masyado ka pakialamero! Akala mo ba hindi ko pa nakakalimutan ang pambubugbog mo sa amin ng tropa ko?”

“Talaga? Bakit hindi mo ginawa? Huwag ka magalala, hindi ko din nakakalimutan yun.” 

“Aba’t gago ka ah! Hawakan niyo!”

“Lapit!” hamon ni Joshua sa mga ito.

Kita ko naman na nanlaban si Joshua ng magsimula na silang lumapit. Magaling makipaglaban si Joshua, black belter siya ng taekwondo kaya malaki tiwala kong kaya niya sila. Nang mapatumba niya ang apat na pumalibot sa kaniya ay tinignan naman niya yung leader nila. 

“Ano? Wala na ba?” Nanghahamon na sambit ni Joshua. 

“Mayabang ka talaga eh. Tignan ko lang!” kita ko naman na may lumapit kay Joshua at hahampasin sana ito mula sa likod pero natimbrehan ko siya. 

“Joshua, sa likoood!” 

Lumingon naman si Joshua at nasipa yung tao sa likod. Sumugod naman yung parang leader nila at naitulak si Joshua sanhi ng pagkakatumba niya. Pinaulanan naman ng suntok si Joshua kaya tumayo ako para tulungan siya. Nakita ko yung kahoy na sana ay panghahampas kay Joshua at ginamit ko iyon para hampasin yung ulo nung lalaking nakaibabaw kay Joshua. 

“Fuck! Ang sakiiitt!” sambit nung leader nila ng mahampas ko na siya sa ulo.

“That’s what you get for being a bully!” sabi ko dito at sinipa siya sa tiyan. 

“Halika na!” Hila ko kay Joshua at agad na kaming lumayo sa lugar na iyon. Nang mapagod ay huminto kami saglit at hinarap ko naman si Joshua. 

“Salamat!” sambit ko dito pero nagulat ako ng yakapin niya ako. 

“Okay ka lang ba?”

“O-oo, salamat Joshua. Ikaw pala yung tumulong sa akin nung binugbog nila ako sa likod ng campus?”

“Oo” sambit nito na tila nahihiya.

“Why didn’t you tell me? Malaki ang pasasalamat ko sa iyo dahil kung hindi ka dumating noon, hindi lang yung ang inabot ko sa kanila.”

“Wala yung Daryll, sabi ko naman sa iyo dati di ba? Poprotektahan kita?” Natouch naman ako sa sinabi ni Joshua kaya wala sa sarili ko siyang niyakap bilang pasasalamat. 

“Thank you Joshua for being always there. Bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad?”

“I don’t want you to think na ginawa ko yun para makuha ka ulit.”

“Hindi ko naman iisipin yun Joshua.”

“Masaya na akong makita kang ligtas ka.”

“Paano mo pala nalaman na nandito ako?”

“Sinusundan kita mula kanina?” nahihiya niyang turan.

“Bakit naman?”

“I want to see if you’re okay. Matagal na kitang sinusundan kapag uwian. Natigil lang nung lagi mo ng kasama si Kit dahil alam kong magiging ligtas ka.”

“Ikaw talaga Joshua, pero seriously SALAMAT. Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo gagawin ko!”

“Talaga?”

“Oo, kahit ano!”

“Talagang talaga?”

“Oo nga!”

“Maging tayo ulit?” ngiti nito kaya binatukan ko naman siya. 

“Loko ka Joshua ah!” natawa naman kaming dalawa sa ganap sa amin. Parang tuluyang nawala lahat ng galit ko sa kanya. Sa lahat ng nalaman ko na gusto pa din niya na ligtas ako lagi kahit na pinapahiya ko siya? 

“Joke lang Daryll, alam ko namang mahal mo na si Kit. Sana we can be friends again?”

“Friends?” pag uulit ko.

“With benefits?” biro niya sanhi ng pagkakatulak ko sa kaniya. 

“Aray!” sambit niya, natamaan ko ata yung nasipa sa kaniya kanina. 

“Halla sorry, ikaw naman kasi!” tawa ko dito. 

“Parang hindi mo naman ako kilala, siyempre JOKE lang. Sana mapatawad mo na ako at maging friends na tayo ulit. No worries, without benefits kahit na gusto mo!” ngiti niya. 

“ASA ka! Alam mo Joshua, nung nalaman ko lahat ng ginagawa mo para sa akin, nawala lahat ng galit ko sa iyo. Gusto ko lang ngayon maging okay na tayo para everybody happy?”

“Talaga?”

“Oo, I forgive you Joshua. Friends!” Ngiti ko dito.

“THANK YOUUUU!” sambit nito na ikinangiti ko na din. Sarap talaga sa feeling na nakakapagpatawaran na. Yung wala ng galit sa puso mo.

“Wala yun, uwi ka na. Tignan mo o may sugat ka pa. I will be fine.”

“Samahan na kita, baka resbakan ka ng mga yun.”

“Hindi na Joshua, okay na nga ako!”

“I insist.”

“Bahala ka, sa park ako pupunta. Hinahanap ko si Kit.”

“Sa park? Kung saan?” nagtataka niyang tanong.

“Oo yung park na yun!” pagkokompirma ko.

“Tara na, let’s get your prince!”

“Salamat Joshua!”

Naglakad na kami papunta sa park at kita kong kaunti lang ang tao. Nilibot ko ang paningin ko pero hindi ko makita si Kit. Binunot ko naman yung phone ko at tinawagan siya pero hindi pa din niya sinagot ang tawag ko. Ang arte ng lalaking to!

“Wala ata siya dito Daryll?” sambit ni Joshua habang inililibot ang paningin niya. 

“Wait lang Joshua, may isang part pa tayo na hindi napuntahan.” 

“Saan naman?”

“Sa likod na parte!”

“Okay, tara!” 

Pumunta naman kami sa likod na bahagi ng park na konti lang ang umuupo. Habang naglalakad kami ay hindi ko pa din tinitigilan si Kit sa pagtawag ko. Nang marating namin ang part ng park na iyon ay tama ang hinala ko. Kita ko si Kit na patayo na mula sa pagkakaupo niya. 

“Ayun siya Joshua!” masayang sambit ko. Maglalakad na sana ako palapit kay Kit ng pigilan ako ni Joshua.

“Wait lang Daryll, kung saan ka masaya, masaya na din ako. Hindi na ako manggugulo maging masaya ka lang.”

“Salamat Joshua!”

“Go get your happiness!” ngiti sa akin ni Joshua. Tumakbo naman ako para lapitan si Kit. 

“Kit!” Pagsigaw ko pero hindi ito agad lumingon.

“Teka nga!” Nang mahabol ko siya ay hila ko siya paharap sa akin.

“Daryll…” sambit niya na nakatingin sa akin. 

“Bakit ka ba nagtatago sa akin? Hindi mo pa sinasagot mga tawag ko?”

“Sorry Daryll, I just need to think. Naguguluhan lang ako.”

“Kit, alam mo namang mas magandang pinaguusapan kesa tumatakbo ka sa problema right?”

“Alam ko naman yun Daryll, ang sa akin lang naguguluhan ako, ayaw ko makasakit ng damdamin pag nagkataon. Oo mahal na kita pero ewan ko ba, hindi maalis sa akin ang mag alala paano kung hindi mo din ako mahal tapos...” pagsasalita niya pero hindi ko siya pinatapos.

“Mahal din kita Kit!” Kita ko naman ang pagkabigla sa mga mata niya.

“Anong sabi mo?” sambit niya. 

“Muwah!” paghalik ko sa kanya. Tuluyan ko ng kinalimutan ang taong sinasabi niyang mahal niya at sinunod ang payo ni Chelsea. BAHALA na.

“May tatanungin ka pa?”

“Sigurado ka?” muli kong inilapat ang labi ko sa labi niya.

“Gusto mo lang ata mahalikan eh?”

“Hi-hindi, masaya akong malaman na mahal mo din ako Daryll!” niyakap ako nito ng mahigpit.

“Hindi ako makahinga Kit!”

“Sorry! Masaya lang ako. Pero Daryll, hindi ko pa masabi kung wala na ba si Nathalie sa puso ko.”

“Shh! Ang importante ay mahal mo ako at mahal kita Kit. Doon lang tayo mag focus.”

“Paano kung…” hindi ko naman siya pinatapos sa sasabihin niya.

“Huwag natin isipin ang IF’s na pwedeng nangyari at mangyari. Pipilitin kong masakop ang puso mo na ako lang ang mamahalin mo kasi mahal kita Kit. We’ll make this work.”

“I love you too Daryll” niyakap niya ako muli. Ang sarap talaga sa pakiramdam na magmahal. 

“Tara na? Gabi na, lagot nanaman ako kay daddy, ikaw kasi hirap mo hanapin!”

“Ako pa sisihin nito. Teka, anong nangyari sayo?” haplos niya sa sugat ko sa pisngi.

“Wala, yung nambugbog sa akin sa school nakasalubong ko.”

“Ha? Buti kinaya mo sila.” Nag aalala nitong sambit.

“Hindi, may tumulong sa akin. Si Joshua, teka kasama ko siya eh!”

“Ha? Kasama mo si Joshua?”

“Oh, huwag ka na mag selos. Tanggap na niya, hindi na daw siya manggugulo. Tinulungan niya nga akong hanapin ka.”

“Hmmmm” tila nagseselos niyang sambit.

“Adik ka, kung wala siya baka bangkay na ako!” biro ko sa kanya. 

“Asan ba siya?” tanong niya sa akin kaya nilingon lingon ko ulit ang paligid.

“Andito yun eh, iniwan ko siya nung nakita kita.” 

Sa aking paglingon ay nakita ko si Joshua na naglalakad palayo. Hindi ko na siya hinabol, alam kong alam niya na ligtas na ako dahil kasama ko na si Kit. 

“Salamat Joshua…” bulong ko, alam kong hindi niya ako narinig pero gusto ko lang sabihin iyon.

“Wala naman eh. Halika na?”

“Tara, uwi na tayo Kit.”

“Sa apartment muna tayo!” ngisi niya sa akin.

“Ha? Baka hanapin na ako ni daddy.”

“Text mo nalang siya, ako naman kasama mo.”

“Sa bahay na tayo, wala ka naman pagkain sa apartment mo, doon ka na kumain sa bahay.”

“Ako ang kakainin mo at ikaw ang kakainin ko!”
 
“Bastos mo Kit!” batok ko sa kanya pero hinila niya kamay ko. 

“Basta, sa apartment tayo.” Halla, may mangyayari na ba? VIRGIN pa akoooo!

Itutuloy…







10 komento:

  1. forgive and forget...
    moving-on...
    falling-in-love and feeling the love back...
    haaay, feel-good na mga eksena.

    thanks jd!!

    macky

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hindi ba masarap naman talaga ang pagpapatawad para everybody happy? hehehe!

      Thanks Macky for always reading :)

      Burahin
  2. nice one author..

    waiting for back to back.. hehehe..
    anu kaya mangyayari kay nathalie at kit since break na sila ng bf ni nathalie?
    pupunta din kaya ng manila si nathanlie para hanapin si kit at makipag balikan?
    hhhhmmm...

    pero my naaamoy aq.. hahaha..
    feeling q ung father ni kit at ni daryl e mag jowa dati..hahahaha..

    teka author, asan ung pasalubong naming mga commentors mo? hahahaha..

    --anon101

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Abangan mo ang mga susunod na chapters how Nathalie affects our bidas! ahaha

      Grabe ka naman, walang ganun sa papa ni Kit at daddy ni Daryll. hahaha

      Back to back to back nga ang pinasalubong ko sa inyo eh. ahahah

      Burahin
  3. Naku, makatikim na si Daryl ng mini-mini. Hahaha. Sarap naman pag young love.....Thanks sa update. Take care.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. HAHAHA! Kung makakatikim nga. Pa V yan si Daryll eh. ahaha

      Thanks Alfred :)

      Burahin
  4. thank you sa update author
    di mo talaga ako binigo na pakiligin sa kwentong to
    keep it up
    -b-

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Nahihirapan na nga ako mag isip ng scenes eh. ahahah

      Thanks -b- for reading and leaving a comment :)

      Burahin
  5. hahaha.. malay ko ba kung my nakaraan din ung parents nila? hahaha..

    --anon101

    TumugonBurahin