Mga tagasunod

Biyernes, Setyembre 26, 2014

For What It's Worth 1

Chapter 1




Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

“Asan na ba ako?San ba itong D-103? Sh*t!”

Late nanaman ako, ano ba yan! College na ako pero di ko pa din matanggal ang habit ko sa pagiging late. By the way,  ako nga pala si JD. Freshmen sa isang kilalang school dito sa Baguio. I am actually from Manila pero dahil sa kalokohan ko nung high school ipinatapon ako ng parents ko dito sa Baguio. Ewan ko ba, wala naman kami kamag anak dito and how sure are they na hindi ako magloloko?

Sa kalgitnaan ng pagmumuni muni ko…

Bugsh! “Sorry, di ko sinasadya” sabi ko sa taong nabunggo ko.

“bakit kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo! Look at what you did to my shirt? Tsk!” sabi ni kuyang sungit.

“I am really sorry, late na kasi ako. Babawi ako kung magkita tayo ulit. Sorry talaga” ang pagmamadali kong sabi sa kanya. I know its rude pero what can I do? Late na ako!

15 minutes na akong late. I just hope na hindi sana masungit yung professor ko.  By the way I took up BS HRRM. Bakit? Hindi ko din alam. All I know is when I took the entrance exam, this course caught my attention. Ang haba kasi! It is actually BSHTM HRRM. Oh diba? Ang haba, sino di macucurious niyan?

“Yes?” rinig ko ng makapasok ako sa loob ng room.

“I am JD Marquez, I belong to this class. Sorry I am late ma’am.” Nasabi ko nalang na kinabahan.

“That’s okay Mr. Marquez. Since first day palang naman pagbibigyan kita.” Swerte! Mabait yung teacher ko!

“Thank you ma’am!” Very thankful kong sagot while flashing my killer smile. (Kapal lang haha)

“Since tapos na magpakilala lahat ng classmates mo, I want you to introduce yourself to us. Include your name, age, from what province and why’d you took your course”

Ito nanaman po kami sa walang kamatayang introduction. Honestly, I really hate introductions! Pero what can I do? *sigh*

“Hi guys, my name is JD Marquez, I am 16 and I am from Makati City. Honestly, I don’t have a reason why I took our course. Nacurious lang po ako….” Sabay kamot sa aking ulo ans showing off my innocent smile.

Marami ang natawa at madaming mga boys sa harap ang nakipag appear sa akin. Sa kalagitnaan ng pagtawa ng lahat this guy caught my attention. Nakasimangot siya sa akin. Sayang ang cute pa man din niya pero parang di siya natutuwa na makita ako.

“Okay, that’s enough class! Mr. Marquez, you may take a seat beside Mr. Antonio. Class, please write your name on a ¼ sheet of paper and give it to me”

Habang naglalakad ako, nakita  ko yung nakasimangot na nakatitig sa akin. Sino ba siya? Hanggang naalala ko yung mukhang yun! HOLY! Siya ung nabangga ko kanina. Ang liit nga naman ng mundo. Haiiii andun pa din yung mantsa ng juice sa white V neck shirt niya. Kaya naman pala halos patayin niya ako sa tingin. Yumuko nalang ako going to my seat.

“Hi! I am Chris! Chris Antonio” Nagulat naman ako sa aking katabi na biglang nagsalita.

“JD, nice meeting you”  Ang nasabi ko naman on a friendly tone.

May hitsura tong si Chris, kamukha nga niya si Sam Concepcion na may halong Dominque Roque! Yun nga lang, ubod ng daldal. Ikinatuwa ko nalang since wala naman ako kakilala sa room and matagal na din akong walang nagiging ka close na guy. Since kasi nalaman nung high school friends ko na Bisexual ako, iniwasan na nila ako. Kasi, Bisexual nga ako! Hai, who am I kidding. Kapag nalaman din nitong si Chris na hindi ako straight malamang iiwasan din ako nito. Hindi naman kasi ako halatang Bi. I still act and talk like a guy yun nga lang naattract ako sa same sex.

“Ui JD! Hindi ka naman nakikinig! Akin na papel mo, ako na magbibigay kay ma’am!”

“Sorry, No need chris, ako na. Thanks  though” Pag agaw ko sa ¼ na may pangalan ko.

“I insist” makulit na turan nito.

Sa pagaagawan namin ng papel, nahawakan ko ang kamay niya and walang ano ano ay napatingin ako sa mga mata niya. WOW, ang ganda ng mata niya, para ako nahypnotise. Nagkatinginan kami ni Chris ng mga 30 seconds ng may umubo sa likuran namin. Doon lang nagbalik ang aking pagiisip at binitawan ko siya. I can’t look at him. I’m so stupid, buko na ako!

“Sige na nga. Ikaw na mag abot kay ma’am” Sagot ko ng nakayuko at nahihiya.

“Sabi naman sayo” Napatingin ako sa kanya at namumula din siya.

Can it be? Ayan nanaman ako sa pagkassuming ko. Kaya ako nabuko nung high school. Erase JD, erase! Straight yang si Chris. Tignan mo nga ang guwapo? Pero bakit ako? Guwapo din naman ako pero Bi ako? (sabi ng makapal kong pag iisip) Nako ewan.

Sa gitna nang aking pag iisip, may naramdaman akong tumabig sa likod ko.  Napatingin ako sa kanya at andun pa din yung galit sa mata niya. I felt uneasy, para niya akong papatayin.

“Okay look, I am really sorry diyan sa damit mo. Hindi ko talaga sinasadya. I was serious dun sa babawi ako pag nagkita tayo.  Sorry?” Iniabot ko yung kamay ko for a hand shake pero tinignan lang niya ito and pumunta sa harapan.

“Ang sungit, kung ayaw niya eh di wag!” Nakakawalang mood, he’s more stubborn than me!

“Oh, nakasimangot tayo pards?” Ang sabi ni Chris na bigla nalang sumulpot sa likod ko.

“Seriously? Kabute ka ba? Bigla bigla kang sumusulpot!”

“haha ayos ba? Bakit ka nga nakasimangot?” puno ng pangungulit niyang pagtatanong.


“Wala Chris, gutom lang ako.”

“Hindi ka nagsasabi, oh” Sabay abot niya ng cream o.

“Thanks” Nasabi ko nalang.

Lumipas ang first half and lunch na. Andaming tao sa canteen. Nagpunta ako sa labas ng campus and I saw a restaurant. Konti lang tao, pumasok ako and nag order. Susubo na sana ako ng pagkain ng makita ko nanaman si Mr. Sungit, ang talas pa din ng tingin. May kasama siyang 3 na guys sa table niya pero siya lang yung bukod tanging nakatingin sa akin parang papatayin ako. Tumalikod ako sa direction nila para di ko siya makita. Patapos na akong kumain ng magring ang phone ko. It’s PJ. Call ended! Ayaw ko siya makausap, after he cheated on me he have the nerves to call me?  Bitter na kung bitter, pero nakakainis. Naalala ko nanaman pangloloko niya.

1 message received. “JD, its me PJ. Please talk to me. I miss you!”

Message deleted. 

Nagulat nalang ako ng may umupo sa tabi ko. Sa gulat ko halos malaglag ako sa upuan ko.

“You look stupid” sabi ni Mr. Sungit. For the first time, I saw him smile at hindi lang smile, tumatawa siya! Mas lalo siya pumogi sa paningin ko pero dahil sa ginawa niyang pagsusungit sa akin kanina  nawala yung admiration ko sa gwapong mukha niya.

“Excuse me? Ano ba kailangan mo?” I composed myself and faced him.

“Aba, ikaw pa tong masungit. In case you forgot Mr… Stupid may kasalanan ka pa sa akin” Sabi niya while smirking at me.

“The nerve! Hoy! I already said sorry and you just ignored me kanina and now andito ka sa harap ko smiling like a lunatic? Yung totoo, are you bipolar?”

“Whatever! Im Mike Samonte, your JD right?” Preskong pagpapakilala niya.

“How’d you know my name?” Pagtataka kong tanong.

“ikaw yung last na nagpakilala di ba? Seriously? Pinaninindigan mo yung Mr. Stupid na tawag ko sayo?”

Bwisit na to! Assuming nanaman kasi ako. “Well Mr. Samonte, AALIS na ako! Tabi!”

Sa aking pagalis sa restaurant na yon ay bigla siyang sumigaw ng “MAY UTANG KA PA SA AKIN”

“WHATEVER!”  Ang sigaw ko nalang habang paalis sa restaurant na iyon.

Pumasok na ako sa campus, I still have 25 minutes. I decided na umupo at tumambay sa giant steps (malamang some of you know the school na). Ang lamig ng paligid at andaming taong naglalakad. I miss my friends nung high school. *sigh*

Sa aking pagiisip, may umakbay sa akin at sa gulat ko napatayo ako.

“Siguro mahilig ka sa coffe? Magugulatin ka naman kasi!”

“You again? Seriously Mr. Samonte ano ba kailangan mo?”

“Yung utang mo! Ano ka ba JD, hindi ba may kasalanan ka pa sa akin?”

Kung ano ang kinagwapo nito, kinasama naman ng ugali! Argh “Then? What do you want me to do? Sabihin mo nang matapos na to!”

“Okay fine, be my date…” Sa gulat ko nalaglag ko yung bag pack ko. Siguro nga tama siya, I need to stop drinking coffee!

…. Dito magsisimula ang masaya, nakakakilig, malungkot at masakit na relationship ko nung college!

Itutuloy…






11 komento:

  1. Hey JD! Nice start! keep up the good work! ;-)

    I'll be promoting your blog na ha? :-)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. OMG! Is this real? Waaaa! I am really a fan of yours sir Migs. I've been reading your blog since 2012 and I admired you since the day I read your first story. Thank you kuya sa comment, naappreciate ko po.

      P.S. Kelan po yung next chapter ng AAO3? Nakakabitin po kasi. hehe.

      Burahin
  2. nice, another story to watch out for!

    - arthas

    TumugonBurahin
  3. Nice start... na caught attention ko.

    783

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Thank you. Sana po basahin niyo until the end of the chapter. Tapos na to actually :)

      Burahin
  4. is this a true to life story??..

    --anonymus 101

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. no need to answer.. i already saw your post.. hahaha..

      --anonymus 101

      Burahin
    2. Thanks for the comment. ahaha

      MOST of the scenes are true story pero may mga iniba at dinagdag lang ako specially sa ending ng book 1, hehe

      Burahin
  5. hey mr. jd... napansin ko po kasi ang blog mo po. then i got curious... as i was saying.............YOU HAVE ANOTHER FAN!!!! haha.... keep up the good work... sana lang po di ka kagaya ng ibang authors na iniiwan ang storya sa kalagitnaan,... but anyway.... YOU GOT ME!!!! im supporting you now.... sinusubaybayan ko pa po ito For what's it worth... kaya... (CIAO!) for now (WINK!:))

    TumugonBurahin
  6. Woaw thank you. Tapos naman na ito eh, nasa 3rd story na ako. hehehe :D

    TumugonBurahin