Mga tagasunod

Martes, Setyembre 30, 2014

For What It's Worth 6

Chapter 6





Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

P.S. Nakakatuwa po na may mga nagbabasa sa stories ko. Pero sana po mag comment naman kayo diyan :) Enjoy chapter 6...

“JD, may naghahanap sayo. Lalake, andun sa may gate. Pinapasok ko na. Ano na ba pangalan nun, basta andun, puntahan mo na.”

“Ayy sige po aling becky, una na po ako” Pagpaalam ko sa landlady ko. Nagulat naman ako kung sino ang nasa gate…

“Mike?”

“Ahhh, hi JD?” Nahihiya niyang pagkausap sa akin.

“Hi? Oh sh*t putok labi mo. Bakit di mo muna nilinisan yan?” Pagaalala ko sa kanya, ako naman kasi dahilan niyan, yung inis ko sa kanya natunaw nung nakita ko siyang nakipagsapakan para lang iligtas ako sa manyak na yun. Umiling lang siya at akmang tatayo na.

“Alis na ako JD. Chineck ko lang kung safe ka na nakauwi.” Pagpaalam niya.

“Ako pa talaga inaalala mo? No, halika pasok ka muna sa apartment ko. Ako maglilinis niyang sugat sa labi mo.

Kahit nahihilo ako at medyo masakit pa sikmura ko ay di ko yun pinahalata kay Mike. Kumuha ako ng first aid kit sa landlady ko para magamot ko ang sugat ni Mike. Kahit yun man lang ang magawa ko para sa kanya.

“Ahhh, Mike? Salamat kanina ah? Siguro kung di ko dumating baka may nangyari na sa akin.” Pagpapaslaamat ko kay Mike.

“Wala yun JD. Napansin ko kasi kayo nung nasa dance floor na kayo eh pumipiglas ka pero iniipit ka niya. Nung sinuntok ka niya dun na ako lumapit.

“Salamat talaga ah?” Paguulit ko.

“Wala yun, sino ba kasi yun? Grabe naman kasi kayo magdikit sa dance floor. Akala ko nun una kaibigan mo.” Pagtatanong niya. Nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba pero naunahan ako ng takot.

“Hindi ko alam. Huwag na nating pagusapan Mike. Gusto mo ba ng coffee? Teka paano mo nalaman kung taga saan ako?”  paguusisa ko sa kanya habang nililigpit ko yung first aid kit.

“Hindi na JD.  Eh, kinausap ko kasi yung kaibigan ko na SA sa registrars. Pinahanap ko record mo. Actually medyo matagal ko na na alam kung san ka nakatira.” Pag amin niya. “Salamat sa paggamot mo sa sugat ko ah?”

“It’s the least I can do Mike. Pero bakit mo inalam kung san ako nakatira?”

“Wala lang, dapat kasi kakaibiganin na kita after nung nangyari sa atin pero mailap ka na sa akin eh”

“Ah? Ewan ko kasi sayo. Bipolar ka ba?” Pagtawa ko sa kanya.

“Hindi ah! Ahhh JD, can we be friends now?” Pagtatanong niya.

“Oo naman Mike, after you saved my ass kanina? Friends.” Pakikipagkamay ko sa kanya

“Yes! Friends! Oh sige tol, una na ako ah?” Pagpapaalam niya

“Oh siya, ingat ka” Akmang lalabas na siya ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Seriously? What is the meaning of this? Napabuntong hininga naman ako.

“Mike, just stay here for the night. Uwi ka nalang bukas ng umaga” Pagaalok ko sa kanya.

“Okay lang ba? Nakakahiya naman”

“Huwag ka na maarte. I have extra foam naman. Sa lapag ka nalang humiga”

“Salamat”

Sinimulan ko ng ayusin ang higaan ni Mike. Pinahiram ko muna siya ng shorts at shirt para kumportable siya sa pagtulog. Nauna pa nakatulog sa akin si Mike. Naririnig ko yung hilik niya kaya napatingin naman ako kung sa siya nakahiga. Ang guwapo niya talaga, yung makinis niyang mukha at yung labi niyang mapula na ang sarap halikan. Whaat? ERASE JD, ERASE! NO!!!

“Ano ba yan, makapag gatas nga.” Dumiretso ako sa ref ko at kumuha ng fresh milk. Halos buong gabi ako di nakatulog dahil kay Mike. Kapag pumipikit ako may rated SPG na pumapasok sa isip ko towards Mike. Hayy. Bakit nung niligtas niya ako, nawala lahat ng inis ko kanya at napalitan ng paghanga? P-a-g-h-a-n-g-a? Crush? Crush ko sa Mike? Napabuntong hininga ako sa realization ko. Nasa ganun akong pag iisip ng tumunog ang alarm ng phone ni Mike. Bumangon siya at nagkuskos ng Mata. Grabe ang gwapo niya, kahit tayo-tayo yung buhok niya at may bakas pa ng laway sa pisngi niya eh ang gwapo pa din niya. Hindi ko namalayang natulala pala ako sa kanya.

“Ui, JD!” panggulat sa akin ni Mike

“Cute” wala sa sarili kong nasabi.

“Huh?” Nagtatakang tanong ni Mike.

“Ah, Ano, Kwan, Good Morning! Nako, ahh, kape? Ay hindi tinapay? Huh?” Kahit ako naguluhan din ako sa pinagsasabi ko.

“Hahaha ang kwela mo! Sabi ko mauuna na ako kasi may dadaanan pa ako. Natulog ka ba? Ang lalim ng eyebags mo oh!” Paglapit niya at paghawak sa mata ko. Para naman akong mahihimatay sa kilig. Pulang pula na ang mukha ko. Ang bango ng hininga niya, bakit ganun? Di ba siya nababad breath?

“Huh? Hindi no! kagigising ko din. Oh sige, yung damit mo sinabit ko sa may veranda kunin mo na lang. Gusto mo ba mag almusal muna?” Taranta kong tanong.

“Okay ka lang ba talaga? Ang weird mo hehe! Hindi na. Sige bihis lang ako”

Nakahinga naman ako maluwag ng tumayo na siya. Napabuntong hininga na lang ako. Attracted talaga ako sa kanya. Akala ko ay hindi na dadagundong ang puso ko but wait, mali ako. Lumabas si Mike ng naka boxers lang at inabot niya yung pinahiram kong damit. Kung kanina hindi ako makahinga ngayin feeling ko ma stroke na ako.

“JD oh, salamat dito ah?” Nakangiti niyang sagot. Natulala ako sa kanyang katawan. Di naman siya maskulado pero slim at kahinaan ko yung flat na tiyan. Lalong namula ang mukha ko nung makita ko yung harapan niya, napalunok ako at umiwas ng tingin.

“Magbihis ka na nga. Dun ka sa CR!” Sabi ko sa kanya nmg di makatingin.

“Arte mo naman, same lang naman tayo na lalake JD. Dito nalang ako magbibihis.”

“Bahala ka, bibili lang ako ng kanin” Taranta kong sagot.

“Huh?” Naguguluhan niyang tanong?

“Kakanin, oo kakanin! Okay Bye.” Pagpapalusot ko sa kanya.

Paglabas ko ng pinto ay dun lang ako nakahinga ng maluwag.

“Diyos ko ano ba to” Pakikipagusap ko sa sarili ko. Pumunta muna ako sa tindahan at bumili. Pagbalik ko ay nakabihis na siya. Nagpaalam naman siya na aalis na siya.

“Alis na ako JD. Masaya ako na naging friends na tayo tol”

Makikipagkamay sana ako pero nagulat ako ng niyakap niya ako. Yung yakap ng mga brusko? Shet, ang bango niya. Hayyy. Bumalik nalang ako sa katinuan at nag paalam sa kanya.

“See you on Monday JD, sana di mo na ako iwasan huh?”

“Sige, bye Mike” ngit ko sa kanya habang papalayo siya sa akin.

Kinikilig talaga ako kay Mike! Bakit ganun? Wala sa sarili kong kinuha yung t shirt na sinuot niya. Nakakadiri man sa iba pero inamoy ko ito. Ang bango ng pawis. Oh aminin niyo may iba sa inyo gagawin din ang ginawa ko kung talagang crush/type niyo ang isang tao. Nasa ganun akong eksena ng may nagtext sa akin. Dalawang magkasunod.

2 message received.  1 message from PJ and 1 message from secret.

Message from PJ deleted. Wala ako gana basahin ang mga kasinungalingan ni PJ.

Massage from secret open. Si secret yung nag tetext sa akin. Hanggang ngayon di ko din siya kilala pero nakikipagpalitan naman ako ng message sa kanya once in a while.

“Good Morning JD. Musta ka na?”

“Okay naman ako. Sasabihin mo na ba kung sino ka?”

“Nope, mukhang masaya ka ah?”

“Ah oo. J

“Bakit naman?”

“Secret!”

“Haha gaya gaya ka!”

Di na ako nag reply, lagi ganyan usapan naming, minsan nagtatanong siya ng mga bagay bagay sa akin at sinasagot ko naman pag trip ko. Nagpasyang matutulog nalang ulit ako. Since wala na si Mike ay mahimbing na akong makakapagpahinga. Hindi ko namalayan ay nakatulog na ako.
_________________________________________________________________________

Flashback/Dream

“Masaya ka ba?” Tanong ni PJ habang naglalakad kami sa Ayala Triangle Gardens. Kakatapos lang naming mag lunch. Monthsary kasi naming and I’ve never been so happy.

“Oo naman PJ. Thank you” Pagpapasalamat ko sa kanya. Kahit gusto ko na siyang mayakap at mahalikan ay di ko magawa, baka kasi may makakita sa akin na kakilala ni papa.

“Im Glad! Gusto mo bang mag sine muna?” Malambing na tanong niya.

“Sige, tignan na lang natin kung anong magandang showing.”

Habang nakapila ako sa bilihan ng pop corn sa glorietta cinema ay nakita ko si PJ na nakikipagharutan sa isang babae habang nakapila sa bilihan ng ticket. Mahal ko si PJ pero madalas ay napapansin ko ang pagiging flirt niya. Parehas kaming bago sa same sex relationship pero ako pinilit kong maging faithful sa kanya. Madami ako naririnig pero nagbibingibingihan lang ako palagi. Mahal ko si PJ, kaya kong magtanga tangahan kasi nga mahal ko siya. Sinasabihan na ako ng mga kaibigan ko pero di ko sila pinapakinggan.

“Sino yun?” Tanong ko nang makalapit ako sa kanya.

“Wala yun, tara na?” Ngiti niyang anyaya sa akin. Hinayaan ko na lang siya at pumasok na kami sa loob ng sinehan. Lumipas pa ang ilang mga buwan at masaya naman kami. Kahit may hinala akong niloloko niya ako eh hinahayaan ko lang. Hanggat di nanggagaling sa kanya eh hindi ko siya bibitawan.

Hanggang sa dumating yung araw na narinig ko lahat ng mga kasinungalingan at panloloko niya sa akin. Masakit makarinig ng mga haka haka sa ibang tao pero mas masakit marinig yun sa taong mahal mo. Siguro nga may hangganan din ang pagiging tanga…
_____________________________________________________________________________

Nagising ako ng umiiyak. Bakit? Hanggang naalala ko yung panaghinip ko. Bakit? Bakit di ko pa din makalimutan yung sakit? Bakit umiiyak pa din ako? I thought I moved on? Pero bakit bumabalik balik pa din yung sakit na to? Bumangon na ako at naligo. I need to divert this feeling.
Lumipas ang mga linggo na naging okay naman relationship naming ni Mike as friends. Parang habang tumatagal eh lalo ako nagkakagusto sa kanya. Naging maalaga at maalalahanin na kasi si Mike simula nung naging magkaibigan kami. Si Chris naman, inis pa din kay Mike, naikwento ko naman sa kanya kung paano kami naging magkaibigan ni Mike. Wala namang magawa si Chris dahil di naman DAW niya hawak ang magiging kaibigan ko pero tuwing kasama ko si Mike ay umiiwas si Chris, naiinis pa din daw siya dito. Hinayaan ko nalang siya. Naging busy na din kasi ako sa school and syempre sa org ko na RPG. Nagkakaroon na kasi kami ng shows since naiinvite kami sa ilang school fairs and activities. Gusto ko naman yun kasi nadidivert di lang yung feelings ko para kay Mike kundi nadidivert din yung heartache na binigay ni PJ sa akin.

“Guys, we need to get 10 dancers for dance group na mag peperform para sa anniversary ng isang org. We will have to pick 5 girls and 5 boys. Para maging fair, we need to conduct an audition. Okay ba yun?” Pagpapaliwanag ng choreographer ng dance group.

“Yes!”Sigaw naming nasa dance group. Napaisip naman ako kung anong dance piece ang gagawin ko. Dapat makapasok ako, first napakalaking event nun and baka mapansin ako ng campus dance troupe.

“Oi, tol ano ginagawa mo?” Pagtatanong ni Jeffrey sa akin. Nakakapagusap naman kaming madalas pag break ng workshop ng RPG.

“Nagiisip ako ng dance piece. Nagpapaaudition kasi ang dance group na mag peperform for an event.”

“Narinig ko nga. You really like dancing no?”

Tumango naman ako sa kanya. Bumalik ako sa aking ipod at nag check ng up beat songs na pwede kong gamitin sa audition ko. Habang abala ako sa pagchechek ay nagsalita ulit si Jeff.
“Try mo magpatuolong kay Mike, dancer kaya yun!”

“Weh? Di nga? Bakit di siya sumali  sa mga dance groups?” Mangha kong tanong sa kanya.

“Dati siyang member ng dance troupe nung High School kami. Ewan ko ba dun, tumigil na sumayaw eh.”

“Makausap nga yun.” Pagtawa ko kay Jeff.

“Alam mo buti nalang close na kayo, dati kasi ang aloof mo sa kanya, Lagi kaya nagkukwento yun sa amin.”

Si Mike? Nagkukwento ng mga ganung bagay sa mga kaibigan niya? Bakit naman? Affected siya? Ayyy ayan nanaman ako sa pagiging assuming ko. Palabas na ako ng campus nung tawagin ako ni Mike na tumambay sa may giant steps. Ginamit ko naman yung chance na yun para magpatulong sa kaniya. Di kasi ako magaling mag choreograph kaya I badly need help.

“Mike, sabi ni Jeff magaling ka daw sumayaw? Ah eh….” Panimula ko kay Mike.

“Ih Oh Uh? Geek ka talaga JD. Ano na?” Pangungulit ni Mike sa akin

“Can you help me out on my steps para sa audition ko? Gusto ko makasali sa 10 dancers na mag peperform sa isang event next month eh…” Pagpapacute ko sa kanya.

“Pa cute! Naniwala ka naman kay Jeff na sumasayaw ako?”

“Oo, mukha ka naman dancer eh. Sige na please?” Pangungulit ko kay Mike.

“Ayaw” Pagsagot niya na parang bata.

“Sige na Miiikkkkeee! I will do everything you ask me to do promise!”

“Promise?” Pagcoconfirm niya.

“Yesss!” Pagsagot ko

“Well” Paglapit na siya sa akin. Napaatras naman ako, wromg move! Nasa dulo na ako at muntikang mahulog, buti nalang at nasalo ako ni Mike.

“ahhh” Pulang pula ang mukha ko, first kasi halos nakayakap na ako kay Mike and second nagkatinginan kami.

“JD malagkit na tingin niya sa akin, this is it, hahalikan na ba niya ako? Nagpapaubaya na ako.
Pumikit na ako bahala ka na sa akin Mike…

“Ui JD, para kang timang!” Pagtawa niya sa akin.

Shit! Nakakahiya. Itinulak ko siya and inayos ko ang sarili ko. Hindi ko alam gagawin ko, feeling ko ang obvious ko na. What If iwasan ako ni Mike? I can’t afford to feel the same rejection I got when I was in HS.

“Ahhh, ano. Ang dami mo kasi alam! Anon na kasi yung ipapagawa mo ng maturuan mo na ako sa audition ko?” Pagmamaktol na sambit ko, tumalikod muna ako at kunwaring may kukunin sa bag para maitago ang pamumula ko.

“Tulungan mo ako kay Giselle, I want to try courting her again”

Nagulat ako sa request niya. Napalingon ako sa kanya pero di ko namalayang magkalapit na pala kami. Halos mahalikan ko na siya. Lalo ako namula at napatulala sa labi niya. Nasa ganun akong pagiisip ng bigla siyang nagsalit.

“Ano na JD? Type ko pa din yung best friend mo eh”

I dunno what to say, I dunno what to do. Masakit Oo pero mukhang dun magiging masaya si Mike. Kaya ko bang magpakamartyr? …

Itutulouy…


For What It's Worth 5

Chapter 5



Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

Pagkabalik ko ay wala na si Ms. Sukat. Pinagtitinginan ako ng classmates ko at umupo nalang ako sa upuan ko. Nagulat nalang ako ng may ipinatong na burger sa table ko with a note “S-O-R-R-Y”. Hinanap ko kung kanino galling and it was from MIKE.

“Sorry pre kanina. I know I crossed the line.” Pagpapaumanhin ni Mike sa akin.

“You think?” Masungit ko naman tugon.

“I felt really bad. I know I’ve been a jerk, kaya nga ako nagsosorry eh.”

“Look, wala akong pakialam kung bad mood ka lagi pero sana di mo na ako idadamay. Can you imagine? 2 days palang kitang nakilala pero kumota ka na? Wala na sa akin yung mga ginawa mo pero can you stay away from me?” Mahabang litanya ko sa kanya. Lalo naman kami pinagtinginan ng mga classmate ko. Umalis na muna ako sa harap niya ng maalala ko yung burger na binigay niya. Well, binigay na niya yun so technically akin na yun. Favorite ko kasi yun and nagugutom ako. Nakakahiya man pero binalikan ko yung burger.

“Excuse me, akin na to. Binigay mo na to di ba? So akin na to” Sabay alis. Sa labas nalang ng room ko to kakainin. Habang palabas ako eh nakita ko na natatawa yung mga classmates ko. Kahit ako natawa din, epic fail ko. Ahaha pero nagugutom talaga ako.

Susubo na sana ako ng sumulpot si Chris. “Anong drama mo?”

“Naknang Chris! Dapat ata sabitan kita ng bell sa leeg para di ako nagugulat pag dumadating ka! Muntik ko na mabitawan oh!”

“Hehe, sorry. Ang laki pa sana ng isusubo mo. Gutom lang? Ano nga kasi nangyari sa inyo ni Mike?”

“Wala, wag mo na pansinin yun. Umeksena lang” Sabay subo sa burger. “Gusto mo?”

“Huwag na, mukhang kulang mo pa JD.”

Nagkibit balikat nalang ako at inubos ang burger na bigay sa akin ni Mike.

Lumipas ang ilang linggo at di na kami ulit nag usap ni Mike. Nag attempt siya for a conversation pero puro Oo ; Hindi at Ewan lang sinasagot ko sa kanya. Nakakawalang gana naman kasi maging kaibigan ang isang taong may ubod sama ng ugali. Si Chris naman, friends pa din kami. Minsan naguguluhan ako kung ano ba talaga motibo niya. Ayaw ko naman mag assume at baka mapahiya lang ako. Nasasanay na ako sa buhay ko sa Baguio ng mag isa. Madami na din ako naging friends lalo sa sa org na sinalihan ko na RPG. Sumali ako sa dance group dahil mahilig ako sumayaw. Nakikita ko din minsan yung si Jeffrey, yung kaibigan ni Mike. Nasa music group siya at sa tingin ko bumubuo sila ng banda. Minsan nakikipag usap siya sa akin and for formality at para hindi masabihan ng bastos ng ibang orgmates ko ay nakikipagkwentuhan din ako sa kanya. Mabait naman siya pero pag isinisingit niya si Mike sa usapan ay tinatapos ko na ang paguusap naming. Natapos ang prelims and may karapatan na kami mag party. Isang gabi nagpunta kami ng orgmates ko sa Nevada Square para mag unwind.

“Andaming tao” Sabi ko kay Lynn na isang orgmate ko.

“Malamang, kakatapos lang ng prelims, nagpaparty na muna yung iba. Saan kaya yung tropa?” Palingon lingon niyang sabi.  “Ui si Direk oh.” Turo niya sa director namin.

“Oo nga, tara puntahan natin” Papunta na sana kami sa location ng ibang orgmates naming ng may humila sa braso ko. Nagulat ako pero yung gulat na yun ay napalitan ng excitement!

“Hoyyyy! Namiss kita? Musta ka na?” Masayang bati ng taong humila sa braso ko.

“G? My God! G, it is you!” Yakap k okay Giselle ng makita ko siya sa bar.

“What are you doing here? Grabe, I can’t believe it”

“Well, weekends kasi  and kakatapos lang din ng prelims naming so I decided to go here and visit you” Nakangiti na sambit niya.

“Sino kasama mo?” Pagtatanong ko.

“Siya” turo na sa lalaking nakatalikod na nasa bar counter.

“Boyfriend mo?” Excited na tanong ko.

“Hindi ah!” agad niyang sagot. Lumingon ang lalaki at nakangiting pumunta sa lugar naming. Nagulat naman ako kung sino ang kasama niya.

“Chris? What? How? Huh?” Naguguluhan kong tanong sa kanila. Natawa naman sila pareho sa itsura ko.

“Labas muna tayo. May coffee shop na malapit.” Sabin i G.

“Sige papaalam lang ako sa mga kasama ko.”

Pumunta kami sa isang coffee shop na malapit lang para makapag usap kami. Hanggang ngayon ay di pa din ako makapaniwala. Nang makadating kami sa coffee shop at nakapag order ng kape ay agad namang nagkwento si Giselle sa akin.

“Kababata ko si Chris, dati sa manila sila pero lumipat sila sa Baguio. May communication pa din pamilya naming. Minsan nagbabakasyon tong mokong na to sa bahay naming at madalas pag nasa baguio ako or ng pamilya ko eh sa kanila kami tumutuloy.” Tatango tango naman at nakangiti si Chris kay G.

“So, you know na classmates kami?” pagcoconfirm ko kay G.

“Oo, sinabihan ako ni G na hanapin ka sa pasukan. Well, sinuwerte lang ako na classmates tayo. Sinabihan ako ni G na bantayan ka at bestfriends nga daw kayo. Gusto ko na nga sana sabihin sayo pero pinigilan ako ni Giselle.” Pag explain ni Chris.

“Loko ka talaga G! So pati yung… alam mo na? Nasabi mo na din kay Chris?”

“Natawa naman si G at nakangiti naman si Chris na tumango” Nakakahiya L

“What? Ikaw talaga G! pero alam niyo ba naguguluhan ako dito kay Chris. May times na I thought he was hitting on me pero syempre dapat di mag assume. Ahaha” Pagtawa ko habang umiinom ng kape. Namula naman si Chris sa sinabi ko.

“Wow, that was epic JD. Hahahaha” Pangaalaska ni Giselle kay Chris.

“Yun pala sinabihan mo, nanghinayang tuloy ako! Cute kaya ni Chris.” Pagbibiro ko na laong ikanamula ni Chris.

“Joke lang Chris, Im very happy na friends tayo. Ikaw kaya unang nakilala ko sa campus.”

“Wala yun JD, basta para sayo at kay Giselle.” Pagngiti ni Chris sa akin. Hmmm I smell something, could it be that Chris likes G? Nalungkot ako pero iniwaglit ko yun sa isip ko. Ngayon alam ko na hindi talaga ako type ni Chris. Napailing nalang ako sa naisip ko. Habang nagkwekwentuhan kami ay may group ng mga lalaki na pumasok sa shop. Nagulat nalang ako ng may tinawag si Giselle na isa sa kanila.

“Mike?Mike Samonte? Hoyyy! Musta ka na?” Masayang bati ni G kay Mike na nakapila upang bumili ng kape. Nang mapansin ito ni Mike ay lumapit ito habang papunta si G sa kanya. 

Nakasimangot naman si Chris habang nag uusap ang dalawa. Now Im sure that Mike likes my friend G.

“Magkakilala sila?” Takang tanong ko kay Chris na nakatingin sa dalawa.

“Oo, dating manliligaw ni Giselle yang si Mike.” Wala sa sariling sabi ni Chris sa akin?

What? So si Giselle yung sinasabi ni Chris noon na common friend nila ni Mike? Dating manliligaw? Ano pa bang revelation and ibibigay niyo sa akin? Sa pagkagulat ko ay napatingin ako sa direksyon kung saan nag uusap ang dalawa at nakita ko na sa akin nakatingin si Mike. Ano nanaman kaya binabalak ng hinayupak na to?

“Weh? Hindi nga?” Balik na tanong ko kay Chris.

“Oo nga, nung minsan na magbakasyon yang si G sa amin dito sa Baguio, nagkakilala sila ni Mike” Walang gana na sagot ni Chris sa akin.

“Hindi, ayaw ni G. They remained friends though”

“Ahhh. Wow, nakakagulat. MALIIT nga ang mundo” Pagsagot ko habang hinighigop ang aking kape.

Seriously? Andaming twist ah? Ang pagkakaalam ko ang twist sa bandang dulo ng storya na nagaganap pero bakit sa akin ang bilis? Haiii. Ang haba din ng buhok nitong si G eh. Sabagay maganda nga naman kasi siya. Pero bakit kaya di niya sinagot si Mike? Ang guwapo nga ni Mike eh, sa pagkakaalam ko kay G yung tipo ni Mike ang type niya. Baka para sa akin si Mike? Ayy, hindi pala. Masama ugali niya. Erase erase. Nasa ganun akong pagiisip ng lumapit yung dalawa sa amin.

“Ui bestfriend, this is Mike. Chris si Mike oh!” Masayang tinuran ni Giselle sa amin.  Tumango lang si Chris kay Mike at ngumiti naman itong si Mike pabalik. Nakatingin si Mike ng magsalita ako.

“I know him G. Where in the same class as Chris” Matabang na sagot ko kay G.

“Talaga? Tignan mo nga naman! Would you like to join us here Mike?” Napatingin naman ako kay G.

“Ahh, ano kasi Giselle, Im with my friends. But thanks for the offer.” Nahihiya na sagot ni Mike. Nakahinga naman ako ng maluwag.

“Thank God!” Bulong ko.

“May sinasabi ko ba JD?” Tanong ni G habang umiinom ng kanyang cappuccino.

“Wala wala.” Pagiling ko.

“Sayang naman Mike. Anyways, it was nice seeing you again. Bye J

“Sige Chris, JD. See you at school” Habang nakatingin sa akin. Pilit na ngiti naman ang isinukli ko.
“Madami ka ikwekwento sa akin G!”

“Ahhh, nasabi na pala ni Chris ang connection ko kay Mike. Tsaka na yan. Lets enjoy the night and balik tayo sa bar. Uuwi na din ako bukas eh.”

“Okay. Ubusin lang natin. Sayang, ang mahal!” Pabiro kong sagot kay G.

Bumalik na nga kami sa Bar at inenjoy ang night. Sa sobrang saya naming ay medyo napadami ang inom naming tatlo nila G at Chris. Im starting to get wild on the dance floor. May mga babae na lumalapit at nakikipag sayaw na hindi ko naman inuurungan. The dance floor is getting crowded, chineck ko ang time at 12:00 am na pala. Kaya pala dumadagsa na ang mga party goers. I tried looking for Chris and G but I can’t see them. Paalis na sana ako ng dance floor ng may humarang sa akin. It was a guy, a hot guy!

“Can we dance?” Nag hesitate akong sumagot, una discreet nga ako baka may makakita sa akin. Pero madilim ang dance floor? Pagiisip ko at wala sa sariling tumango. The hot guy drew closer and started dancing in front of me. Dahil sa lasing na ako, sumayaw na din ako. He started wrapping his hands on my waist. Hinayaan ko lang siya until naging intimate yung dance moves niya. He started kissing my neck at may binulong siya sa akin.

“I know youre gonna like this. Wanna go out and have some fun?” Nagulat ako sa sabi niya. I never tried one night stand. Di ko nga siya kilala. I maybe a flirt pero di ko kaya yung ganun. I still believe that having sex should be with someone you love. Di naman sa pa virgin ako pero yun ang pinaniniwalaan ko.

“Im sorry, I should go” Pagtulak ko sa kanya. He maybe hot pero hindi ako desperado to get laid!

“Huwag ka na maarte. Halika na” Paghalik niya sana sa lips ko pero iniwas ko at dumapo ito sa cheeks ko. Pilit ko siyang itunutulak. Parang wala naman pakialam mga tao sa paligid naming. Palibhasa lango na din sila sa alak and masyadong “into the party” na sila.

“No! Let go of me o sasapakin kita!” Pagsindak ko sa kanya. Pero mas malaki ang katawan niya sa akin. He locked my arms and pilit na niyakap ako.

“Oh come’on baby. Your gonna like what we’ll do” Pagdila niya sa tenga ko. Kinakabahan na ako, baka may makakita sa akin. Nagpumiglas ako ng isang suntok sa sikmura ang naramdaman ko.
“JuiceColored. Mararape ba ako?” Yun nalang ang nasa isip ko. Inaakay na niya ako palabas ng tinulak ko siya ng buong lakas. Yun na yung last na lakas ko, pag wala pa din, bahala na si batman. Napaatras naman siya ng bahagya. Palapit na sana siya sa akin ng may sumapak sa lalake. It was Mike. Nagkagulo na ang paligid. I saw some bouncers na umaawat and dumating na si Chris at G.

“What happened? OMG, okay ka lang ba JD?” Pagaalalang tanong ni G. Inakay naman ako patayo ni Chris.

Uhuh. Pagubo ko at sinubukang magsalita. “Okay lang ako”

“Ano ba kasi nangyari?” Tanong ni Chris sa akin.

“Niligtas ako ni Mike!” Ang sabi ko sa dalawa. Lumingon ako pero din ko na makita si Mike.

“Can we go home na?” Pagtatanong ko kay G.

“Oh sige, dala naming ni Chris yung car ng kuya niya. Ihatid ka nalang muna naming.”

Dumiretso na kami sa loob nang sasakyan. Umupo ako sa back seat at humiga since magkatabi naman si G at Chris sa harap. Ang sakit pa din ng sikmura ko. Hayop na lalaking manyak na yun. Badtrip.

“Ano ba kasi nangyari JD?” Paguulit na tanong ni G.

Ikinwento ko kay G ang nangyari. Nagulat naman siya sa muntikang mangyari sa akin. Medyo natawa naman si Chris sa kwento ko pero hindi naman ako offended. Kasi naman, sino ba ang lalaking muntikang marape na nag report sa pulis? Nakakahiya and isa pa baka di ako paniwalaan.

“Chris stop it!” Pagawat ni G sa pagtawa ni Chris.

“Sorry, I can’t help it. Ikaw naman kasi JD, nakipag dirty dancing ka dun sa manyak na yun. Buti na lang di natuloy kundi nako! Baka buntis ka na.” Paghalakhak ni Chris sa akin. Binato ko naman siya ng wallet ko na lalo niya ikinatawa.

“Siraulo ka Chris, tawanan ba ako. Oh, jan na lang ako. Huwag mo na ipasok, mahihirapan ka mag maniobra ng sasakyan mo. Good night guys, Chris, ayusin mo pagdadrive. G ingat sa biyahe bukas. Ikamusta mo ako sa ibang tropa, sa sem break uwi ako Makati.” Pagpapaalam ko kay G.

Naglalakad na ako papunta sa apartment ko ng sinalubong ako ng landlady ko.

“JD, may naghahanap sayo. Lalake, andun sa may gate. Pinapasok ko na. Ano na ba pangalan nun, basta andun, puntahan mo na.”

“Ayy sige po aling becky, una na po ako” Pagpaalam ko sa landlady ko. Nagulat naman ako kung sino ang nasa gate…

“Mike?”


Itutuloy…

Lunes, Setyembre 29, 2014

For What's It Worth 4

Chapter 4




Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

Toot toot. 1 message received. “Huwag ka na mainis, di ka cute kapag nakasimangot ka. I saw what happened, gusto mo resbakan ko?” napangiti naman ako sa anonymous na nagtetext na to.

“Sino ka ba? Please sabihin mo kung sino ka?”

Toot toot. 1 messaged received. “Secret”

Nainis naman ako kaya di nalang ako nag reply. Nakakain na ako ng lunch and I decided to take a nap. May 2 hours pa naman ako.

Krriiiinngggg! Pagtunog ng cellphone ko. Sh*t 2:00 PM na! sa pagmamadali ko ay naiwan ko yung book ko sa Hospitality 101. Patay! Terror pa man din daw yung teacher naming dun. Nagdasal nalang ako na hindi muna kami gumawa ng activities using the book since first meeting palang naman naming sa kanya. Nakadating ako sa school at around 2:26, GOOD! I am 4 minutes early. 

Pagkapasok ko sa room ay nakita ko agad si Mike. Di ko siya tinignan though alam ko na sinusundan niya ako ng tingin. Umupo ako sa tabi ni Chris na abala sa pagpindot ng phone niya.

“Ui, akala ko malalate ka. Grabe pa man din pagka terror daw nung si Ms. Sukat.”

“Oo nga eh, kinakabahan nga ako eh. Ui Chris, naiwan ko ung book ko L

“Halla ka! Nagpapalabas daw yun eh, tsk bakit kasi iniwan mo?” Nagaalala niyang tugon.

“Nagmamadali na kasi ako kanina papasok, nakatulog kasi ako”

“Patay tayo diyan pre. Lets pray na di siya moody or better yet huwag muna siya mag discuss”
“Sana nga” kinakabahan kong tugon.

Habang abala kami sa paguusap ay nakikita ko si Mike na nakatingin sa amin. Naiinis pa din ako sa ginawa niya. Para siyang Bipolar. Grrr! Habang nagtatawanan kami ni Chris ay bigla naman dumating si Ms. Sukat. Juice colored, mukha palang nakakatakot na.

“I will be grouping you on pairs.” Maraming nagbulung bulungan sa pa utot ni Miss Sukat pero walang nangahas na mag reklamo dahil sa din siguro sa takot.

Nagsimula nang mag grupo si Ms Sukat. Nung una ay wala lang sa akin. Kahit sino naman ay pwede ako pero parang nanakit ulo ko ng tinawag na ako at ng pair ko.

“Mr. Marquez, you will be paired with…” Nambibitin na sabi ni Ms Sukat.

“Please po, anyone wag lang si Mike, baka magsapakan lang kami sa room Lord!” Pakiusap kong bulong.

“You will be paired with Ms. Saminiego” Nakahinga ako ng Maluwag at Napa YES ng pabulong pero…

“Ma’am, nabigyan niyo na po ako ng pair?” Pagkumpirma ni Ms. Samaniego.

“Ay, oo nga. Okay, Mr. Samonte you will be paired with Mr. Marquez” Pakikipagusap niya kay Mike.

“ Shet! “ Yun nalang ang nasabi ko. Nang nadako ang tingin ko kay Mike ay nakangiti itong nakatingin sa akin.

“Hi Partner!” masaya at paakbay na sabi ni Mike sa akin. Dahil sa inis ko sa kanya ay di ko siya pinansin at sumimangot nalang. Bipolar ata talaga tong hinayupak na to.

“Okay class, since you all know that it is our first meeting,  I want us to have an introduction with a twist” Nakangiting saad ni Ms. Sukat sa amin. Kinakabahan na ako, mukhang alam ko ang balak niya.

“Instead of you introducing yourself to us, why not your partner? Since our subject is Hospitaliity 101, I want you to show us how you can handle this kind of activity knowing that your barely know your partner. I will be giving you 20 minutes to get information from your partner and we’ll start the activity.”

5 minutes na nang nagsimula ang activity ay di ko pa din kinakausap si Mike. Habang abala ang lahat ay nakatingin lang ako sa bintana at hinahayaan si Mike na magsalita.

“Ui JD. Baka gusto mo magpakilala sa akin. Wala ako masasabi sa introduction natin.”

Aba at talagang may ganung tone? Di man lang nag sorry sa ginawa niya kanina. Di ako sumagot sa kaniya at patuloy lang na nakatingin sa labas.

“Hello? May kausap ba ako dito?” Pagyugyug niya sa balikat ko. Pero di ko pa din siya kinausap. Tinignan ko lang siya ng masama.

“Okay look JD, di ako sanay na napapahiya, at kung sanay ka na dun which I know your are…” Pakutya niyang pakikipagusap sa akin.

“Excuse me?” Ang di ko napuigilang comment.

He flashed a smirk and continued… “What Im trying to say is don’t get in my way na mag pa impress sa lahat. Im used to be the great one in everything you know.” Presko niyang sabi.
Ang kapal. “Okay Fine!” Ang painis sa sagot ko. Ang pinakaayaw ko kasi ay yung minamaliit ako, yung pinapakita ng ibang tao na mahina ako at walang binatbat.

Nagsimula kaming mag discussion ni Mike nang pinaalala ni Ms. Sukat na 2 minutes nalang. Medyo kinakabahan ako. Una baka kung anong kagaguhan nanaman ang gawin ni Mike and pangalawa, Im not good in speaking in front of a crowd.  Nagsimula na ang ibang pairs ng kami na ni Mike and tinawag.

“Alright, Mr. Marquez and Mr. Samonte, please start…”

Nauna na nagsalita si Mike na ipakilala ako. Medyo kinakabahan ako kasi he’s flashing his devilish smile while looking at me.

“Well, let’s see. This is JD, JD Marquez. According to him he is 16, from Makati City. He’s 5’8’’ 
and a naturally born dancer. He loves dogs, like to eat burgers and a coffee addict.” Panimula ni Mike sa harap ng mga classmates ko. Feeling ko maganda naman ang mga sasabihin niya until.

“That was all according to him, let me give what I observed about him. Well he is full of himself, clumsy, magugulatin and moody, flirt and wait did I mentioned he’s sensitive? Parang bakla no? Pero sabi niya hindi daw so I believe him. Right partner?” Pakutya niyang sabi sa akin. Nagtawanan ang lahat ang iba ay nakipagappear pa kay Mike. Sa oras na yun ay parang gusto ko ng manapak pero I composed myself. Its payback time you douche.

“Hi guys, let me introduce this… guy beside me. He is Mike, Mike Samonte. He is 16 and born here in Baguio City. Well since he started giving observations, let me give mine since what he said I think is a pure lie. He’s Bipolar and very arrogant person. Doesn’t know how to say sorry and very inconsistent. Oh did I forgot to mention that he is a douche? Well there you go, that Is Mike Samonte!” Pagalit kong sabi sa lahat. Nagulat ang classmates ko kahit si Ms. Sukat dahil sa way nang pagkakasabi ko ng mga bagay na yun. Walang halong biro kundi galling sa akin mismo. Nakito kong nagulat din si Mike pero walang akong pakialam. Bastusan ang gusto niya well magaling ako dun. I excused my self from Ms. Sukat at pinayagan naman niya ako.

“Excuse me ma’am, may I go to out?”

Hindi ko na hinintay ang pag approve ng prof naming at dali dali akong lumabas kasi naiiyak na ako. Kapag kasi di ko nailalabas ang galit ko through punching someone eh iniiyak ko nalang. Kesa mabaliw ako kakaisip eh inilalabas ko nalang through crying. I know its too gay to cry, kaya nga nag walk out ako para di nila mahalata na naiiyak ako. Sa kamalasmalasan ang daming tao sa CR. Di na ko na napigilan ang luha ko na pumatak, pinunasan ko naman ito agad pero sadyang may makakakita talaga!

“Hey, are you okay?” Pagtatanong ng isang lalaki sa akin. Pag angat ko ng aking paningin ay lalo lang ako nainis. Isa sa mga kampon ni Mike. I don’t know his name pero isa sa sa mga kasama ni Mike kanina!

“The hell you care!” Paangas ko na sambit.

“Chill dude! I was just asking, ang sungit mo naman” balik na sagot naman nito sa akin.

“Whatever, TABI!” Sabay hawi ko sa kanya sa daan para makapasok sa kakabakanteng cubicle. Nagstay ako dun ng mga 10 minutes and nagpasyang lumabas and maghilamos.

“Magexplain nalang ako kay Ms. Sukat sa next meeting. Hayy naman kasi!” Pagdadialougue ko magisa. Nagulat nalang ako ng may nagsalita malapit sa pinto.

“So, di ka lang pala masungit, sira ulo ka pa. GETS ko na kung bakit ka naiyak kanina” Halos mapatalon naman ako sa kinatatayuan ko. Naiinis ako kasi nagulat ako, pero mas nahihiya ako kasi nahuli niya akong nagsasalita mag isa.

“Ikaw nanaman? Ano pa ba ginagawa mo dito?” Inis na tanong ko sa kanya.

“Wala lang, I thought you might need someone to talk to. Umiiyak ka kaya kanina nung makita kita  kanina.” Natuwa ako ng slight sa concern niya but he is still part of Mike’s cronies.

“Thanks sa concern but I’m fine. Una na ako.” Pagpapaalam ko sa kanya.

“Wait, ang sungit mo talaga. Classmate ka ni Mike di ba? Im Jeff, Jeffry Aquino, same tayo ng college pero accountancy course ko. JD name mo hindi ba? Nabanggit ka sa amin ni Mike kanina.”

“Oo na. Alis na ako!” lumabas na ako ng CR at dumiretso na sa room. Mukha naming mabait si Jeff? Pero siya pa din yung isa sa mga pinagtawanan ako kanina.  Hayyy. Pagkabalik ko ay wala na si Ms Sukat. Pinagtitinginan ako ng classmates ko at umupo nalang sa upuan ko. Nagulat nalang ako ng may ipinatong na burger sa table ko with a note “S-O-R-R-Y”. Hinanap ko kung kanino galling and it was from MIKE.


Itutuloy…

For What It's Worth 3

Chapter 3



Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

Nagulat nalang ako ng may nakita akong tao na naghihintay sa labas ng unit ko.  It’s PJ at muli nanamang nagsikip ang dibdib ko…

Naipon lahat ng sama ng loob ko kay PJ. Lahat ng galit ko ay parang lalabas na lang ng makita ko siya. Umalis na ako ng Manila. Maliban sa gusto ng mga magulang ko na mag focus ako sa pag aaral ko, ang paglayo kay PJ ang isang dahilan kung bakit ako pumayag mag aral sa Baguio.

“What are you doing here?” Puno ng galit kong tanong kay PJ. Nangingilid na ang aking luha pero pinipilit kong di umiyak. Dapat Makita niya matatag ako kahit wala siya sa buhay ko.

“Babe? I miss you, please can we talk?” Malambing na pakikipagusap niya sa akin.

“Babe? In case you missed it PJ, we broke up the day you cheated on me! Please leave, wala ako panahon sayo!” Pagtataboy ko sa kanya.

“JD, please let me explain. Just give me a chance. The least I wanted was to hurt you. I love you!”
“Nasaktan mo na ako PJ, at yung sakit na yun siguro ang dahilan kung bakit ayaw kitang bigyan ng chance! You broke me PJ and ikaw yung dahilan kung bakit natatakot na ako magmahal ulit!”

“Im sorry JD. I know everything is my fault; all I want is for you to give me a second chance. I will fix you, I will fix us. Just please you  be mine again?”

“Just leave PJ. I don’t wanna see you anymore. Stop bothering me!” Sabi ko habang tinataboy ko siya.

“I will wait JD, I will wait until the day your ready to give me chance”

Umalis si PJ sa harap ko na iniwan ang katagang “I will wait JD, I will wait until the day your ready to give me chance”. Oo masakit, sino ba ako na hindi masasaktan? PJ was my first love. Siya ang nag open sa akin sa pagiging bisexual na di ko pinagsisisihan. Pero yung sakit ni iniwan niya sa akin ang di ko makalimutan.

“Bakit bumalik ka pa?” Sabi ko habang umiiyak at nagpapadausdos sa likod ng aking pinto. Akala ko sa movies lang ang mga ganong eksena. Kahit sa kalagitnaan ng aking pagiyak ay naisip ko yun kaya wala sa sarili akong napangiti. Siguro kung may ibang tao lang na makakakita sa akin ay iisipin niya na baliw ako.

Nagring ng cellphone ko. Nang Makita ko kung sino ang tumatawag ay agad ko itong sinagot.

“Hello” pilit kong pag bati kahit na umiiyak pa din ako.

“Let me guess, nagkita na kayo ni PJ?” ani ni Giselle, siya ang pinakamalapit kong kaibigan nung ako ay nasa High School pa.

“Nabanggit kasi ng impaktang si Anne na binigay niya yung address mo kay PJ. Ikaw naman kasi, bakit kailangan mo pang sabihin kay Anne yung address mo diyan? Obsessed yung gagang yun sa ex mo, malamang kahit ano sabihin ni PJ dun eh parang aso yun na susunod.” Mahabang litanya ni Giselle.

“G, Anne is my friend to. Inexpect ko na gagawin niya yun, pero ayaw ko siyang I left out sa circle natin.”

“Hello! JD, traydor ang gaga na yun. Tignan mo nga at binaliktad ka.”

“Hindi ko naman kasi sinabi sa kanya na bawal malaman ni PJ kaya wala siyang kasalanan”

“Ewan ko sayo JD. Bakit ba ang bait bait mo? Kung nandyan lang ako baka nasampal na kita. Oh tignan mo iiyak iyak ka? I assume pinalayas mo na?”

“Oo” Ang nasagot ko na lang sa gitna ng aking paghikbi.

“Okay, di na ako magtatanong. Magpahinga ka na at utang na loob enough crying okay?”

“Okay, I miss you G! Pakikamusta ako sa barkada.”

Natapos ang paguusap naming kaya I decided to take a shower before I eat dinner. Nakapaghapunan na ako nahiga muna ako sa kama ko. Naalala ko nanaman yung gabing nalaman ko na niloloko ako ni Pjay. Wala sa sarili akong napaiyak. Sa aking pagiisip ay di ko namalayang nakatulog na pala ako.

______________________

Flashback / Dreaming

Umuulan na kaya dumiretso akong pumasok sa bahay nila PJ. Wala ang magulang niya at si Manag Fe lang ang naabutan ko sa ibaba.

“Manang Fe, is PJ here?”  Tanong ko habang pinupunasan ko ang buhok ko.

“Hindi ko namalayan na umuwi eh. Tignan mo nalang sa kwarto niya. Kakauwi ko lang galling palengke”

“Sige manang, Salamat po.”

Umakyat na ako sa kwarto ni PJ. I was planning to surprise him. Sabi ko kasi busy ako kaya hindi ko siya mapupuntahan. I bet he will be surprised to see me. Aktong bubuksan ko na yung pinto nung may narinig akong nag uusap sa pinto.

“JD pare! Kamusta na yung si Verna? Yung chick na patay na patay sayo?” Maangas na turan ni Joseph, kaibigan ni JD.

“Natira ko na yun last week pa!” Nagsikip ang dibdib ko ng marinig ko yun.

“Ows? Di ba kayo ni JD? Di ba bakla ka tol? Ahaha” pakutyang sabi ni Joseph

“Hindi ako bakla! Bisexual lang ako. At bakit ba? Lalake din ako no! Syempre tinitigasan pa din ako sa babae. Si verna na ang lumapit, aayaw pa ba ako?”

“Lupet mo tol! Pero di ba niloloko mo si JD niyan?” Pagtatanong ni Joseph.

“Yung sa amin JD, curiosity lang yun. Bakit? Babaero din naman yung si JD bago naging kami? “

“Pero di na siya ganun? Ang balita ko simula nung niligawan mo siya at napasagot mo siya ay hindi na siya tumignin sa iba.”

“Hindi ko na kasalanan kong habulin pa din ako ng chicks tol. Di lang naman si Verna ang nakasex ko, kilala mo si Camille at Shena? Sarap!”

“Gago ka talaga? Ahaha Magshare ka naman.”

Feeling ko sa pagkakarinig ko nun ay mamamatay na ako. Sana sinapak nalang niya ako kesa marinig ko yun. I thought what we have was special pero niloloko lang pala niya ako. Naguunahan ang luha ko na lumabas sa mga mata ko. Nahihirapan akong huminga. Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. It was PJ and he was shocked to see me outside his room.

“Babe? Ano ginagawa mo diyan? Kanina ka pa ba diyan?” Pa maang niyang sagot.
Walang sabi sabi ay sinapak ko siya ng ubod ng lakas dahilan upang matumba siya sa sahig.

“Fuck you!” Yung ang huling katagang nasabi ko at tumakbo na ako palayo…
_________________________________________________________________________________

Kriiiiinngggggg!!!!!! Pag Alarm ng cellphone ko. 6 am na pala. Nang aking kuskusin ang mata ko ay basa ito. Naalala ko na napanaghinipan ko nanaman ang eksenang iyon. Hayy! Kelan ba ako makakamove on kay PJ?

Toot toot. 1 Message received “Good Morning”

Huh? Sino naman to? Unknown number. Hmmm “Good morning din. Who you?”

Toot toot. 1 Mesaged received “Secret”

Aba, bahala ka. Di na kita rereplyan. Andami na talagang wala magawa sa buhay. Tsk.

Bumangon na ako naligo. Sa school nalang ako mag aalmusal. Pagkadating ko sa school ay halos wala pang tao. May 1 oras pa ako since 8 am ang unang class ko. Pumunta muna ako sa Silang Canteen upang mag almusal. Umorder ako ng Hotdog/Egg?Rice. Ayos na ako dito. Habang kumakain ako, feeling ko may nakatingin sa akin. Pero nung lumingon ako ay wala naman.

Toot toot. 1 Message received. “Sarap ng kain ah. Pahingi naman”

Luninga linga ako ulit pero di ko talaga Makita kung sino ang nag text.

“Wala ako panahon sa pagbibiro mo. And how’d you get my number?” pagtatanong ko sa text.

“Secret” maikling reply niya.

Nagpasya akong di nalang siya replyan. Ayaw ko kasi makipag text kung kani kanino. Since maaga pa naman, pumunta muna ako sa may fountain ng school. Sakto hindi litaw ang araw at may fog. 

Isinuksok ko ang headphone ng aking mp3 player. Nilalamig na ako, Oo natuwa ako sa una pero grabe ang lamig! Aalis na sana ako ng may nakita akong hot chocolate sa aking tabi. Akala ko nung una hindi akin pero may note na “Drink this, this would warm you a bit JD.”

Lumingon ako sa paligid pero ako nalang ang tao dun. Siguro dahil sa masyado akong  focus sa music na aking pinapakinggan ay di ko namalayan na may nag iwan pala ng hot choco sa tabi ko.

Toot toot. 1 Message received. “Drink it, walang lason yan”

Minabuti ko na di na mag reply. Biniibit ko na din yung hot choco at dumiretso sa aking room. Sino kaya yun? Siguro si Chris or Mike yun. Pagiisip ko. Hayy. JD, wag assuming, masakit ang magkamali. Pagpapaalala ko sa aking isipan. Pumasok na ako sa room ko. May ilang tao na kaya minabuti kong umupo sa likuran. Algebra kasi ang subject kaya nakakawalang gana. Pumikit muna ako habang nag hihintay ng oras.

“JD! Gising na!” Naramdaman ko ang pagyugyug ng Chris sa balikat ko. 

“Ui, ano meron?” Gulat kong tanong.

“Ang cute mo! Hahaha” Namula naman ang pisngi ko sa komento niyang yun.

“Malapit na kasing mag time baka dumating na prof natin.”

“Ahhh, akala ko naman kung ano na hehe”

“Ang aga mo, sana sinabihan mo ako kahapon para maaga din ako pumasok.”

“Tinamad na kasi ako magluto kaya nag breakfast nalang ako dito”

“Okay, bukas aagahan ko na din para makasama kita bago magstart classes” Sabi niya flashing his perfect smile.

“Sira ka talaga!” nagtawanan kami hanggang dumating professor naming. Di ko naman namalayan si Mike na kanina pa pala nakikinig sa kwentuhan namin ni Chris. Natapos ang first 3 subject namin at may 30 minutes break kami before sa next class. Kausap ni Chris si Mae kaya minabuti ko nalang magpunta sa canteen mag isa. Sa aking pagdaan sa lobby ng Silang building ay may nakita akong post: “JOIN NOW! Rated Production Guild. Do you have what it takes? Are you one of us?” 

Nacurious naman ako kaya lumapit ako. Hindi naman sa pagmamayabang I can Dance and Act kaya I registered.

“Kuya, itetext nalang naming kayo if kelan mag start ang workshops.” Sabi nung babae sa booth.
I just flashed a smile at halatang namula ung dalawang babae sa booth. Talaga naming di pa din kumukupas ang ngiti kong ito. Dumiretso na ako sa canteen at nakita ko si Mike na nakikipagharutan sa babae na kasama niya kahapon.

“Siguro girlfriend niya. Pero bakit ako nagseselos? Bakiiit? Hay JD. STOP!”

Bumalik na ako sa room namin at nadatnan ko si Chris na nakasimangot.

“Bakit di mo ako tinawag? Nagugutom din kaya ako?” Pagmamaktol niya. Parang bata pa nga, sabagay he’s 15. I am a year older. Natawa nalang ako sa tinuran niya.

“Oh ayan, kain ka na baby boy. Hahaha” pagtawa ko habang sinusubuan siya ng burger.

“Baby Boy ka diyan! Akin na to ngayon! Hahaha”

“Takaw!” pagtawa ko. I really don’t mind him eating my food. Nakakagat naman na ako.

Sa pagkwentuhan naming ay bigla nalang may bumangga sa likod ko. It was Mike. Hindi man lang nag sorry at diretso lang siya sa upuan niya. I looked at him na parang nagtataka sa kinikilos niya. Napaka Moody! Hinayaan ko nalang siya at umupo sa tabi ni Chris. Natapos ang last subject naming sa umaga and Lunch nanaman. Since 2:30 PM pa naman ang next class ko ay nagpasya akong umuwi. Niyaya ako ni Chris na sumabay sa kanya pero tumanggi ako.  Naglalakad na ako sa sakayan ng biglang may bumunggo nanaman sa akin. It was Mike. Sa sobrang lakas ay muntik na akong masubsob sa sahig. Nagulat siya ganun din ako. Naiinis ako sa kanya, ano ba problema niya? Nagtatawanan yung tatlong kaibigan niya. Napahiya na ako sa harap nila, napahiya pa ako sa mga taong naglalakad. 

“JD, sorry, napalakas yung…” Di pa niya natatapos yung sinasabi niya ng sumabat ako. 

“Ano ba problema mo? Kanina ka pa eh! You know what, never mind! Fuck you!” galit na sabi ko at nagmadaling umalis sa harap nila. Narinig ko pa yung ibang kasamahan niya na nag woooowwwww! Na lalong kinainis ko.

Toot toot. 1 message received. “Huwag ka na mainis, di ka cute kapag nakasimangot ka. I saw what happened, gusto mo resbakan ko?” napangiti naman ako sa anonymous na nagtetext na to.

“Sino ka ba? Please sabihin mo kung sino ka?”

Toot toot. 1 messaged received. “Secret”

Nainis naman ako kaya di nalang ako nag reply. Nakakain na ako ng lunch and I decided to take a nap. May 2 hours pa naman ako.

Itutuloy….



Linggo, Setyembre 28, 2014

For What It's Worth 2

Chapter 2




Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

“Okay fine, be my date…” Sa gulat ko nalaglag ko yung bag pack ko. Siguro nga tama siya, I need to stop drinking coffee!

“Haha baliw ka ba?” I managed to pull a mocking tone pero sa totoo lang kinakabahan ako. What if he’s trying to show that I am not straight? Halata na ba ako? Crap!

“Hahaha! Akala ko maniniwala ka. My friends thought you were gay. Well at least I proved them wrong.  Just buy me a juice kapalit nung natapon. Sorry nga  pala kanina ha? Badtrip lang talaga ako tapos natapunan mo pa ako ng juice. Friends?” sabi niya with an apologetic tone.

Whew! Buti nalang, mabait naman pala tong mokong na to pero bakit nanghihinayang ako? JD, stop.

“Sure, juice lang pala. Akala ko talaga masama ugali mo, pero seriously sorry talaga ha? Nagmamadali kasi ako kanina.”

“Wala na yun JD, halika na, may 15 minutes pa tayo, daan muna tayo sa Silang Canteen, bili mo ako C2!” Sabi niya while flashing his perfect set of teeth.

“Ui JD, natutulala ka diyan! Halika na dali.”

“Oo, Saan, Ayy Oo, halika na nga.” Pataranta kong sambit. Dahil sa hiya, nauna na ako maglakad sa kanya hanggang canteen.

Habang nakapila kami sa cashier biglang may tumapik sa likod ko.

“Ui JD, bigla ka nawala kaninang lunch. Yayayain sana kita na sumabay sa amin ng friends ko. Saan ka pala kumain?” Sunod sunod na tanong ni Chris.

“Ah doon sa labas sa may Main Gate. Dami kasi tao kanina dito kaya lumabas na lang ako” Ang sabi ko naman while getting money from my bag.

“Sabay na tayo pumasok, sa third floor yung room natin di ba? Tabi tayo ulit ah?” Puno ng saya niyang sabi.

“Oo ba!” Unconscious kong nasabi.

“EHEM!” biglang kaming napalingon ni Chris, oo nga pala, si Mike nasa likod ko.

“Ui! Oo nga pala, Chris si Mike” Sabi ko pagpapakilala ko sa dalawa.

“Kilala ko siya” sabi ni Chris na matalas na nakatingin kay Mike.

“Chris pare, Boys High ka di ba?” Pagpapakilala ni Chris

“Oo tol, paano mo pala ako nakilala?” Paangas na tanong ni Mike.

“Common friends” Malamig na sagot ni Chris.

Habang nag uusap ang dalawa, binayadan ko na ung c2 ni mike.

“Mike oh, c2 mo! Oh wala na ako utang sayo ah?” Pabiro kong sabi.

“Oo, salamat dito JD!”

“Halika na JD, late na tayo!” Biglang hablot sa akin ni Chris, nang madako ang tingin ko kay Mike ay nakasimangot na lang ito.

“Teka lang Chris, madapa tayo! May 5 minutes pa naman”

“Hehe, sorry JD, para may makuha tayong magandang upuan di ba?

Nakadating na kami sa room at halos lahat ng classmates namin ay nandoon na. Umupo kami ni Chris sa bandang dulo sakto sa bintana para malamig. Habang nakatingin ako sa labas, biglang may umupo sa kanan ko, si MIKE!

“Patabi ha? Akala ko late na ako” Ang sabi nito na medyo hinihingal pa

“Sige wala pa naman nakaupo diyan” Ang nasabi ko nalang. Ang guwapo talaga ni Mike.

“JD, nakita mo ba yung….” Di naituloy ni Chris ang sasabihin ng Makita niya si Mike na nakaupo sa aking tabi.

“Ui Chris, nakiupo na si Mike dito” Ang nasabi ko while getting my phone on my bag.

Bigla nalang nanahimik tong si Chris kaya kay Mike muna ako nakipagkwentuhan, maya’t maya ko naming kinakausap si Chris para di mapanis laway niya. Nakakapanibago kasi. Lagpas 20 minutes na but no teacher showed. Biglang sumigaw yung isang classmate ko na uwian na daw. May mangilang ngilan na umalis pero nag stay ang karamihan. After 30 minutes, may tumayong classmate naming, akala ko eepal lang, siya pala yung teacher naming. Si Sir Dino!

“I just tried to test your patience. Sadly may ilang nagsialisan but I am happy na majority ay nandito pa” Mababang boses na paglalahad ng aming guro.

“Ill arrange your seat according to your last name” may awtoridad na pagkakasabi ni Sir Dino sa amin.

Madaming nagbulung bulungan. Malamang ito yung mga classmate ko na nakahanap na ng friends sa class. Habang nagkakagulo sila, ako Chill lang.

“Ano ba yan! A ako malamang sa unahan ako” Pagmamaktol ni Chris. Ang cute din nito eh, parang bata. (Sabi ng aking utak)

“Okay lang yan! He he” Pang aasar ko kay Chris. Nawala naman sa tabi ko si Mike paglingon ko may kausap itong magandang babae. Medyo nainis naman ako. What? Nagseselos ba ako? Agad agad? Ang landi mo JD! First day palang.

Naiayos na kami ni Sir ng upuan at kamalas malasan katabi ni Mike yung magandang babae at paglingon ko naman kay Chris ay masaya itong nakikipagusap sa isa ding babae!

“Great! Me and my epic fail. Dapat tigilan ko na pagiging assuming ko” Bulong kong sabi sa sarili ko.

Nagulat naman ako ng biglang nagsalita yung katabi ko.

“Huy gurl, sino kausap mo? Okay ka lang? By the way, I’m Shiela” Bibong pagpapakilala ni Sheila sa akin.

“Sorry? Gurl?” Halata na ba talaga ako? Hai, badtrip!

“Nako ganyan talaga yan, lahat ng tao gurl ang tawag. Wag mo na pansinin may tililing yan sa utak! Ako nga pala si Marie”

Buti nalang *sigh* “Ako nga pala si …” Di ko pa natatapos sasabihin ko ng nagsalita yung dalawa

“JD” sabay na sabi nilang dalawa. Napatingin naman ako sa kanila at natawa.

“Gaya gaya ka talaga!” Ani Marie

“Whatever gurl” pagkamaarteng sagot ni Sheila.

Natawa nalang ako sa tinuran nilang dalawa. “Kaibigan mo pala si Chris at Mike?” Tanong ni Marie.

“Ah, nakilala ko lang sila kanina.” Ang sagot ko naman habang inoopen ko yung pc sa harap ko.

“Nako ang gwapo niyong tatlo! If you need a muse tawagin niyo lang ako” pabirong saad ni Sheila

Nakakatawa din itong si Sheila, parang bakla kung magsalita. Natapos ang araw ko na ayos naman. I’m happy I met good people and I think ma eenjoy ko naman ang stay ko sa Baguio. Pauwi na ako ng Makita ko si Mike na kasama ulit ung babae kanina sa room. Di ko naman nakita si Chris. Napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang maglakad papuntang sakayan. Dati kapag uwian kasama ko HS friends ko na naglalakad.

“Magsaysay, Trancoville!” Sigaw ng barker habang nagaantay ako na mapuno ang jeep. Nagulat nalang ako ng nagsalita yung katabi ko. Si Chris pala!

“Ui JD, lumilipad nanaman ung utak mo. Sensya ka na nawala ako bigla kanina, hinatid ko pa kasi si Mae sa sakayan”

“Chris! Nakakagulat ka talaga. Same pala tayo ng jeep pauwi? Nako wala un, ano ka ba! GF mo ba yung Mae?”

“Hindi! kabarkada ko lang yun” Sabi naman niya habang kumukuha ng barya sa bag niya.

“Manong bayad, dalawa po. Ako na magbabayad JD” Nag abot siya ng bente sa driver.

“Ui thank you! Dapat lagi tayo magkasabay para libre ako” pabiro kong saad sa kanya.


Nagtawanan lang kami ng pumara na ako. Laking pagtataka ko ng bumaba din siya. Oh taga dito ka din? Tignan mo nga naman at mukhang ililibre mo ako ng pamasahe araw araw.

“Dito yung apartment ko, sa second floor ako, Ikaw saan ka banda dito? Magkapitbahay pala tayo ah!”

“Hindi ako taga dito, taga aurora hill ako” ang sabi niya na nakangiti?

“Ha? Eh bakit ka pumunta dito?” pagtataka kong tanong sa kanya

“Tinignan ko lang kung saan ka nakatira. Hehe” Nahihiya niyang turan.

“Baliw ka talaga! Uwi na” Pagtataboy ko sa kanya. Syempre kinilig ako! Sa kagaya kong BI, ang maihatid ng cute na lalake pauwi ay nakakatuwa pero syempre I need to act as if straight ako. Paano nalang kung mabuko ako?

“ Haha! OO na. kita nalang tayo sa school bukas! Bye JD” sabi niya habang naglalakad palayo.

Ngumiti nalang ako at tumuloy na sa unit ko. Habang naglalakad naisip ko nanaman yung mga pa utot ni Chris. Nagulat nalang ako ng may nakita akong tao na naghihintay sa labas ng unit ko.  It’s PJ at muli nanamang nagsikip ang dibdib ko.

Itutuloy…




Biyernes, Setyembre 26, 2014

For What It's Worth 1

Chapter 1




Authors Note: This story is based from my own experience. Names were changed for the privacy of people involved. Some scenarios are also changed to make the story more appealing to readers. Any events or situations that resemble are pure coincidence. I am new in writing stories so bear with my lapses. Please leave your comments, bad or good comments are appreciated. Thank you.

“Asan na ba ako?San ba itong D-103? Sh*t!”

Late nanaman ako, ano ba yan! College na ako pero di ko pa din matanggal ang habit ko sa pagiging late. By the way,  ako nga pala si JD. Freshmen sa isang kilalang school dito sa Baguio. I am actually from Manila pero dahil sa kalokohan ko nung high school ipinatapon ako ng parents ko dito sa Baguio. Ewan ko ba, wala naman kami kamag anak dito and how sure are they na hindi ako magloloko?

Sa kalgitnaan ng pagmumuni muni ko…

Bugsh! “Sorry, di ko sinasadya” sabi ko sa taong nabunggo ko.

“bakit kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo! Look at what you did to my shirt? Tsk!” sabi ni kuyang sungit.

“I am really sorry, late na kasi ako. Babawi ako kung magkita tayo ulit. Sorry talaga” ang pagmamadali kong sabi sa kanya. I know its rude pero what can I do? Late na ako!

15 minutes na akong late. I just hope na hindi sana masungit yung professor ko.  By the way I took up BS HRRM. Bakit? Hindi ko din alam. All I know is when I took the entrance exam, this course caught my attention. Ang haba kasi! It is actually BSHTM HRRM. Oh diba? Ang haba, sino di macucurious niyan?

“Yes?” rinig ko ng makapasok ako sa loob ng room.

“I am JD Marquez, I belong to this class. Sorry I am late ma’am.” Nasabi ko nalang na kinabahan.

“That’s okay Mr. Marquez. Since first day palang naman pagbibigyan kita.” Swerte! Mabait yung teacher ko!

“Thank you ma’am!” Very thankful kong sagot while flashing my killer smile. (Kapal lang haha)

“Since tapos na magpakilala lahat ng classmates mo, I want you to introduce yourself to us. Include your name, age, from what province and why’d you took your course”

Ito nanaman po kami sa walang kamatayang introduction. Honestly, I really hate introductions! Pero what can I do? *sigh*

“Hi guys, my name is JD Marquez, I am 16 and I am from Makati City. Honestly, I don’t have a reason why I took our course. Nacurious lang po ako….” Sabay kamot sa aking ulo ans showing off my innocent smile.

Marami ang natawa at madaming mga boys sa harap ang nakipag appear sa akin. Sa kalagitnaan ng pagtawa ng lahat this guy caught my attention. Nakasimangot siya sa akin. Sayang ang cute pa man din niya pero parang di siya natutuwa na makita ako.

“Okay, that’s enough class! Mr. Marquez, you may take a seat beside Mr. Antonio. Class, please write your name on a ¼ sheet of paper and give it to me”

Habang naglalakad ako, nakita  ko yung nakasimangot na nakatitig sa akin. Sino ba siya? Hanggang naalala ko yung mukhang yun! HOLY! Siya ung nabangga ko kanina. Ang liit nga naman ng mundo. Haiiii andun pa din yung mantsa ng juice sa white V neck shirt niya. Kaya naman pala halos patayin niya ako sa tingin. Yumuko nalang ako going to my seat.

“Hi! I am Chris! Chris Antonio” Nagulat naman ako sa aking katabi na biglang nagsalita.

“JD, nice meeting you”  Ang nasabi ko naman on a friendly tone.

May hitsura tong si Chris, kamukha nga niya si Sam Concepcion na may halong Dominque Roque! Yun nga lang, ubod ng daldal. Ikinatuwa ko nalang since wala naman ako kakilala sa room and matagal na din akong walang nagiging ka close na guy. Since kasi nalaman nung high school friends ko na Bisexual ako, iniwasan na nila ako. Kasi, Bisexual nga ako! Hai, who am I kidding. Kapag nalaman din nitong si Chris na hindi ako straight malamang iiwasan din ako nito. Hindi naman kasi ako halatang Bi. I still act and talk like a guy yun nga lang naattract ako sa same sex.

“Ui JD! Hindi ka naman nakikinig! Akin na papel mo, ako na magbibigay kay ma’am!”

“Sorry, No need chris, ako na. Thanks  though” Pag agaw ko sa ¼ na may pangalan ko.

“I insist” makulit na turan nito.

Sa pagaagawan namin ng papel, nahawakan ko ang kamay niya and walang ano ano ay napatingin ako sa mga mata niya. WOW, ang ganda ng mata niya, para ako nahypnotise. Nagkatinginan kami ni Chris ng mga 30 seconds ng may umubo sa likuran namin. Doon lang nagbalik ang aking pagiisip at binitawan ko siya. I can’t look at him. I’m so stupid, buko na ako!

“Sige na nga. Ikaw na mag abot kay ma’am” Sagot ko ng nakayuko at nahihiya.

“Sabi naman sayo” Napatingin ako sa kanya at namumula din siya.

Can it be? Ayan nanaman ako sa pagkassuming ko. Kaya ako nabuko nung high school. Erase JD, erase! Straight yang si Chris. Tignan mo nga ang guwapo? Pero bakit ako? Guwapo din naman ako pero Bi ako? (sabi ng makapal kong pag iisip) Nako ewan.

Sa gitna nang aking pag iisip, may naramdaman akong tumabig sa likod ko.  Napatingin ako sa kanya at andun pa din yung galit sa mata niya. I felt uneasy, para niya akong papatayin.

“Okay look, I am really sorry diyan sa damit mo. Hindi ko talaga sinasadya. I was serious dun sa babawi ako pag nagkita tayo.  Sorry?” Iniabot ko yung kamay ko for a hand shake pero tinignan lang niya ito and pumunta sa harapan.

“Ang sungit, kung ayaw niya eh di wag!” Nakakawalang mood, he’s more stubborn than me!

“Oh, nakasimangot tayo pards?” Ang sabi ni Chris na bigla nalang sumulpot sa likod ko.

“Seriously? Kabute ka ba? Bigla bigla kang sumusulpot!”

“haha ayos ba? Bakit ka nga nakasimangot?” puno ng pangungulit niyang pagtatanong.


“Wala Chris, gutom lang ako.”

“Hindi ka nagsasabi, oh” Sabay abot niya ng cream o.

“Thanks” Nasabi ko nalang.

Lumipas ang first half and lunch na. Andaming tao sa canteen. Nagpunta ako sa labas ng campus and I saw a restaurant. Konti lang tao, pumasok ako and nag order. Susubo na sana ako ng pagkain ng makita ko nanaman si Mr. Sungit, ang talas pa din ng tingin. May kasama siyang 3 na guys sa table niya pero siya lang yung bukod tanging nakatingin sa akin parang papatayin ako. Tumalikod ako sa direction nila para di ko siya makita. Patapos na akong kumain ng magring ang phone ko. It’s PJ. Call ended! Ayaw ko siya makausap, after he cheated on me he have the nerves to call me?  Bitter na kung bitter, pero nakakainis. Naalala ko nanaman pangloloko niya.

1 message received. “JD, its me PJ. Please talk to me. I miss you!”

Message deleted. 

Nagulat nalang ako ng may umupo sa tabi ko. Sa gulat ko halos malaglag ako sa upuan ko.

“You look stupid” sabi ni Mr. Sungit. For the first time, I saw him smile at hindi lang smile, tumatawa siya! Mas lalo siya pumogi sa paningin ko pero dahil sa ginawa niyang pagsusungit sa akin kanina  nawala yung admiration ko sa gwapong mukha niya.

“Excuse me? Ano ba kailangan mo?” I composed myself and faced him.

“Aba, ikaw pa tong masungit. In case you forgot Mr… Stupid may kasalanan ka pa sa akin” Sabi niya while smirking at me.

“The nerve! Hoy! I already said sorry and you just ignored me kanina and now andito ka sa harap ko smiling like a lunatic? Yung totoo, are you bipolar?”

“Whatever! Im Mike Samonte, your JD right?” Preskong pagpapakilala niya.

“How’d you know my name?” Pagtataka kong tanong.

“ikaw yung last na nagpakilala di ba? Seriously? Pinaninindigan mo yung Mr. Stupid na tawag ko sayo?”

Bwisit na to! Assuming nanaman kasi ako. “Well Mr. Samonte, AALIS na ako! Tabi!”

Sa aking pagalis sa restaurant na yon ay bigla siyang sumigaw ng “MAY UTANG KA PA SA AKIN”

“WHATEVER!”  Ang sigaw ko nalang habang paalis sa restaurant na iyon.

Pumasok na ako sa campus, I still have 25 minutes. I decided na umupo at tumambay sa giant steps (malamang some of you know the school na). Ang lamig ng paligid at andaming taong naglalakad. I miss my friends nung high school. *sigh*

Sa aking pagiisip, may umakbay sa akin at sa gulat ko napatayo ako.

“Siguro mahilig ka sa coffe? Magugulatin ka naman kasi!”

“You again? Seriously Mr. Samonte ano ba kailangan mo?”

“Yung utang mo! Ano ka ba JD, hindi ba may kasalanan ka pa sa akin?”

Kung ano ang kinagwapo nito, kinasama naman ng ugali! Argh “Then? What do you want me to do? Sabihin mo nang matapos na to!”

“Okay fine, be my date…” Sa gulat ko nalaglag ko yung bag pack ko. Siguro nga tama siya, I need to stop drinking coffee!

…. Dito magsisimula ang masaya, nakakakilig, malungkot at masakit na relationship ko nung college!

Itutuloy…